bc

Beauty Beyond Darkness

book_age16+
308
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
bxg
heavy
city
enimies to lovers
first love
school
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Pangarap ni Hale na maging isang Beauty Queen balang araw, bukod kasi sa kanyang talino ay hindi rin maitatanggi ang kanyang kagandahan. Ngunit habang tinatahak niya ang daan papunta sa kanyang pangarap ay nakilala niya si Heize, ang pinakamayabang ngunit sikat na lalaki sa kanilang paaralan; ang lalaking sakit pala ang kapalit patungo sa kaniyang inaasam na daan.

Makikita nga ba nila ang kagandahan sa dulo ng kadiliman?

Kagandahang makikita mo lamang kung makalalampas ka sa hagupit ng tadhanang puno ng kadayaan..

chap-preview
Free preview
PROLOGO
Sabi nila, kung dumating man ang panahon na kailangan mong mamili sa dalawang bagay, ang dapat mong piliin ay 'yong magpapasaya sa ‘yo. Pero paano kung sa isang bagay na 'yon ay masaya ka nga, pero hindi ka naman kuntento? Career or Love? Bakit kailangan pang mamili? Bawal bang magmahal habang successful sa buhay? Dreams or Reality? Magkaiba ba 'yan? Pwede namang mangarap nang makatotohanan. Heart or Mind? Kailangan bang magkahiwalay? Pareho naman silang parte ng katawan. Lahat may options, lahat may kapalit. Kung pumili ka ng isa, makukulangan ka. Kung pumili ka ng dalawa, mauubos ka. Sa lahat ng gusto, may kaso. Sa lahat ng desisyon, may kapalit na pagbabago. Patas ang buhay, ang tadhana lang ang hindi. At dahil mortal enemy ko ang tadhana, ipinasok niya sa tahimik kong buhay itong bungangerang trainer na nasa harap ko. "Miss Manila! Sinabing huwag kang sumayaw nang hataw dahil natatakpan mo 'yang nasa likod mo!" Matinis at malakas na boses ang umalingawngaw sa bawat sulok ng rehearsal room. Maputi, maliit, nakayupi ang wrinkles sa noo, salubong ang makakapal na kilay, at kalbo. Sa unang tingin ay malalaman mo na agad na hobby niya ang mamahiya ng tao. Sa bawat kumpas ng pink niyang pamaymay ay siya ring kasabay ng pagbuka ng bibig niya para magpaulan ng insulto. "Iyong Quezon City riyan sa likod! Ano bang tinatawa-tawa mo r’yan? Kitang-kita ko ang gilagid mo hanggang dito!" Single. Single. Double. Double. Paulit-ulit na kami rito. Paulit-ulit din ang insulto. Ngawit na ngawit na rin ang dalawang talampakan ko. Dagdag pa itong high heels kong mukhang pagod na rin kabubuhat sa katawan kong mas bumibigat 'pag nagsasayaw. "Hoy! Bantayan! Ayusin mo ang galaw mo! Mukha kang uod na inasinan!" Napapikit ako nang mariin. Sa bilang ko ay naka-benteng insulto na siya sa akin ngayong araw. Lahat 'yon ay iisa lang ang dahilan.... Hindi ako marunong sumayaw. "Bwiset naman 'tong baklang 'to. Ingay ng bunganga!" bulong ni Madison habang hindi pa rin inaalis ang matamis na ngiti sa labi. "Hayaan mo siya. Babaho ang hininga niyan mamaya." Mahinang tumawa si Patricia na nahuli na naman ng matalas na mata ng agila. "Paulit-ulit na 'tong Quezon City! Ano bang nakakatawa ha?!" Umiling na lang ako. Sa halos isang buwan naming pananatili nang magkasama ay halos singkwentang mga babae na ang naging kaibigan ko. Lahat ay galing sa iba't-ibang lugar. May tagalog, bisaya, waray, kampampangan, ilocano, bicolano, at marami pang iba. Sa dami namin ay iisa lang ang palagi naming bukambibig... “Ang ingay ng bunganga!” "And 1.. 2.. Pasok! Single, single, double, double. And 1.. 2.. Exit! Pose!" Lahat kami ay nagkanya-kanyang pwesto para sa ending pose ng intermission. Ngumiti kaming lahat nang todo habang diretso ang tingin sa mga sarili sa salamin. Sa isang iglap ay biglang umamo ang mukha ng masungit na trainer na si 'Shakira' nang makarinig ng tatlong magkakasunod na katok sa pinto. Ang kaninang busangot na mukha ay agad napalitan ng plastikadang ngiti, pati ang gusot sa noo ay unti-unti ring nawala. Kekendeng-kendeng pa siyang naglakad papunta sa pinto bago lumingon at samaan kami ng tingin. Narinig ko pa nga ang pabulong-bulong ng mga kasama na siyang ikinatawa ko nang bahagya. "Yes?" pormal niyang tanong sa isang staff na sumilip pa mula sa labas. Hindi na namin pa narinig ang sinabi ng staff dahil umingay na sa pagdadaldalan ang mga babaeng nasa rehearsal room. Saglit pa akong napaupo nang dahil sa pagod. Agad din namang huminto ang daldalan nang makarinig kami ng magkakahiwalay na palakpak. Napakunot ang noo ko dahil sa masayang mukhang ipinapakita ni Shakira. "Maligo na kayo at magbihis. May dinner daw mamayang gabi kasama ang mga tentative judges ng Binibining Pinas." Nang dahil sa sinabi niya ay nagtalunan sa excitement ang lahat. Malaking event ito kaya palaisipan talaga para sa amin kung sino ba ang mga bigating judges na tutupad sa mga pangarap namin. Pilit kong itinago ang pananabik dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang kabang nararamdaman sa hindi malamang kadahilanan. Pakiramdam ko'y mauubusan ako ng hininga, bigla ay sumama ang pakiramdam ko. "Huy! Okay ka lang?" Bumalik ako sa diwa nang maramdaman ko ang pabiglang pagtapik ni Madison sa aking balikat. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Pilit akong ngumiti. "Oo, ayos lang. Medyo kinakabahan lang." Hanggang sa makarating sa kanya-kanya naming hotel rooms ay hindi pa rin nawawala ang excitement ng lahat. May iba pang naghuhulaan ng kung sino sa tingin nila ang mga kasama. Ang iba sa kanila'y bukambibig ang isang sikat na artista, pero sa isip ko'y malamang ay hindi mawawala ang major sponsors ng event na ito. "Hale! Pahiram ako ng blower mo ha?" Aligaga si Madison na roommate ko na basang-basa pa ang buhok. "Sure," sagot ko pa, saka pumasok sa banyo para maligo. Ninamnam ko ang mainit na tubig na nanggagaling sa shower. Sa tatlong linggo kong pananatili kasama ang mga kapwa ko candidates ay ramdam na ramdam ko ang matinding pagod. Noong unang linggo ay puro orientation lang ang ginawa namin. Sa pangalawang linggo naman ay puro programs at seminar ang mga naging ganap. Ngayong pangatlong linggo lang talaga nagsimula ang kalbaryo dahil sa trainer naming mas maingay pa sa ambulansya. Mabuti nalang at binibigyan kami ng oras sa gabi para makasalamuha ang mga kapwa candidates namin. Sa gano'ng paraan ay nakakapag-relax kami at nakakapaglabas ng bad vibes na galing pa sa rehearsal. May tatlong linggo pa bago ang coronation night pero minsan na akong pinanghinaan ng loob. Pero kahit na gano'n ay nabubuhayan pa rin ako ng loob sa tuwing naiisip ko siya. Gusto kong ipakita na nakaya kong tuparin ang pangarap ko. Pangarap kong naging dahilan para isantabi ko ang pagmamahal sa kanya. "Hale, tara rito dali! Ayusin ko buhok mo." Lumapit ako sa silyang kaharap ng salamin at hinayaan ko si Madison na galawin ang buhok ko. Sa lahat ng candidates ay siya ang pinaka-close ko. Bukod kasi sa roommate ko siya ay siya rin ang nakatabi ko noong araw ng interview. Siya ang representative ng Taguig, paniguradong sosyalin. Kaya naman sa tuwing may gagawin siyang kasosyalan ay dinadamay niya na rin ako. Akala ko pa nga nung una ay matapobre siya, mabuti nalang at hindi. "Sa tingin mo, may gwapo kaya sa mga judges?" Kita ko ang pagngisi niya sa repleksyon namin sa salamin. "Siguro?" Umalis siya saglit para kumuha ng panali. Sumisipol-sipol pa siya habang ngingiti-ngiting naghahanap ng kung ano sa kanyang pouch. "Gagalingan ko 'pag meron." Humagikgik siya. Umiling lang ako saka bahagyang natawa. Sa lahat ng candidates ay siya lang itong c-in-areer ang paniniwala sa "go with the flow" na motto ng buhay niya. Nang makarating sa venue ay kami pa lang ang umokupa sa mga inihandang mga dinner table sa open space ng 16th floor. Mahaba ang presidential table at sa harap no’n ay ang medyo may kalakihang stage. May limang malalawak na tables naman na para sa aming mga kandidata. Hinati kami sa tigsasampu kaya nabuo ang limang batch. Ang Batch 1 ay ilang metro lang ang layo sa kaliwang dulo ng presidential table. Sampu silang lahat at karamihan ay galing sa NCR. Ang Batch 2 naman ay ilang metro lang din ang layo sa kanang dulo ng presidential table. Sampu rin sila at karamihan ay nagmula sa labas ng Metro Manila. Ang Batch 3 naman ay medyo malayo na sa presidential table. Sila ang katapat ng batch 1 pero nasa bandang likod sila. Siyam sila at ang karamiha'y nirerepresenta ang mga lugar sa Mindanao. Ang Batch 4 naman ang nasa likod ng table ng batch 2. Siyam sila at katulad sa batch 3, karamihan sa kanila ay galing pang Mindanao. Ang Batch 5, na siyang kinabibilangan ko, ay pinaggigitnaan ng batch 3 at 4. Kitang-kita namin ang presidential table pero malayo naman kami rito. Siyam din kami at karamihan sa amin ay galing sa Visayas. "Ayay, tabang!" Umupo sa tabi ko si Olivia na Ms. Cebu. Taka akong tumingin sa kanya dahil hindi maipinta sa mukha niya ang tuwa. "Ngano man?" tanong ko. "Nag-CR lang ako, tapos paglabas ko.... Kyaaa!" Impit siyang tumili. Kaming dalawa lang ang nagkakarinigan dahil medyo maingay ang tugtog sa bawat sulok ng venue. Ang ibang mga candidates ay busy rin sa pakikipagkwentuhan sa kani-kanilang katabi. Ang iba naman ay tutok na tutok sa stage kahit na wala namang taong nakatayo roon. "Huh?" "Naa koy nakita nga gwapo!" Hinampas niya pa ako nang dahil sa kilig. "Gwapo kaayo ba! Daw artista gani!" Taka akong tumingin sa kanya. Sino namang gwapong mukhang artista ang maliligaw rito? "Narinig ko.." Ngumisi siya, matigas ang pagkakatagalog. "Tentative judge kuno siya diri!" Umiling na lang ako at ngumisi. Sa ilang beses kong panonood sa Bb. Pinas kada taon, napansin kong hindi naman talaga nawawala ang mga gwapong judges. Madalas ay artista, madalas ay businessman, at yung iba naman ay sponsor. Iba nga lang ang excitement ngayon dahil kami na mismo ang makakaharap nila. Sa isip-isip ko pa'y hinihiling ko rin na maging judge ang isa sa paborito kong artista. Kung mangyari man iyon ay paniguradong mas gagalingan ko pa. "Hey girls!" Nagsipaglingunan kami sa stage nang magsalita sa mic si Shakira. Syempre ay hindi nawawala sa outfit niya ang pink niyang pamaymay na sumasabay sa kumpas ng mga salita niya. Pati ang kalbo niyang bunbunan ay kumikintab na dahil sa repleksyon ng mga umiikot na ilaw. Natawa rin ako nang mapansin ang boots niyang kumikintab na sa pagka-pink, mataas ang heels nito at umabot pa sa tuhod ang dulo. Kabog. "Tonight, I will introduce to you the twenty tentative judges for the Binibining Pinas 2020!" Nagpalakpakan ang lahat. "Are you ready girls?" Itinapat niya pa sa amin ang mic kaya lahat kami ay nag-'yes'. "Let's start with the major sponsor for our summer wardrobe, the acting chairman of Vinci Laurel, the number one wardrobe line of the Philippines, let us all welcome, Mr. Kairus Hadley Salvatora!" Impit na nagtilian ang mga babaeng nasa tabi ko nang magpunta sa harap ang isang matangkad, maganda ang katawan, gwapo, at seryosong lalaki. Nang ngumisi ito ay lumabas ang malalim na dimples sa kaliwang pisngi dahilan para magsinghapan ang mga babaeng natulala sa kanya. Kumaway pa ito bago bumaba papunta sa presidential table na nakatalikod sa amin. Nilingon ko si Olivia na kilig na kilig sa tabi ko. "Siya ba 'yong sinasabi mo?" Ngumisi siya at umiling. "Jackpot ba! May isa pa pa lang gwapo!" Marami pang pinakilala sa amin na malalaking tao. Ang iba sa kanila'y puro matatanda na. Tulad ng inaasahan, may major sponsors, may artista, may beauty queen, at may mga businessman. "Next! He is known as the most sexiest rising star na kinababaliwan ng mga kababaihan ngayon." Dahil doon ay naghiyawan ang lahat. "Let us all welcome, the grand ambassador of Vinci Laurel, the sexiest model alive, Mr. Jaxon Reigan Venturi!" Malakas na namang nagtilian ang lahat. Siya 'yung sikat na model na crush ng halos lahat ng mga magagandang artista. Katulad ni Mr. Salvatora, matangkad din siya, matipuno ang katawan, at saksakan ng gwapo. Unang tingin pa lang sa kanya ay umaalingasaw na ang sexy vibes sa buong pagkatao niya. No wonder maraming baliw sa kanya. "And last but not the least.." pabitin ni Shakira. "He is the owner of La Vega Chain of Hotels, and the CEO of Vega Food Corporation. Straight from New York, let us all welcome, the hottest business tycoon of all times, Mr. Heize Andrius Dela Vega!" Ang kaninang lukso ng dugo na nararamdaman ko ay unti-unting nawala nang may maglakad na silhouette sa gitna ng stage. Dahil sa pag-ikot ng disco lights, tanging ang katawan niya lang ang nakita ko. He grew taller. His body got more defined. Para akong nabibingi. Kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko ang palakpakan at hiyawan ng mga babaeng kaibigan pero wala akong naririnig. Nakatuon lang ang atensyon ko sa lalaking naglalakad sa gitna. "Siya 'yon! Siya ‘yong nakita ko sa labas kanina!" Humiyaw si Olivia. Anong ginagawa niya rito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook