"Go Engineering!!" Halos mabingi na ako sa lakas ng sigawan na bumabalot sa buong court. Kakasimula pa lang ng laban pero marami na ang nagwawala sa kilig at pag-chi-cheer sa mga bet nila. Halos wala na nga rin akong makita dahil sa dami ng mga banner na nakaharang. Hindi rin naman ako makapagreklamo dahil pati itong kaibigan kong si Avi ay nangunguna rin sa malakas na pagtili. "Yessss!! Go August, mahal kita!" Malakas na sigaw niya. Paniguradong hindi naman siya naririnig ni August ngayon dahil sa ingay ng buong court, pero hindi ko alam kung anong nasa utak ni Avi at pinipilit pa rin niyang makipagpalakasan ng sigaw sa mga nanonood. Kahit na sobrang ingay ay pinilit ko na lang ang sarili kong mag-concentrate sa laro. Magkalaban ang Tourism at Engineering Department. Kaya siguro dagsa

