TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 148 FORGIVE DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. DAHIL HINDI makapunta si Joaquin doon sa Coleman Security Agency dahil naka banned pa rin siya, dito na lang siya sa mansion pumupunta at nakikibalita sa amin. Pinapayagan na rin namin siyang pumunta dito dahil nasa maayos na wisyo na rin naman siya. Pero hindi pa namin nasasabi sa kanya na nakunan si Jenelou. “Dianne, may bago bang balita tungkol kay Jenelou? Kumusta na siya?” tanong niya muli sa akin. Napatingin ako ng seryoso kay Joaquin ngayon. Nagdadalawang isip ako kung ano ang sasabihin sa kanya, kung sasabihin ko na ba ang totoo sa kanya. Wala rito si Ambrose ngayon dahil nasa kwarto siya namin at kasama niya si Brianna. Iniwan ko muna sila upang makapag bonding sila sa isa’t isa. Kaya ak

