TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 147 MISCARRIAGE DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. HINDI PA pwedeng mamatay si Jenelou. Dapat ako ang papatay sa kanya—hindi siya pwedeng mawala pa. Kailangan niya pa na magdusa ng matagal sa lahat ng mga kasalanan niya. “Dianne, please don’t stress yourself,” sabi sa akin ni Ambrose. Yes, kasama ko si Ambrose ngayon papunta sa agency. Gusto niya kasing sumama kaya wala akong magawa kundi ang payagan siya. Pero may mga limitations pa rin siya kagaya ng huwag siyang magpaka-stress, o hindi naman ay iwasan niya ang paggalaw galaw. Pero mukhang sa aming dalawa ngayon ay ako ang nase-stress at hindi ako mapakali. Hindi pwedeng mamatay si Jenelou—not now. Hindi pa ito ang tamang panahon para takasan niya ang mga kasalanan niya sa amin. Kailangan niy

