TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 146 KARMA DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. “YOU’RE GETTING better now, Ambrose,” masaya kong sabi habang inaalalayan ko siya sa kanyang paglalakad ngayon. Nakaalis na siya sa hospital at pinayagan na kami na makauwi siya sa mansion. Ngayon ay sinamahan ko siya sa paglalakad sa labas para naman ma-exercise ang kanyang katawan dahil lagi na lang siyang nasa loob. Hindi pa kasi siya pinapayagan na lumabas ngayon at umalis ng malayo. Napatingin sa akin si Ambrose at ngumiti siya. “And thanks to my beautiful wife s***h nurse who’s always there to help me,” sabi ni Ambrose at kinindatan ako. Bahagya akong kinilig ng sabihin niya iyon sa akin. Ewan ko ba pero nakikita ko kay Ambrose ngayon na parang bumabalik na siya sa dati… iyong Ambrose na sweet

