TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 145 I’M DONE WITH HER DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. REBECCA DELA CUEVA was the obsessed and crazy woman who had caused so much trouble for the Miller Family. Nakwento na rin ‘yan noon ng aking mga magulang. Matagal na itong patay, pero hindi ko akalain na may koneksyon pala si Jenelou sa babaeng ‘yun. Hindi lang simpleng koneksyon—mahigpit na koneksyon dahil ina niya si Rebecca. Nakatutok pa rin ako ngayon sa monitor kung saan nakatutok ito kay Mama Lara at kay Jenelou na namumutla na ngayon sa kaba. Simple lang ang atake ngayon ni Mama Lara, pero nakakatakot ang awra niya. “T-Tita Lara, maniwala po kayo sa akin… hindi ko po nakilala ang totoo kong ina. I have never met her in my whole life! Wala rin pong koneksyon ang pakikipagrelasyon

