TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 134 WALANG HIYA DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NAKAPAG DESISYON na ako… lalayo muna kami ni Brianna habang hindi pa gumagaling si Ambrose. Agad ko na tinawagan ang aking mga magulang upang ipaalam ang aking desisyon at nirerespeto naman nila ito. At ngayon ay pupuntahan ko muna ang mga magulang ni Ambrose, si Mama Lara at si Papa Adler na nasa kwarto ngayon ni Ambrose. Nakabukas ang pinto ng kwarto ni Ambrose kaya napasilip ako sa loob. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng awa sa asawa ko. Hindi naman ako tuluyan na lalayo eh. Ilalayo ko lang muna dito si Brianna, pero pupunta pa rin naman ako dito upang alagaan si Ambrose at makibalita na rin. Nakita ako ni Mama Lara na nasa labas ng kwarto ni Ambrose kaya napalakad siya papunta sa akin at

