TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 133 BAYOLENTE DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. ITO NA ba talaga ang katapusan ko? Mamatay na ba ako sa kamay ng pinakamamahal ko? “A-Ambrose, tama na… hindi na ako makahinga…” pagmamakaawa ko na sabi kay Ambrose habang sinasakal pa rin niya ako ngayon. “Anak, uminom ka na ng gamot mo—Ambrose!” Narinig ko ang pagbubukas ng pinto ng kwarto ni Ambrose at narinig ko ang boses ni Mama Lara. “Adler! Adler! Tulong!” Sigaw ni Mama. Nagmamadali siyang lumapit sa amin at hinila niya palayo si Ambrose kaya napabitaw ito sa pagkakahawak sa aking leeg. Nagmamadali akong lumayo kay Ambrose habang naghahabol pa rin ako sa aking hininga. Nanginginig ako ngayon sa takot at tuluyan na akong napaiyak ng malakas habang nakatingin ako kay Ambrose ngayon na pinip

