TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 141 THE RIGHT THING TO DO JOAQUIN’S POINT OF VIEW. THIS IS the day na huhulihin namin si Jenelou nang hindi niya alam. Ngayon din ang araw na mangyayari ang operasyon ng pinsan ko na si Ambrose. Nagdadasal ako na sana maging successful ang gagawin namin ngayon na mission at ang operasyon ng pinsan ko. “Joaquin, you know what to do. Don’t trust her words. Huwag kang magpauto sa kanya,” seryoso na sabi ni Alessandra Marie Coleman sa akin. Siya ang head ng mission ngayon at mukhang alam niya rin ang tungkol sa relasyon naming dalawa ni Jenelou kaya nasabi niya ito sa akin. Bumuntong hininga ako at tumango ako sa sinabi ni Alessandra. May exact location na kami kung saan kami magkikita ni Jenelou at doon iyon sa farm niya kung saan walang mga ibang

