TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 142 PINAPATAWAD NA KITA DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NASA OPERASYON na ngayon si Ambrose at tahimik lang kaming naghihintay dito sa labas ng operating room at naghihintay sa resulta ng pag-opera kay Ambrose. Kasama ko ngayon ang kanyang mga magulang at nandito rin ngayon si Mommy at si Daddy kasama ang anak ko na si Brianna. Nandito rin ang dalawang kapatid ni Ambrose na si Avery at si Anais. Dahil ilang oras pa ang hihintayin namin bago matapos ang operasyon, sa may private room muna kami ni Ambrose ngayon naghihintay. At habang naghihintay kami, tinitignan din namin ang update sa mission ngayon nila Joaquin kasama ang Coleman Security Agency. Nasabay pa talaga sa operasyon ni Ambrose ang pagpunta nila doon sa lugar kung saan nagtatago s

