TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 94 ANG BALITA DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NANDITO PA rin kami ngayon sa HQ ng Acebo Mafia. Hinayaan ko muna si Ambrose na makipag usap sa ibang mga miyembro ng grupo. Lagi kasi siyang nakasunod sa akin dahil baka raw ma bored ako dahil wala akong kilala dito. Sinabi ko naman sa kanya na okay lang ako at kaya ko ang aking sarili. Kaya ngayon ay nandito ako sa may sulok habang kumakain ng ice cream. Nakatingin ako ngayon kay Jenelou na may kausap na lalaki. Nagtatawanan silang dalawa ngayon at may pakurot pa na ginagawa ang babaeng ‘to sa lalaki sa braso nito. Napailing iling ako habang pinagmamasdan ko sila. Ang landi talaga ng babaeng ‘to. Hindi siya deserve ni Joaquin. Hindi ko man lubusan na kilala ang pinsan ni Ambrose, pero hindi niya

