TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 95 ANG TEXT DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. HINDI MAWALA ang kaba sa aking sarili kahit na sabihin sa akin ng paulit-ulit ni Ambrose na huwag akong mag-alala sa pagtakas ni Queeny. Maraming mga katanungan sa aking utak kung bakit siya nakatakas. Sigurado talaga kami na may tumulong kay Queeny na mataas ang ranggo sa kulungan kaya siya nakatakas at ito rin ang iniimbestiga ngayon. “DATING MODELO AT NABABALITANG KABIT NG ISANG BUSINESSMAN NA SI QUEENY FREYA AY NAKATAKAS SA KULUNGAN. SA NGAYON AY INIIMBESTIGAHAN NA NG MGA KAPULISAN KUNG PAANO NAKATAKAS SI QUEENY AT KUNG SINO ANG TUMULONG SA KANYA.” Binalita na rin ngayon sa TV ang tungkol sa nangyaring pagtakas ni Queeny. “Jusko po! Kailangan niyo talaga magdagdag ng securities dito sa bahay,

