I'M TRYING to distract myself by walking down the streets but I saw Callum's car, and my whole day was totally ruined. Umiiwas nga ako sa kanya subali't panay pa rin ang sulpot niya, kahit saan ako magpunta. Sinadya ko nga na iwan ang cellphone na binigay niya para hindi niya ako matawagan. Ngunit heto siya, natagpuan pa rin ako. "Yza!" he shouted from his car. Napalingon sa direksyon ko ang ilang tao na naglalakad sa kabilang kalsada at kay Callum na nakalabas ang kalahati ng katawan sa kotse habang kumakaway sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari, pero sa mga oras na ito ay gusto kong maglaho o kaya ay bumalik sa tahanan ni Deyja. Speaking of Deyja, I suddenly recalled what she said. She said that Callum is no good for me. Alam ko naman iyon, kaya nga ako lumalayo. B

