Chapter 22

1740 Words
NAIINIS NA ginulo ni Callum ang kanyang buhok dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang lead kung sino ang suspek sa nangyaring krimen. Subali't hindi iyon ang tunay na dahilan kaya siya naiirita. He is trying to call Yza but she is not answering her phone. Sa tuwing magpupunta siya sa bahay ng dalaga ay wala ito. Kapag naman nagpunta siya sa club kung saan nagtatrabaho ang dalaga ay nakikita niya itong abala sa pagtatrabaho. Hindi niya nais na guluhin ang dalaga kapag may ginagawa ito. He knows that she'll be mad. Pinagkasya na lamang niya ang sarili na tingnan mula sa malayo si Yza. "Oh, kape ka muna, Callum. Kanina ka pa nakatulala sa harap ng computer. Ano ba ang iniisip mo?" tanong ni Junie na kadarating lang mula sa isang coffee shop. "Sino pa ba ang iisipin ko?" balik tanong ni Callum at huminga ng malalim bago uminom ng kape. Napailing si Junie saka tinapik ang balikat ng kanyang kaibigan upang iparamdam na nariyan lang siya para suportahan ito sa kahit na anong nais niya. "Hanggang ngayon ba'y hindi ka pa rin niya kinakausap?" Callum immediately nod his head as a response. Tinuon na lang niya ang pansin sa pag-iimbestiga. Ilang sandali lang ay tumunog ang kanyang cellphone. Kinapkap niya ang kanyang bulsa saka kinuha ang cellphone niya upang sagutin ang tawag. "Yes, Mr. Sanchez. Anong balita?" malumanay na tanong ni Callum. Sinabi ni Sanchez ang balitang kanyang nakalap. Napatayo si Callum mula sa kanyang kinauupuan at hinablot ang susi ng kanyang kotse na nasa gilid ng computer saka nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina. Sumunod naman si Junie dahil batid niyang masamang balita ang nakalap ni Callum. Tahimik si Callum habang nagmamaneho ngunit ang kanyang isipan ay gulung-gulo na. He just heard a news that a certain person named Dominique was in the hospital because her body was found in the river. Iisang Dominique lang naman ang kilala niyang naninirahan sa Authi at iyon ay walang iba kundi ang babaeng kinahuhumalingan niya. Nang makarating sa hospital ay nakita niya agad si Sanchez sa labas at naghihintay sa kanya. He hurriedly walk inside and talked to the nurse. Nakumpirma niya na si Dominique nga ang natagpuan sa ilog at ngayon ay walang malay pa rin. He went to the room 408 and he saw Dominique sleeping peacefully. Namumutla ang mukha ng dalaga at napansin niya na may pasa ito sa braso at leeg. Callum move closer to her and checked if there are more bruises on her body. Subali't gano'n na lamang ang kanyang pagkagimbal nang makita ang malalim ba saksak sa tiyan ng dalaga, pati na rin sa kanyang tagiliran. Nanlulumong napalingon siya kay Sanchez at nagtatanong ang mga matang tinitigan ang kanyang mukha. "Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari, Callum. Natagpuan ang katawan niya kaninang madaling araw. Tumawag si Mr. Aaron Makaraig at sinabing may katawan siyang natagpuan na palutang-lutang sa ilog. Agad na rumesponde kami kaya naman nailigtas namin siya bago pa mahuli ang lahat." Nag-isang linya ang kilay ni Callum ng marinig ang salaysay ni Sanchez. Kilala niya kung sino si Mr. Makaraig. He is one of the most sought bachelor in Authi. He has a lot of business and known for being a heartbreaker. Nang nakaraang linggo ay nakita niya ito sa club kung saan nagtatrabaho si Yza. He also saw him talking to her. "Is there any information about him?" Callum asked. Tanging iling lang ang naisagot ni Sanchez. Natahimik silang dalawa sa loob ng ilang sandali. "Callum!" Sabay silang napalingon sa pinto nang humahangos na pumasok si Junie. "Why? Is there something wrong?" kalmadong tanong ni Callum. "Nakausap ko si SPO2 Saruela, natagpuan nila ang bangkay ni Mr. Makaraig sa kabilang bayan. Tadtad ng saksak ang kanyang katawan at may nakabaon na itim na rosas sa kanyang tiyan. SPO2 Saruela also confirmed that there's a cross sign on his wrist. May bagong biktima nanaman ang suspek na hinahanap natin." Nagkatinginan silang dalawa ni Sanchez at sabay na napahawak sa batok. May bago nanamang biktima ngunit wala pa rin silang ideya kung sino ang tao sa likod ng sunud-sunod na pagkamatay nilang apat. "We need to find the culprit as soon as possible." "Ngunit paano natin mahahanap, Callum? We had no idea who's next. Hindi rin natin alam kung ano ang target niya. He was just killing people randomly," ani ni Sanchez. Nanatiling tahimik si Callum dahil may bagay na siyang gumugulo sa kanyang isipan. Mali ang sinabi ni Sanchez, batid niyang planado ng suspek ang lahat. Wala sa sariling napalingon siya kay Yza Dominique na nakatutulog pa rin. Isa lang ang natitiyak ni Callum, konektado ang lahat kay Yza. She's also a victim here and he needed to protect her at all cost. NARIRINIG KO ang usapan nilang tatlo sa aking tabi. Wala manlang silang kamalay-malay na gising ako. I'd like to smile with triumph but I couldn't because they might notice it. Lalo na't nakabantay si Callum. I know that he was thinking that I'm also a victim and I'm going to use it as an advantage. Bumalik sa isipan ko ang nangyari bago ko paslangin si Aaron. Si Aaron ang taong nasa likod ng isang sindikato na nagpapadala ng mga batang babae sa ibang bansa upang ibenta sa mga mayayamang lalaki. Ginagawa nilang alipin ang mga batang walang kamuwang muwang. That's absurb! Paano niya nasisikmurang gawin iyon sa mga bata na ang dapat ginagawa ay magsaya. Pangit siguro ang childhood ni Aaron kaya niya nagawa iyon. That's the only acceptable reason why he is so mad at children. Isang linggo rin ang nilaan ko para magmatyag sa lahat ng kanyang ginagawa. I befriended him so I could have an access to his mansion. I gained his trust and I'm able to live at his house for three days because I told him that I'm homeless at the moment. Sa loob ng tatlong araw ay pinag-aralan ko ang kanyang galaw. I followed him to his illegal transactions and even took pictures of it. Ilalabas ko ang lang mga larawan na iyon mamaya. I will expose him so no one would show up in his funeral. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang paglabas nilang tatlo. I was about to open my eyes when I heard a loud sigh. Kaya naman nanigas ang aking katawan, lalo na't alam kong narito si Callum sa aking tabi. "I won't be able to see you for awhile. Madami akong gagawin na trabaho. Take care of yourself, my lovely angel. Kululitin na lang kita ulit sa susunod," he whispered softly and kissed my forehead. Bigla na lang bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa kanyang ginawa. I can even feel the butterflies in my stomach when I heard him call me an angel. I already felt that with Nickel and I'm afraid that I would crave for this kind of emotion. I slowly opened my eyes and I saw him stilled for a moment. "Ah, hi? Sorry kung naistorbo ko ang pagpapahinga mo. I was about to leave." Bigla na lang siya nataranta nang magtagpo ang aming paningin. Akmang aalis siya nang hawakan ko ang kanyang kamay saka hinila siya paupo sa aking tabi. This is now or never, I just wanted to feel that butterflies again. So I gripped his collar and pulled him closer to me so I could kiss his cherry red lips. He was too stunned that he couldn't even move. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa kanyang kasamahan kaya naitulak ko si Callum at tumagilid dahil namumula ang aking pisngi dahil sa hiya. "Yza—" "Just leave, Callum," sabi ko upang putulin kung ano ang sasabihin niya. I heard him cackled as he stood up. Bago siya umalis ay ginulo niya ang aking buhok saka hinalikan ang aking sentido bago kausapin ang kanyang kasama na tila walang nangyari. A sweet smile appeared on my lips when he finally left. Kinikilig ako dahil sa kabaliwan ko pero hanggang doon lang iyon. Dahil hinding-hindi ko pa rin hahayaan na tuluyan siyang makapasok sa puso ko. I'll never love again if I'm just going to sacrifice myself in the end. Love is a losing game and I'm not ready to be defeated. KANINA PA tingin nang tingin si Azarel sa aking direksyon. Simula nang nagpasya siyang magpakita ay hindi na niya ako nilubayan. Siya ang nag-alaga sa akin, ang gumamot sa aking sugat, at ang umalalay kay Dominique hanggang sa makabalik siya sa Authi. He's doing it without asking anything in return. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan sa mga oras na ito. His eyes are void with any emotions. It's like I'm looking into a wall. "Is there any problem, Azarel?" I worriedly asked him. Hindi ako sanay na makita siyang tahimik. May bagay ba siya na hindi sinasabi sa akin? He frustratedly exhaled and vanished in front of me. Now I'm left dumbfounded and asking myself what did I do wrong. Napapailing na tinuon ko lamang ang aking atensyon sa pagsasanay. Sapagkat hindi ko nais na matalo ng isang simplenh espíritu. I don't want that thing to happen again. Nakakahiya, isa akong dyosa kaya nararapat lang na mas malakas ako kesa sa ibang nilalang. I'm the goddess of Death and evils spirits must kneel before me. MARAHANG NAGLALAKAD ang isang babaeng nakasuot ng puting bestida patungo sa silid ng dyos na siyang tinuturing nilang hari. She was elated to see him again like it was the first time. Dumeretso siya sa tabi ng hari at siniil ito nang halik na halos mapugto na ang kanilang hininga. After they've done eating each other's faces, a contented smile appeared on their lips. She sat on his lap while her arms are wrapped around his neck. "Do you need anything, my love?" tanong ng lalaki. She problematically heave a deep sigh and flipped her hair. "Kailan mo papaslangin si Deyja? I wanted to be in her place and I can't do that if she's still breathing." Natawa ang binata sa sinabi ng kanyang kasintahan ngunit ang totoo ay naiinis siya. Sapagkat hindi niya nais na saktan si Deyja. Kahit na anong mangyari ay pipiliin niya pa rin si Deyja kahit na sa sinong babae. But he must pretend that he hates her so he could still rule. Dahil kapag nalaman ng iba ang kanyang kahinaan ay gagamitin nila ito laban sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD