Chapter 23

1750 Words
SA LOOB lang ng limang araw ay nadagdagan ang biktima ng tinugurian nilang 'Deathslayer', dahil sa nangyari ay nadagdagan din ang kaso na hahawakan ni Callum. Halos hindi na siya makakain sa paghahanap ng ebidensya at pagbabantay kay Yza. Dalawang lalaki ang natagpuan nila sa bayan ng Sloven at Argentine. Ang mga biktima na sina Ronulfo Rumulos at Rumen Aguilar ay magkaibigan at kasalukuyang nag-aaral bilang isang Arkitekto sa isang kilalang Universidad sa lalawigan ng Marupian. Ang dalawa ay natagpuang patay sa kani-kanilang tahanan. They're both stabbed with black roses on the neck and has a cross sign carved on their wrist. Si Ronulfo ay tadtad ng saksak, samantalang si Rumen ay binaril sa lalamunan na siyang sanhi ng kanilang pagkamatay. Natagpuan nila Callum ang mga litrato kung saan sangkot ang dalawa sa bentahan ng illegal na droga, at pati na rin sa pagmomolestiya sa tatlo nilang kaklase. Napagtanto ni Callum na ang Deathslayer ang dahilan kaya nalalantad ang mga maduming gawain ng kanyang biktima. Kaya naman ang ilang tao ay hinahangaan siya, lalo na ang mga kababaihan na biktima ng mga nakaranas din ng pagmamalupit. She's giving the justice that they deserved. Ngunit hindi pa rin tama na sa ganoong paraan niya patawan ng parusa ang mga nagkasala. "Kanina pa tumutunog ang cellphone mo. Bakit hindi mo muna 'yan sagutin, Callum. Baka nag-aalala na si Tita Amelie." Wala sa sariling pinindot ni Callum ang accept button saka nilapit sa kanyang tenga ang hawak na cellphone. "Callum, anak? How are you? Are you free this Saturday? Uuwi si Melissa." Iyon kaagad ang sinabi ng kanyang ina nang sagutin niya ang tawag. Nakapikit na hinilot niya ang kanyang sentido, lalo na't narinig niya ang pangalan na matagal na niyang iniiwasan. "I'm not going home, mom. Madami akong aasikasuhin na trabaho." "Son, you need to see Melissa," she insisted. Callum ended the call without saying anything. Batid niyang hindi iyon nararapat pero ayaw niya marinig sa labi mismo ng kanyang ina ang pangalan ng babaeng kinamumuhian niya. "Bakit mukhang badtrip ka yata? You okay?" nag-aalalang tanong ni Junie saka tinapik ang likod ni Callum. He lazily nod his head and diverted his gaze to his laptop. Pinagtagpi-tagpi niya ang lahat hanggang sa makasiguro siya na lahat ng lalaking namatay ay kakilala ni Yza. Maybe he should go to her and ask her personally. He knows that it sounds crazy but he once suspected that Yza was the Deathslayer. Subali't imposible iyon dahil hindi niya kayang manakit, mang-iwan pwede pa. "Junie, aalis muna ako. Ikaw na ang bahala dito. Call me if there's an emergency, okay?" Callum said before tapping his back and hurriedly run out of his office. He used his motorcycle that his father gifted. Mas mabilis kasi iyon kumpara sa kanyang kotse. Sa loob lang nang kalahating oras ay narating niya ang village kung saan naninirahan si Yza. He pressed the doorbell twice but a couple of minutes passed he heard a gunshot coming from Yza's living room. Walang pagdadalawang-isip na inakyat niya ang pader dahil sa labis na pag-aalala at tinakbo ang pagitan ng gate at main door ng bahay. Malakas niyang sinipa ang pinto ngunit tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang makitang tulog si Yza at bukas ang malaking flat screen TV. She's watching a horror film and the TV was on full volume. Marahil ay doon galing ang tunog ng baril. Kinuha ni Callum ang remote na hawak ni Dominique saka pinatay ang TV, dahilan upang maalimpungatan ang dalaga. Pupungas-pungas na bumangon siya saka niyakap si Callum. He was taken aback by her action that he was frozen on his place. He tried so hard not to move because she go back to sleep. He doesn't want to wake her up. Hinayaan niya lang ang dalaga na yumakap sa kanya. Kahit na nangangalay ang kanyang braso sa pag-alalay ay hindi siya gumalaw. MAHIMBING NA mahimbing ang tulog ko dahil sa pagod. I spent my weekends eliminating those bad guys and now I'm here, hugging another man. What a life! Sa amoy pa lang ay alam ko na si Callum ang niyayakap ko. Hindi siya gumagalaw kahit na nangangalay ang mga braso niya. He's a real gentleman, too good for me. Subali't ayaw ko rin naman na umalis sa kanyang mga bisig dahil masaya akong maramdaman ang init ng katawan niya. I feel safe in between his arms and I wanted to pretend that I'm not scared to fall in love again. Sinamantala ko na lang ang pagkakataon na ito. Ngunit paglipas ng dalawang minuto ay lumayo ako sa kanya. I noticed that he fell asleep. Tinitigan ko ang kanyang mukha at napangiti. "Tanginang mukha 'yan, Callum. Ang gwapo," bulong ko saka natawa. I slowly lifted my right hand and placed it on his face. I gently caressed his face until he opened his eyes and look straight at me. His eyes shows a lot of adoration while he was staring at me. I felt those butterflies in my stomach again, they're tickling me. "Sorry, did I wake you up," malumanay kong tanong. He politely shake his head and moved away to maintain the one meter distance between us. Too respectful, I commented in the back of my head. "Bakit ka nga pala narito? How did you get in?" Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin saka kinamot ang kanyang batok. Namula ang kanyang tenga kaya napangisi ako. "Inakyat ko ang bakod saka sapilitang binuksan ang pinto. Nakarinig kasi ako ng putok ng baril, kaya akala ko ay may nangyari sayo. Turned out you just left your television open," he explained while still avoiding to look at me. "Why don't you look at me, Callum? Staring at me isn't a crime." Natawa naman siya bago ibaling sa akin ang kanyang tingin. "Now tell me, Mr. Policeman. Anong dahilan kaya ka narito sa bahay ko?" Nawala ang ngiti sa kanyang labi at muling nag-iwas ng tingin. I'm getting impatient but I still waited for him to talk, that's new. "Aayain sana kita mag-dinner. If it's okay to you. I know you said that I should stay away from you, but just this once, Yza." His eyes are full of hope and I don't want to break his heart. Ngayon lang naman, kaya hahayaan ko na muna na maging masaya ang aking sarili dahil babalik din ako sa aking gawain at maitutulak ko lang siya muli palayo. "It's okay if you don't want to have dinner with me. Maiintindihan ko naman," aniya saka ngumiti sa akin. "I'm just going to change my clothes." Dahil sa sinabi ko ay tila nagliwanag ang kanyang mga mata dahil sa tuwa. I shake my head and secretly smiled while walking to my room. Aakyat na sana ako sa hagdan ng tawagin niya ako. I automatically looked back at him and raised my eyebrow while looking at his lips. "Pwede ba na ibang kulay ang isuot mo? I always noticed that you're wearing red colored clothes. Can you wear something that is white?" nahihiyang sabi niya. Nagsalubong ang aking kilay hindi dahil sa request niya, kundi dahil sa katotohanang napapansin niya na laging kulay pula ang sinusuot ko. "Lahat ng damit ko ay kulay pula, Mr. Policeman. I don't own any white color, because I hate it." Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag kay Callum. I just wanted to console him. "Oh, sorry. I didn't know. Sige na, magbihis ka na. I'll just wait." HABANG NAGBIBIHIS si Yza sa itaas ay sinamantala ko ang pagkakataon na halughugin ang kanyang bahay para maghanap ng clue kung siya nga ba ay may kinalaman sa pagkamatay ng mga lalaking iyon. Tiningnan ko ang bookshelves na nasa gilid, ang aparador, center table, at pati na rin ang kusina. Bawat sulok ng kanyang bahay ay sinuri ko ngunit wala akong makita. Her house is clean, so I concluded that she was innocent. Hindi tama na pagdudahan ko siya dahil lang may koneksyon siya sa mga naging biktima. Bumalik na ako sa sala bago pa man siya bumaba. I waited for exactly thirty minutes until she descended on the stairs. Halos magliwanag ang aking mga mata nang makita siyang eleganteng naglalakad palapit sa akin. Nakalugay ang maikli niyang buhok. Her burgundy red dress that are made of silk are hugging her curves. Hanggang sa taas ng kanyang tuhod ang haba ng dress na suot niya. Sa tantiya ko ay tatlong pulgada ang taas ng suot niyang itim na stilettos. Wala siyang suot na kahit na anong accessory maliban sa itim na relo. Wala rin siyang dala na bag o kahit na anong maaaring paglagyan ng kanyang cellphone. "You look stunning, Yza," I complimented her and showed her my thumbs. Hindi siya ngumiti ngunit nakikita kong na-appreciate niya ang aking papuri. "Pwede bang dumaan muna tayo sa bahay. Para naman makapagbihis ako. Ang ganda mo kasi, baka magmukha akong alipin sa tabi mo." "Ayos lang sa'kin. Hindi naman ako nagmamadaling umalis. Alas kwatro pa lang naman ng hapon," sagot niya sa'kin. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapangiti dahil sa sinabi niya. Natutuwa ako dahil hindi niya ako pinagtutulakan palayo. Kung ganito siya lagi ay baka gumapang na ako sa daan na nilalakaran niya. I might start worshipping her, which I already did. Nang makalabas kami sa bahay niya ay natigilan ako. Naalala ko na motorsiklo pala ang aking gamit at hindi kotse. "Oh f*ck!" I cursed under my breath and tried to stop her from going out. "I brought my motorcycle, not the car. Hindi naman pwede na sumakay ka sa kotse na ganyan ang ayos mo. Baka guluhin ng hangin ang buhok mo." She just rolled her eyes and pushed me to the side so she could pass by me. "Yza—" "Ano naman ngayon kung motorsiklo ang dala mo? Kahit bisikleta pa 'yan ay aangkas pa rin ako sayo. So let's go before I changed my mind," she said with a serious face and dragged me outside. I stifled a smile and pinched my own skin to control myself because she's so cute when she is serious. Naglakad ako palapit sa aking motorsiklo saka kinuha ang helmet. Sinuot ko iyon kay Yza bago siya buhatin paupo. Hinubad ko ang suot kong jacket saka nilagay sa kanyang hita, dahil baka masilipan siya habang nasa byahe kami. "Thanks," she said softly and caressed my cheeks. Halos mahimatay tuloy ako dahil sa mabilis na pagtibok ng aking puso. Bakit ang lambing niya ngayon sa akin? Sana ganito na lagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD