Chapter 24

1530 Words
DINALA AKO ni Callum sa isang mamahaling restaurant na nasa kabilang bayan. I don't know how to act because it was my first time. Hindi rin naman kasi ako dinala ni Nickel sa ganitong lugar dati. Why did I even remember him? Dapat ay si Callum ang iniisip ko at hindi ang ibang tao. "Is that all you want? Just tell me if you want something," malumanay na sabi ni Callum bago niya iabot ang menu list sa waitress na nasa kanyang tabi. I ordered a simple menu. Spring rolls for appetizer, a Greek salad, Cream of mushroom soup, Tamarind-marinated bavette steak with red wine for the main course, and a simple chocolate mousse cake for dessert. Pareho kami ng order ni Callum ngunit iba lang ang inorder niya para sa soup at dessert. He ordered a Gazpacho and Cathedral window cake. Habang naghihintay kaming dalawa sa aming pagkain ay nag-usap muna kami. He asked me several questions about myself tht I gladly answered, but most of them are not true. Paano ko naman ibabahagi sa kanya ang tungkol sa aking nakaraan kung nagmula ako sa kalangitan. Magtataka si Callum kung isasalaysay ko sa kanya na nagpapabilisan kami sa paglipad. "Can I ask you something, Yza? Hindi ito tungkol sa childhood mo. Saan ka noong October 27, alas ocho ng umaga?" he seriously asked me. Nais kong isagot sa kanya na pinaslang ko si Rumen ng nga oras na iyon pero ayaw ko naman na siya mismo ang magdala sa akin sa presinto upang ikulong ako. "Nasa bahay, natutulog. Alam mo na, maaga na akong nakakauwi kapag tapos na ang trabaho ko sa club. Kaya kapag umaga ay mahimbing ang tulog ko sa bahay." Nakatitig lang siya sa aking mukha at tinatantiya kung totoo ang binitawan kong salita. He's suspicious of me, I can feel it. May alam ba siya na ako ang pumapatay? "Talaga? Eh, nang alas onse ng umaga. Saan ka?" "Sa bahay pa rin, wala naman akong ibang pupuntahan na lugar kundi ang club at bahay lang. Iyon lang naman ang alam ko, saka madali akong maligaw." He nod his head twice and didn't ask any further questions because the waitress arrived and served the appetizers. Tahimik kaming kumain hanggang sa bumalik ang waitress para kunin ang aming pinagkainan at nilapag ang sunod na menu. The silence isn't awkward but it is uncomfortable. Hindi ako sanay na tahimik si Callum, lalo na't mukhang malalim ang kanyang iniisip. Malakas ang aking kutob na pinaghihinalaan niya ako, kaya dapat ay magdoble-ingat ako sa bawat ginagawa ko. Hindi ko gusto na siya mismo ang makahuli sa akin. Maybe I needed a plan to make him believe that I'm also a victim. Kaya naman nagdesisyon ako na huwag siyang itulak palayo. Sapagkat iyon lang ang tanging paraan upang matiyak ko na manatili akong inosente sa kanyang paningin. "May trabaho ka ba mamayang gabi?" tanong ni Callum. Hindi niya yata matiis ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tumango ako bilang sagot. Dapat na pumason ako sa club dahil may bago akong target. Iyon ay si Chan Lee, he's a korean businessmen who specializes in making guns. Narinig ko ang hinaing ng ilan niyang trabahador sa factory. Hindi raw sila binibigyan ng sapat na sahod, pinagmamalupitan sila ni Chan kapag nakita silang kumakain, at lagi silang overtime kahit na walang bayad. Nagalit talaga ako nang marinig ang bagay na iyon, lalo na't isa sa mga trabahador ay ang ama ni Julia. She was crying last night because her father is sick but he still had to work. Dahil kapag hindi raw siya pumasok ay mawawalan siya ng trabaho. If he can't work, his family will starve. Maliit lang naman ang sahod namin ni Julia sa club, nakakatanggap lang kami ng malaking pera dahil sa tip ng mga lalaking walang magawa sa buhay kundi ang magliwaliw. Hindi ko namalayan na lumipad na pala ang aking isipan. Buti na lamang at nakatuon ang pansin ni Callum sa soup na kanyang kinakain. "Mr. Policeman, can I excuse myself for a moment?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Naiihi na talaga ako at pakiramdam ko'y puputok na ang aking pagtog. "Why do you keep on calling me Mr. Policeman? Call me by my name, Yza. It's Callum, incase you forgot." Hindi ko mapigilan matawa dahil sa kanyang mukha. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakanguso na parang isang bata na hindi nabigyan ng laruan ng kanyang ina. "Fine, I'll call you by your name. Excuse me, Callum. Babalik rin ako kaagad." I hurriedly run to the restroom to relieve myself. I'm glad that there's a vacant cubicle, hindi ko na kailangan na pumila para lang ilabas 'tong nararamdaman ko. Habang umiihi ako ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang dalawang babaeng nag-uusap. Hindi ako tsismosa ngunit nakuha nila ang aking pansin dahil narinig ko na pinag-uusapan nila si Callum. "Yes, I know right. He is sooo hot! Swerte natin dahil nakita natin si Callum. But have you seen the girl? She looks good and stunning, bagay na bagay silang dalawa." Wala sa sariling tumango ako bilang pagsang ayon sa tinuran ng babae. Tama siya, bagay nga kami ni Callum. I should thank you personally for calling me pretty. Lalabas na sana ako sa cubicle nang magsalita ang kasama niyang babae. "Stunning? Hindi naman, ah! Maybe you need to have an appointment with your doctor. Lumalabo nanaman ang mata mo. Saka walang ibanh bagay kay Callum kundi ako lang." I don't know but I feel irritated after hearing those words. Ano ba ang pinaghahawakan niya? Saka saan siya kumukuha ng lakas ng loob upang sabihin iyon. "Stoppp! Ang obsessed mo masyado sa pulis na iyon. Ni hindi ka nga niya kilala, eh. Ewan ko sayo, tigil mo 'yang ambisyon mo na makapangasawa ng isang Callum Ruel. Hinding-hindi ka niya magugustuhan." Bago pa sumagot ang babae ay lumabas ako sa cubicle. Nang makita nila ako ay nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa pinaghalong hiya at tuwa. The girl who's wearing a simple floral dress was looking at me with admiration. Her eyes are shining, like a star. "Oh my goodness! Ang ganda mo! Ang ganda niya, Lia." Siniko niya ang kanyang katabi habang tinuturo ako gamit ang labi niya. Ngumiti lang ako sa kanya at naghugas ng kamay. Lalabas na sana ako sa pinto ng pigilan niya ako. "Why? How can I help you?" magalang kong tanong dahil ayaw kong matakot siya sa akin kapag tinarayan ko siya. "Pwede po ba ako magpa-picture sa inyo? Remembrance lang po kasi minsan lang ako makita ng katulad niyo po, 'yong mukhang angel." She looked at me with her puppy eyes while clasping her both hands and putting it under her chin while swaying from left to right. She's acting cute and my heart was about to melt. "Picture lang pala, walang problema sa akin," sagot ko saka lumapit sa tabi niya. Marahas na binigay niya sa kanyang kaibigan ang kanyang cellphone at binulungan na umayos dahil nakabusangot ito habang nakatingin sa akin. "Lia, ayusin mo. I-po-post ko 'to sa IG." "Oo nga, Millie. Andami mo namang hanash sa life, eh." Kumapit si Millie sa aking braso saka bahagyang hinilig ang kanyang ulo sa balikat ko at nakangiting humarap sa camera habang naka- peace sign. "Thank you po, ate—" "Dominique," sabi ko saka ginulo ang kanyang buhok. Ngumiti sa akin si Millie at kumaway pa habang naglalakad ako palabas sa restroom. She looked so adorable, gusto ko tuloy na magkaroon ng anak na gaya niya. Iyon ay kung papalarin ako sa larangan ng pag-ibig. Love can be cruel sometimes that you'll end up choosing the life being alone just to escape the reality. SAKTONG PAGTAYO ni Yza ay tumunog ang cellphone ko. Agad na sinagot ko ang tawag ni Junie. Pagsalita niya ay naramdaman ko kaagad ang kanyang takot, nanginginig ang kanyang boses at tila nag-aalinlangan siya. "C-callum?" sambit niya sa pangalan ko. Garalgal ang kanyang boses at mukhang paiyak na. "Bakit? May problema ba?" He started whimpering so I let him cry first before speaking. I don't want to make him uncomfortable. "My daughter died... She was found dead, Callum. Wala na ang inaanak mo!" Tuluyan na siyang napahagulgol habang paulit-ulit na sinasabi sa akin na pumanaw na si Angela. I was taken aback by the news, I didn't know how to react. Angela was like a daughter to me, kaya naman nalulungkot ako sa sinabi ni Junie. Angela is his daughter that has a leukemia, she was diagnosed at the age of five. Kaya simula noon ay alagang-alaga na siya ni Junie at nang asawa niyang si Aileen. Angela is a brave kid, full of hopes, cheerful, and loving. Nakakalungkot lang na pumanaw siya sa murang edad. "Condolences," usal ko saka huminga ng malalim at pinatay ang tawag. I have no strength to talk to him because I'm grieving. Nang makabalik si Yza sa kanyang pwesto ay tumayo ako at hinila ang aking upuan patungo sa tabi niya. I know that she noticed the pain in my eyes so she held my hand and squeezed it lightly. "That is life, Callum. May mawawala at may darating."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD