TINAPON KO ang bulaklak pagkatapos kong basahan ang nakasulat sa letter. I'm not mad at Callum but I'm annoyed at him because he keeps on giving me flowers. Ilang beses ko na sinabi sa kanya na hindi ko gusto ng bulaklak, pero patuloy pa rin siya sa pagbibigay.
I hate flowers, and I will never accept one. Kahit na ipilit pa niya.
Sinuklay ko ang magulo kong buhon habang bitbit ang paper bag na sa kanya rin galing. Batid kong hindi nakasara ang pinto sa bahay pero hindi iyon sapat na dahilan para pumasok na lang siya basta. I couldn't even tell him because I don't know how to use the cellphone, baka masira ko pa ito.
Pagbaba ko sa unang palapag ng bahay ay agad kong naamoy ang aroma ng kakaluto na sinaing at ulam. Biglang tumunog ang aking tiyan kaya nagmamadaling tumakbo ako patungo sa kusina. My eyes narrowed after seeing the foods nicely prepared in the table. I'm salivating by just seeing the grilled salmon, rice, freshly sliced tomates, orange juice, and an ice cream.
Walang pagdadalawang-isip na umupo ako sa harap ng mesa at sinimulang lantakan ang mga pagkain. Alam ko na si Callum ang nagluto kaya may tiwala ako na hindi niya ako lalasunin. Nakangiti ako habang sinusubo ang pagkain hanggang sa hindi ko namalayan na nakakadalawang plato na pala ako ng kanin.
I'm so full and I'm not able to move my body. Pakiramdam ko ay magkaka-food coma ako ng dahil sa sobrang kabusugan. Because I had nothing to do, I decided to check my list and pick for my next target.
Maybe I should rest for awhile. Matunog na kasi ang alyas ko at tiyak akong nag-iingat na ang karamihan sa mga lalaki dahil sa takot. Mas lalong naging matunog dahil si Elbert pala ay ang panganay na anak ng Presidente. Mabuti na lamang at hindi ako nag-iwan ng kahit na anong evidencia na siyang makakapagturo sa akin. Makukulong ako kapag nagkataon.
Luccero's family are now after me, idagdag pa ang mga tauhan ng mga pinatay ko. Even Louis' parents gave an order to search after me. Kung inaakala nila na mahuhuli nila ako, pwes nagkakamali sila. They will never capture me.
Mamamatay muna ako bago nila ako mahuli at maparusahan. They should be happy that I exposed their sons for doing those disgusting things. Paano naman kasi, tinotolerate nila, kaya ayan. Dumarami ang gago sa mundo.
They should teach their child to be a good man, dahil ako ang maghahanap sa anak nila upang ipataw ang nararapat na parusa.
Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. Kinuha ko iyon saka binasa ang naka register na pangalan.
Callum calling...
"Sasagutin ko ba? Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?"
I'm contemplating wether to answer it or not, but I unconsciously swiped up the screen and Callum's face showed up. Labis ang aking pagtataka at gulat dahilan para maitapon ko ang cellphone sa taas ng mesa at tumakbo patungo sa aking silid.
Bakit ba biglang lumabas ang mukha ni Callum? Nataranta tuloy ako. Kinuha ko ang salamin na nasa loob ng drawer at tiningnan ang aking mukha. Napangiwi na lang ako dahil magulo ang aking buhok at nangingitim pa ang gilid ng aking mga mata.
"I totally look like a mess. Para akong basura. I need to take a bath!" I throw the mirror and hurriedly run to the bathroom and showered.
THE RAIN is heavily pouring but the sun still shines brighter than yesterday. Siguro ay isa nanaman itong babala na may mangyayari na hindi maganda. But I'm secretly hoping that the rain means good luck.
Biglang dumagundong ang malakas na kulog kaya napailing na lamang ako. I continued to throw pints of magic dust in the cauldron while chanting a spell. Gumagawa ako ng panibagong potion na ibibigay ko kay Dominique bilang proteksyon laban kay Callum.
Naalala ko pa ang tanong ni Azarel sa akin.
"Why do you hate Callum so much? Wala namang ginagawa ang bata sa iyo. Kitang-kita naman na gusto niya si Dominique, kaya wala kang dapat na ikabahala."
My lips quirked up a little upin hearing what he said.
"Sa tingin mo ba ay magagalit ako sa kanya nang walang sapat na dahilan. You don't know anything, Azarel. Kaya mas mabuti pa na iwan mo na ako at hayaan na mapag-isa."
Then after that, he really left and didn't came back. Kaya tila nawalan ako ng tinik sa dibdib dahil wala nang istorbo sa kung ano ang nais kong gawin. Kinuha ko ang gunting sa mesa saka ginupit ang dulo ng aking buhok. Ang mga buhok na iyon ay maingat kong nilagay sa kawa at hinalo ang likido hanggang sa magbago ang kulay nito.
"The potion is already complete!" Nakangiti kong kinuha ang maliit na bote saka nilagay ang likido. I stored it on the special vault so nobody could open it. I was about to leave when Heiva showed up.
Habang tumatagal ay tila nag-iiba ang kanyang aura. Her sweet and innocent face are no longer visible. Ibang Heiva na ang kaharap ko. The Heiva that is full of hate and vengeance.
"What are you doing here, Heiva? If you're going to throw some hate, you better leave. I'm not going to listen to you."
She smirked evilly and handed me a black envelope.
"You know what to do, Deyja. Kapag hindi ka nagpakita ay guguluhin ko ang mundong ito at idadamay ko ang iyong anak-anakan. You don't want to feel my wrath, Deyja," she seriously said.
Nilamukos ko ang binigay niya sa akin habang nakangiti ng matamis. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat at halos malaglag ang panga niya.
"I'll do what I wanted to do. You don't need to dictate me, Heiva. Kilalanin mo kung sino ang pinagbabantaan mo. Leave, before I could kill you."
Sumama ang tingin niya sa akin pero tahimik din siyang umalis. Nang makalabas siya sa pinto ay napailing ako. Me and Heiva had a love-hate relationship, it's fun but it is toxic.
NANG MAKAALIS sa tahanan ni Deyja ay nagtungo si Heiva sa palasyo, kung saan naninirahan ang hari na siyang namumuno sa kanilang angkan. She changed her clothes and put back the colorful flowers in her head. Muli niyang binuhay ang mga tanim na paligid ng palasyo na nalanta dahil sa kanyang galit.
She seems to forgot that she has a responsibility as a goddess. Hindi niya dapat na balewalain ang kanyang tungkulin dahil mapaparusahan siya ni Amaro.
After she's done bringing everything to life, she left and went to Authi. Palihim siyang nagmamatyag kay Dominique at inaaral kung paano niya paslangin ang kanyang mga biktima.
"You will never be able to take what is mine. Dahil hahadlangan ko ang iyong mga hangarin," aniya habang nakakuyom ang mga palad. Heiva also wants to be a priestess, but Deyja was against it. Ngunit nang si Dominique na ang magsabi ay agad siyang pumayag. Kaya naman naiingit siya sa dalaga dahil mas malapit ito sa dyosa ng kamatayan. She thinks that Dominique is taking what is rightfully for her.
Nang makita ni Heiva na umalis si Dominique ay sinamantala niya iyon upang pasukin ang kanyang bahay. Ngunit hindi niya magawang makapasok dahil sa harang na nakapalibot sa tahanan ni Dominique. She clenched her fist and gritted her teeth as she realized that Deyja put a spell so no entity could enter this house.
Heiva decided to left but she is already planning to mess up Dominique's fate.
NATATAWA AKO habang pinagmamasdan ang litrato ni Dominique na ako mismo ang kumuha. She looked so innocent, kaya naman hindi naging mahirap sa akin ang kunin ang kanyang tiwala at nakawin ang kanyang pakpak.
Napailing ako saka hinaplos ang salamin na siyang pinaglagyan ko ng pakpak niya.
"It is still alive, just waiting for Dominique to come back."
I carefully placed Dominique's picture in the glass tube and smiled softly.
"Hihintayin ko ang muli nating pagkikita, Dominique. At sana sa mga oras na iyon ay mapatawad mo ako sa aking ginawa."
Napalingon ako sa bintana nang marinig ang paparating na kotse ng aking asawa. Marahan na naglakad ako patungo sa tabi ng bintana saka sinilip siya. A small smile was plastered to my face as I leave the room and walked down the stairs to welcome my beautiful wife.
"Nickel! I'm home!" malambing niyang sigaw. Binuksan ko ang pinto at saka siya sinugod ng mahigpit na yakap. Inamoy ko ang kanyang leeg at natawa dahil amoy rosas siya.
"Kanina ka pa ba nakauwi? Sana sinabi mo sa akin para hindi ako umalis. Anyway, where is she? Bakit wala siya dito sa bahay?"
"Kakapasok mo pa lang ay inulan mo na ako ng tanong. Chill, honey. She's in the garden. Nagbabasa ng paborito niyang libro at nagkakape. Huwag na lang natin siyang gambalain. She needs time to rest," malambing kong sagot. Hinila ko ang aking asawa papunta sa aming silid nang sa gayon ay makapagpahinga siya.
But instead of getting some rest, we ended up making up. Pinikit ko ang aking mga mata habang iniisip na si Dominique ang babaeng katalik ko. Hindi ko tinangkang imulat ang aking mata hanggang sa matapos kami sa aming ginagawa.
Nang nakatulog siya ay lumabas ako sa aming silid at nagtungo sa kwarto kung saan ko tinago ang pakpak ni Dominique.
"Tanging ikaw lang ang iibigin ko hanggang sa aking kamatayan."