PATULOY PA rin sa paghahanap si Heiva sa ermitanyo at wala siyang balak na tumigil hangga’t hindi niya nalalaman ang totoo. Dahil sa nangyari ay tuluyan nang nabaling ang atensyon niya sa pagtuklas sa tunay na katauhan ni Delilah, pansamantala niyang nakalimutan ang kanyang plano na kunin ang kung ano ang mayroon si Dominique. Para sa kanya ay mas mahalaga na makita niya si Delilah, sapagkat nakatitiyak siya na magagamit niya ang dalaga laban kay Amaro sa oras na hindi sundin ng kanyang katipan ang kanyang nais. Sa kanyang paglalakbay ay ilang beses niyang nakita si Deyja. Ang kanyang batang kasama ay pamilyar sa kanya subali’t hindi niya matiyak kung saan niya ito nakita. Mas dumarami ang katanungang nabubuo sa isipan ni Heiva. Sumagi rin sa isipan niya ang kanyang mga pinandaanan at ku

