NGUMITI ANG ISANG parokyano sa akin na agad ko rin ginantihan upang mas lalong mahulog ang loob niya sa akin. Kailangan na maisagawa ko ang aking balak sa kanya nang sa gayon ay wala na siyang mabiktima pa. Napapailing na lamang ako sa likod ng aking isipan sapagkat tila walang ginagawa ang mga otoridad para dakpin siya at ibilanggo. Ayon sa ilang nakausap ko ay laging nakakalusot si Mr. Blanc dahil kaagad siyang nakakapagbigay piyansa o hindi kaya ay sinusuhulan niya ang pamilya ng kanyang biktim para ma-i-atras ang kaso laban sa kanya. That’s how f****d up the justice system in this country. Walang nagagawa ang mga biktima kundi ang manahimik dahil na rin nangangailangan sila ng pera. They’re swallowing their pride in exchange for justice that they actually deserve, just so they can co

