NAPAUWI AKO nang wala sa oras sa aming bayan dahil tumawag si Papá, nabalian daw ng buto ang aking ina dahil nahulog siya sa hagdan. Iniwan ko na lang kay Junie ang mga gawain na tinatapos ko at agad na nagpaalam sa aming superior na uuwi ako nang sa gayon ay maalagaan si Mamá.
I was so worried that I forgot to tell Yza that I'm leaving. Basta na lang akong umalis sa bahay niya dala ang aking mga gamit na naiwan. Babawi na lang ako sa kanya kapag magaling na si Mamá.
"Callum, glad you came home! I missed you!"
Ang malakas na boses ni Melissa ang bumungad sa akin pagbaba ko sa aking kotse. She is smiling and running towards me with her arms wide open. Melissa excitedly jump on me and wrapped her legs around my waist while showering me with wet kisses.
Pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Yza kaya agad na inalis ko ang kamay niyang nakapulupot sa aking katawan at nagbigay nang distansya sa aming pagitan.
The pain in Melissa's face is visible as she took a couple of steps backwards but she smiled at me and pretended that I did not offend her.
"I apologize for making you uncomfortable, Callum. Anyways, Mom is upstairs. Nagpapahinga kasama si Papá. You can go to her... ahm... I need to go." Marahan niyang inangat ang kanyang kaliwang kamay at kumaway sa akin bago dali-daling tumakbo pabalik sa kanyang kubo na tiyak kong ginawa ng aking ama para sa kanya.
"Melissa," I softly whispered her name. Kuminang ang kanyang mata dahil sa tuwa ngunit panandalian lang iyon dahil tiyak akong nasaktan siya sa binitawan kong mga salita.
"Do not show your face to me ever again. Kapag nakasalubong mo ako, ikaw na mismo ang umiwas. Kapag nasa iisang lugar tayo, ikaw na mismo ang lumayo. Just do everything to avoid me, I do not want our path crossed," I stated and left without looking back at her.
Narinig ko ang impit ng kanyang pagluha subali't hindi ko na lang ito pinagtuonan ng pansin. She must avoid me. Kung kinakailangan niya akong kalimutan ay gawin niya, huwag lang siyang masaktan dahil sa akin.
Pinilig ko ang aking ulo upang alisin ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan. I wanted to be at peace while taking care of my mother.
"Callum! Buti naman at naisipan mong umuwi."
Palihim akong napailing dahil hindi manlang ako tipanunan ng tingin ng aking sariling ama. But somehow I felt happy, it is because I do not want any attention coming from him.
"Where's mom? I need to see her?" sagot ko habang sinusuri ang suot niyang damit. Bakit ba kasi nakasuot siya ng itim na suit at may bitbit pa siyang attache case.
"In her room. I think she's inside, nakatitiyak akong hindi mo siya nais na makita. So just stay here, Callum. I'll check if she was still there. Baka kasi mamaya ay kung saan-saang lugar nanaman siya magpunta," he said in a serious and cold tone before turning his back on me.
Napabuntonghininga ako dahil sa inasal ni Papá. Until now he is distant. Ni hindi niya ako magawang tingnan ng deretso sa mga mata ko. Sinundan ko siya nang tingin at nakita kong pumasok siya sa silid na tanging siya lang ang nakakapasok. My curiosity is already killing me. Bago umalis sa bahay na ito ay dapat kong malaman kung ano ang bagay na nasa loob ng kwarto na iyan.
Binaba ko sa sahig ang dala kong backpack saka naglakad patungo sa silid ni Mamá. Upon entering the room, I saw her struggling to get out of the bed. Agad na tinakbo ko ang pagitan naming dalawa at pinalibot ang aking kamay sa kanyang bewang upang alalayan siyang tumayo.
"Callum, my son. You're here." Kahit hinang-hina at namumutla ay nagawa niya pa rin ngumiti sa akin nang matamis. Inangat niya ang kanyang palad upang haplusin ang aking pisngi.
"Umuwi ako para alagaan ka. Maayos na ba ang paa mo?"
Umiling siya, "hindi pa. I cannot walk straight. Sabi ng doctor ay kailangan ko nang therapy para bumalik ako sa normal."
"You should be careful, Mom. Wala kami ni Papá sa tabi mo lagi kaya dapat na mag-ingat ka. Buti na lang at dito si Melissa. She's able to bring you to the hospital. I can't imagine that you're screaming and writhing in pain."
Bahagya siyang natawa habang tinatapik ang pisngi ko.
"Huwag kang masyadong mag-alala, Callum. Ayos lang ako."
I sighed heavily and carried her downstairs. Hindi ko na pinaupo si Mamá sa kanyang wheelchair dahil mahihirapan ako sa pagtutulak pababa sa hagdan.
Pagpasok namin sa dining room at nagtama ang paningin namin ni Melissa. Agad na nag-iwas siya ng tingin ngunit hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay iyakin pa rin siya.
"Hija, bakit ikaw ang nagluluto? Let me do my job." Akmang tatayo si Mamá mula sa kanyang pagkakaupo nang hawakan ko ang magkabila niyang balikat at sapilitan siyang pinigilan.
"Hayaan mong gawin ni Melissa ang gusto niya. 'Wag nang matigas ang ulo, Mommy. If you don't listen to me, I'm going to leave," I threatened but she just raised her left brow.
"I know that you couldn't resist me. Uuwi ka pa rin para alagaan ako. Kung alam ko lang na ito ang paraan para bumalik ka sa aking pamamahay ay lagi kong ilalagay sa panganib ang aking buhay."
"Don't say that!"
Napalingon ako kay Melissa dahil sa pagsigaw niya. Hilam ng luha ang mata niya at napansin kong nanginginig ang kamay niyang may hawak na spatula.
"Melissa..." I was about to go to her when she opened her mouth and started to speak softly while looking dearly at my mother.
"Mom, do not say those words. Hindi ko kayang makita na nasasaktan kayo. Let us just understand Callum. May trabaho siya at kailangan siya doon, kaya hindi niya magagawang umuwi lagi kahit na gusto niya."
"Sorry, Melissa. C'mon, give me a hug."
She immediately walk towards my mother and gave her a warm and tight hug. Muntik pa akong matumba nang hilain ni Mamá ang kamay ko at sinali sa kanilang pagyayakapan.
TINAKPAN KO ang aking bibig at nagkunwaring natatawa sa mga birong binibitaw ni Marco. He is trying so hard to make me laugh, which is a good thing. Narito kami sa isang private pool na pagmamay-ari ng kanyang ina. Kasama namin ang kanyang kaibigan na si Stella at Viviene. The girls are on the other side of the pool and making out.
Hindi na ako magtataka. Unang kita ko pa lang sa kanilang dalawa ay batid kong may relasyon na sila.
Marco on the other side was starting to get clingy. Yakap siya nang yakap sa akin at inaamoy ang aking leeg. I just let him do it because it is part of my plan. Hinahayaan ko na mahulog siya sa akin nang sa gano'n ay magawa ko siyang paslangin.
"Have you considered my offer, Dominique? Kaya naman kitang buhayin. You don't have to work on that stupid club," aniya. He bit my earlobe and swiftly slide his left hand under my skirt to touch the hem of my underwear.
"I already told you, Marco. Wala pa sa isip ko ang tumira kasama ka. We only known each other for a week. Makikilala naman natin ang isa't-isa kahit na magkalayo tayo. I need to work for myself because I have no family."
"Dom, I can give you anything you want."
"Pero ayaw ko, Marco. Let us just drop this conversation. Excuse me," I said coldly and pushed his hands away. Tumayo ako at nagmamadaling naglakad palabas sa pool area. Nagpasya akong bumalik na muna sa aming silid upang magpahinga.
Dalawang araw na ang lumipas at hindi pa rin nagpaparamdam si Callum. Kaya wala akong gana makihalubilo sa ibang tao. He just vanished without saying goodbye.
Hindi pa ako nakakahiga ay pumasok si Marco sa silid at sinugod ako ng halik. O responded to his kisses with the same ferocity. He is biting my lower lip, sucking my tongue, and breathing heavily while squeezing my left boob. Hindi ko namalayang natanggal na pala ang suot kong bra at naibaba na niya ang skirt ko. His hands are gracefully moving, like they have their own mind.
Ilang sandali pa ay tumigil siya upang buhatin ako at itapon sa taas ng kama. He positioned himself on top of me and ripped his shirt off.
"I really like you, Dominique. I'm willing to do evey just to make you mine. So please, live with me."
Nakatitig lang ako sa mukha niya ngunit ang nakikita ko ay ang mukha ni Callum. I think I'm being hypnotized because I said yes.
Akala ko ay gagawin namin ni Marco ang bagay na iyon ngunit nagulat ako nang yakapin niya ako at masuyong hinalikan ang aking noo. Pakiramdam ko'y nagkamali ako ng pangalan na naisulat sa aking listahan.
Is Marco Florentino a bad guy that needed to be punished? Or it was just a front to lure me in his dark world?
Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na napansin na nakatulog si Marco sa aking tabi. Nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto ng silid at tumatakbo papasok si Stella at Viviene. They are both pale and breathing heavily. Tila may tinatakbuhan silang dalawa.
"What happened?" I asked in curiosity and immediately stood up to close the door. Subali't hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa pinto ay may dumating na mga pulis.
"Gisingin mo si Marco. s**t! This is no good. Akala ko ay safe tayo sa place na 'to. What the hell is happening! I don't want to be in prison!"
Kahit nakatalikod ay dinig na dinig ko ang boses ni Viviene.
My eyes narrowed after seeing Junie – Callum's friend – walking towards us while rolling a sheet of paper on his hands.
"We have a warrant arrest for Mr. Marco Flore—"
Before he could finish his sentence I shut the door close. Tiyak akong hindi lang ang mga kapulisan ang nagulat sa ginawa ko kundi maging ang kaibigan ni Marco.
"What? We're going to escape," nakangising sabi ko saka hinila silang dalawa sa isang gilid. I gently touched their temple to make them unconscious then I waved my hand in the air to teleport us into Marco's place. Inalis ko na rin sa kanilang alaala ang nangyari sa araw na ito para hindi sila magtaka kung paano sila nakauwi at nakaligtas mula sa kapulisan.
As of this moment, I know Callum already knew that I'm with Marco. I'm hundred percent sure that Junie already break the news.
Sinabunutan ko ang aking sarili bago maglaho pabalik sa aking bahay. I was stunned to see Deyja sitting on the couch elegantly while sipping a wine in a broad daylight.
"Someone's been here in your house, Dominique. The shield that I made keeps on breaking. You should be careful and do not trust anyone," she said mysteriously and handed me the wine glass that she's holding.
Nakatitig lang ako sa kanya at hinihintay kung may sasabihin pa ba siyang paliwanag kung bakit niya iyon nasabi. I totally forgotten that Deyja loves to give puzzles that I needed to solve on my own.
"Kung sino man ang tinutukoy mo ay papaslangin ko. I don't want to mess up, Deyja. I must be a priestess."
Her lips slowly curved into a playful smile.
"Then do not mess up, Dominique. Beware of those humans around you. One of them will end up killing you."
Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang iyon ay naglaho siya sa aking harapan. Hindi ko mapigilang mapailing dahil hindi ko maunawaan ang kanyang sinasabi at kung sino ang kanyang tinutukoy. She's clearly giving me a warning.
Binaling ko ang aking paningin sa kabinet nang marinig kong tumutunog ang cellphone na binigay ni Callum. Panandaliang nawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Deyja. I sighed and ascended to the stairs. Nakatitiyak akong pagagalitan lang ni Callum, o kaya naman ay tuluyan na siyang magpapaalam sa'kin.