Chapter 30

1570 Words
HEIVA FROWNED upon seeing him enter her room half naked, he is smirking evilly like he was mocking her. "Mukhang masama yata ang gising mo, mahal ko? What's bothering you?" he asked softly and hugged her from behind. "Deyja... she's the one who is bothering me. Naiinis ako sa tuwing maiisip ko na hindi ako ang pinaboran niya. She's so bias. I met her first but she choose to give Dominique the opportunity to become a priestess. You know how much I wanted it, mahal ko." "Why don't you accept my offer? It is so much better than just being a priestess." Hinaplos niya ang buhok ni Heiva saka hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. Kahit papaano ay kumalma si Heiva dahil nariyan ang kanyang kasintahan sa kanyang tabi upang alalayan at suportahan siya sa kanyang nais. Ano na lamang ang gagawin niya kung wala ang binata? Maybe she will be desperate to take that position just to get what she want. "How about Dominique? Kamusta ang batang iyon?" tanong ng binata pagkaraan ng ilang segundong katahimikan. "She's confuse. Tiyak na iniisip niya ngayon kung sino ang sumunod sa taktika niya sa pagpaslang ng kanyang biktima. She might be looking for me right at this very moment. Pero wala na siyang magagawa, I'm determined to ruin her life." Kumislap ang mata nilang dalawa habang pinaplano nila ang mga gagawin nilang pagpapahirap kay Dominique. Ngunit hindi nila alam na may nagmamatyag sa kanilang galaw at naghihintay rin ng tamang oras upang kunin kung ano ang nararapat sa kanya. Ilang libong taon na siyang nagdurusa dahil hindi niya makamit ang hustisya na kanyang inaasam. Hustisya para sa pamilya niyang nasira, pati na rin sa pagkamatay ng kanyang asawa. Nagngingitngit na tinitigan niya ang binata na kasama ni Heiva at napailing. He took everything from him... including his happiness. He swear to all of the deities, he's going to take what is rightfully for him. DAYS HAD passed and each day, I noticed that the mirror is breaking and the pieces are dissolving as soon as it touch the floor. Iyon ang labis kong ipinagtataka, lalo na't hindi masisira ang salamin hangga't hindi ako ang bumabasag. Hindi ko naman iyon hinahawakan, hindi rin ako lumalapit sa salamin dahil nitong nakaraan ay abala ako sa paggawa ng mga healing potion. Ni hindi ko nga nagawang bisitahin si Dominique sa Authi, kaya wala akong kaalam-alam sa kung ano ang nangyayari sa kanya sa mga oras na ito. Pinapaikot ko ang cork sa bote nang lumitaw si Azarel sa harapan ko. Inabot niya sa akin ang dala niyang bulaklak na agad kong nakilala. It was Saphira, the flower that I made. "Where did you get that flower?" nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya saka inagaw ang bulaklak. I steal a glance at his palm and noticed that he doesn't have any bruises. Mainit ang paso kung saan nakatanim si Saphira at kapag ibang nilalang ang humawak ay masusugatan sila o kaya ay masusunog ang balat. "Natagpuan ko iyan na pakalat-kalat sa aking hardin kaya dinala ko sayo dahil baka magustuhan mo. Why? Does that flower mean anything?" he curiously asked and tried to touch the petal but I slapped his hand. "You don't have to know, Azarel. Anyways, thank you for bringing me Saphira. Excuse me for a moment." Hindi ko hinintay ang kanyang sagot bagkus umalis ako at pumasok sa aking silid. The flower is in the painting that I left on Dominique's house. Kaya papaano ito napunta dito? Who the hell dared to enter her home and steal this significant flower? Dapat ay mas lalo kong galingan ang paglalagay ng harang sa bahay na iyon, nang sa gayon ay walang ibang makapasok, lalo na ang mga dyos at dyosa na umiiral ang kuryosidad. I hid Saphira in its original place and covered it in magical but poisonous dust before going back to the room where I'm making all the potions. I am expecting that he is waiting for me but he's not there anymore. Hanggang ngayon ba ay masama pa rin ang loob sa akin ni Azarel? I heaved a deep sigh and carefully placed my right hand on my chest, I closed my eyes and listened to my heartbeat... but it is slowly fading. Nabubuhay ako pero para na rin akong pinapatay habang hinihintay ko ang kanyang pagbalik. Maybe after this mess, I'll be able to see my love again. TAHIMIK AKONG kumakain ng popcorn habang si Callum naman ay abala sa panunuod ng pelikula. Nagpunta lang siya sa bahay ko para makinuod. Ilang beses ko na siyang pinapauwi pero tila wala lang ito sa kanya. Nagbibingi-bingihan lang siya. And because I'm complaining that I'm hungry, he cooked some popcorn, rib steak with grilled vegetable for dinner. Kapag gusto ko pa raw kumain ay sabihin ko lang sa kanya dahil ipagluluto niya ako. His eyes are glued on the TV screen so I left and went to my room so I could scan my notes. One week is enough to rest, there's a lot of bad guys out there who needs to be punished. Habang abala ako sa pag-cross out ng mga pangalan ay napansin kong nawawala ang painting sa aking silid na nilipat ko nang isang araw. That painting has been my remedy when I'm feeling lonely and nervous. Ang painting din na iyon ang nagbigay lakas sa akin upang planuhin ng maigi ang mga gagawin ko. Mabilis kong naitago sa ilalim ng unan ang maliit kong notebook nang bumukas ang pinto. Pumasok si Callum na kinukusot ang kanyang mga mata habang humihikab. "Hey, sorry to bother you, Yza. But can I sleep here for a moment? Hindi ko na kaya ang antok ko eh. May duty pa ako mamayang gabi," aniya. Mukhang antok na antok na siya talaga kaya tumango na lang ako. Pasimple kong kinuha ang listahan sa ilalim ng unan at nilagay sa bulsa ng suot kong bestida. Kunwa'y inaayos ko ang unan at pinapagpag ang kama para hindi siya mag-isip na may iba akong ginagawa. Nahiga siya sa aking kama at wala pang isang minuto ay nakatulog na siya. Hinila ko ang kumot na nasa kanyang paanan saka tinaas hanggang sa kanyang balikat. Binuksan ko ang aircon at sinara nang bahagya ang bintana para maging mahimbing ang kanyang tulog. "Sleep tight, Mr. Policeman," bulong ko bago lumabas ng aking silid. While he was asleep, I decided to left the house and spy on Marco Florentino. Siya ang susunod kong bibiktimahin. He's a student, currently studying in the University of Santo Domingo. He's taking up bachelor of science in hospitality management. Hindi na lihim sa lahat ang pagiging barumbado niya. Marami ang babaeng galit sa kanya dahil sa kanyang pagiging mayabang at makasarili. Pinalayas din siya ng kanyang ama. But because his family is rich, he is living his best life in the condominium that is owned by his mother. I used my black trench coat to cover my red pants and red tube crop top. Nagsuot na rin ako ng sunglasses at tinali ang buhok ko. I'm wearing a three inches red ankle boots. Nagpasya akong maglakad dahil hindi naman ako marunong magmaneho. Marami naman ang taxi sa labas ng village na siyang maghahatid sa akin patungo sa paroroonan ko, kaya wala akong dapat na alalahanin. Saktong paglabas ko ng bahay ay dumaan ang puting taxi kaya pinara ko ito. Kung sinuswerte ka nga naman, ang nakasabay ko pa sa taxi ay si Marco. He is sitting on the front seat and playing with his phone. An online game to pass on some time. Mukha siyang normal na teenager ngunit marami ang hindi nakakaalam sa baho na kanyang itinatago. "Ma'am, saan po kayo bababa?" tanong ng driver habang nakatitig sa akin mula sa rearview mirror. "Sa Shirala Condominium na lang po," magalang kong sagot. Tinigil ni Marco ang kanyang paglalaro saka binaling sa akin ang kanyang tingin. I pretended to fix my coat but I can see him in my peripheral vision. He is checking me out and I know exactly what is running inside his mind. "Stop staring," sabi ko. Ngunit imbes mahiya dahil nahuli ko siya ay natawa pa siya. "You look nice. You deserve a compliment." Nakangisi na kinindatan niya ako bago binalik ang atensyon sa paglalaro habang sumisipol. I slightly shake my head and put my hand behind my head so I could pretend that I'm sleeping. Ilang sandali ang tinagal bago tumigil ang taxi, batid kong narito na kami sa Shirala dahil narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan. "Ma'am, narito na po tayo." Mabilis na iminulat ko ang aking mata at napangiti dahil ang ginamit ni kuyang driver para gisingin ako ay ang bottled water. Kinuha ko sa aking bulsa ang bayad kasama na rin ang tip. "Keep the change," sabi ko at nagmamadaling bumaba. Only to find out that Marco was standing in the entrance and searching for me. I'll be your victim for tonight, Marco. I said in the back of my mind and purposely bumped his chest so I could totally get his attention. "Sorry," I seductively said and look at him from head to toe. "It's fine, darling." I shrugged my shoulder and turned my back on him but he slapped my butt. Hindi ako nag-react pero nainis ako dahil hindi manlang siya nakapagtimpi. Makukuha mo rin ang parusang nararapat sayo, but not now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD