Chapter 29

1630 Words
"HINDI AKO nagsisinungaling, Junie! Talagang nakita ko ang Deathslayer sa Las Flores, hindi ko lang maintindihan kung paano siya nawala. Pero naroon siya, I swear!" Kanina ko pa kinukumbinsi si Junie pero hindi talaga siya naniniwala sa akin. Paano ko kasi maipapaliwanag sa kanya kung wala akong ebidensya. Napailing na lang ako saka umupo sa stool na dinala ko. Narito ako sa Santa Barbara's Hospital kung saan naka-confine si Yza. Wala naman siyang natamong sugat ngunit nagkaroon ng allergy reaction ang katawan niya dahil sa drugs na tinurok ni Teodore. It's like a poison for Yza, her body couldn't handle it. "Naniniwala ako sa iyo. Pero ang mga kasama natin ay hindi. Teodore's body is nowhere to be found. Biglang naglaho pagkatapos ng bakbakan. Iniisip nila na baka nakatakas siya." "Paano naman siya makakatakas kung sinaktan siya ng Deathslayer? Ewan ko, Junie. Gulung-gulo na rin ako. Mabuti pa ay umuwi ka na muna. You need to rest, tingnan mo ang mata mo, nangingitim sa kapupuyat mo." Bahagya siyang natawa ngunit tumango rin at nagpaalam paglipas ng ilang segundo. Naiwan akong mag-isa sa labas ng hospital kaya nagpasya akong pumasok. Lumalamig na rin kasi ang ihip ng hangin. Niyakap ko ang aking sarili habang naglalakad papasok. Muntik na akong matumba nang may bumangga sa aking babae. Hinawakan ko ang kanyang braso saka siya inalalayan para hindi siya matumba. Umawang ang aking labi sa gulat nang magtagpo ang aming paningin. "You—" She smirked at me and pushed me away. Sinubukan ko siyang habulin pero bigla na lang siyang naglaho sa hangin. "What?" I asked to myself because of surprise. "How did she vanished? Unbelievable! Mukhang pinaglalaruan ako ng aking paningin. Or I'm just hallucinating that I saw the Deathslayer?" Tumango ako habang pinipilit kumbinsihin ang aking sarili na hindi totoo iyon kahit na alam ko sa sarili ko na totoo siya. I should keep it to myself first. Sapagkat nakatitiyak akong hindi rin maniniwala si Junie kapag sinabi ko na nakita ko ang Deathslayer sa hospital at nahawakan pa tapos naglaho siya sa kahanginan. They would just laugh at me and tell me that I'm crazy. I bit my lower lip while frustratedly messing my already messy hair as I walk alone in the empty hallway. Habang naglalakad ay biglang tumunog ang cellphone ko. I immediately picked up the call and sweetly greeted my mother who's in the other line. "Son? When are you going to come home? Melissa wants to see you. Uuwi na siya sa España sa makalawa." I heaved a deep sigh. Ito ang isa sa ugali ng aking ina na ayaw ko, mapilit siya. She would insist even though I'm not okay with it. "Mom, I already told you. I'm not going to see her, not now," I calmly answered. Sinimulan niya akong talakan kaya naipikit ko ng mariin ang aking mata habang nilalayo sa tenga ko ang cellphone sa tuwing tataas ang kanyang boses. Good thing, my father decided to interfere and ended the call. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nang manaig ang katahimikan. Pakiramdam ko'y bigla akong nanghina. I know Melissa misses me but I cannot force myself to face her after what I did. Hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa rin ang bagay na iyon, kaya hangga't maaari ay hindi ko nais na magtagpo ang aming landas. Am I a jerk for running away when I'm the one who is at fault? "Sir, good evening po. The patient in room 57 is looking for you." Napatingin ako sa nurse na nagsalita sa tabi ko at ngumiti. "Salamat," malumanay na sabi ko at nagmamadaling naglakad hanggang sa marating ko ang room 57. "Yza! I'm glad you're awake." Umupo ako sa gilid ng kama saka ginagap ang kanyang nanlalamig na palad. She pulled her hand to cover her mouth and started coughing. Pinatong ko ang kaliwa kong kamay sa kanyang likod saka marahang hinaplos hanggang sa tumigil siya sa pag-ubo. "What happened? Why am I here?" she asked, her voice is raspy and cold. "I saved you, Yza. Niligtas kita mula kay Teodore kasi sinubukan ka niyang isama sa kanyang pananaliksik. Buti na lang at lagi kitang minamatyagan kaya nahuli siya bago pa man niya magawa ang kanyang balak." Nakatitig lang siya sa aking mukha habang nagsasalita ako kaya natawa ako ng bahagya. She's so attentive and that what makes her adorable. "Did you capture him?" she questioned me, but I noticed that her eyes darkened. Like she was plotting something. "Hindi, bigla siyang nawala. Did you know that I saw the Deathslayer? She tried to kill Teodore but I caught her." Nanlaki ang mata niya at napansin ko ang pamumutla ng kanyang mukha. Subali't ipinagsawalangbahala ko na lang iyon. "She even tried to hurt you. Pero napigilan ko siya, sayang at hindi ko siya nahabo—" "Deathslayer?" aniya dahilan para matigilan ako sa pagsasalita. "Hindi mo ba siya kilala? She's a serial killer who killed a lots of successful men. Striping them naked, stabbing them with black roses, leaving a cross mark on the wrist, and exposing their crimes." Yza was just looking at me so I shut my mouth. Baka kasi ma-trauma pa siya sa sinasabi ko. "Where did you see her? What does she looks like?" magkasunod niyang tanong. I'm was going to explain her face when my mind went blank for a second. Everything becomes blurry that I can only remember the mask that she was wearing. "Nakasuot siya ng maskara," sabi ko. Nagsalubong ang aking kilay dahil iyon lang talaga ang tumatak sa aking isipan. I even forgot how her voice sounds like. "Iyon lang? There's no other information?" Umiling ako saka dismayong ginulo ang aking buhok. Hindi na nagtanong si Yza subali't batid kong tulad ko ay malalim din ang kanyang iniisip. SOMEONE IS trying to copy me. Iyon ang isang bagay na nasisiguro ko. But why? Why does she wanted to commit a crime in an exact way as mine? I think I need to stop for a moment and find that woman. Dahil ayaw kong mabulilyaso ang pangarap kong maging isang priestess. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatingin kay Callum. He clearly said earlier that he has been following me. Mabuti na lamang at ang huwad na Deathslayer ang kanyang nakita at hindi ako, kaya wala siyang ideya na kaya kong gawin ang bagay na iyon. I'm safe to do my crimes but I need to distract him even more. Swerte na lang sigurong matatawag na nakatulog ako nang tangkain akong i-kidnap ni Teodore. That jerk, I need to find him as soon as possible. "What? Teodore's body was found? Sa kabilang isla? You mean you found his body in Tesoro?" Napatingin ako kay Callum na nakakunot ang noo habang nagsasalita. Hawak niya ang kanyang cellphone na nakatapat sa kanyang mukha. Bahagya akong sumilip at nakita ko ang kaibigan niya sa screen. "Okay, I'm going there." Akmang tatayo si Callum nang hilain ko ang kanyang kamay para pigilan siya. "Sasama ako, Callum." "No, hindi pa maayos ang lagay mo. The Doctor needs to monitor your condition before he discharge you," aniya saka inalis ang kamay kong nakahawak sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin bago ko sapilitang inalis ang dextrose na nakakabit sa aking kamay at inalis ang kumot na nakatakip sa aking katawan at tumayo. He was too stunned by my stubbornness but he can't do anything because I dragged him out of the room. "Huwag mo akong pagsabihan, Mr. Policeman. I can do anything that I want because it is my body. Ako naman ang masasaktan," nagmamaktol na sabi ko. Walang nagawa si Callum kung hindi ang manahimik na lang at sundan ako. Motorsiklo ang dala niya at iisa lang ang helmet. Nang magtagpo ang aming paningin ay nabasa ko kaagad kung anong iniisip niya, bago pa niya sabihin na dapat akong maiwan ay kinuha ko ang helmet ay sinuot sa kanya at nauna nang pumwesto sa motor. Tinapik ko ang bakante sa unahan saka tinaasan siya ng kilay. "Ang tigas ng ulo mo, Yza." "Huwag ka na umangal, Mr. Policeman." He took a step closer towards me and lean on, halos isang pulgada na lang ang layo ng labi niya sa labi ko. Naaamoy ko tuloy ang kanyang mabango at mainit na hininga. "Stop calling me, Mr. Policeman. I have a name." Natawa ako ng bahagya saka pinagdikit ang aming labi sa loob nang limang segundo bago pinisil ang kanyang ilong. "Whatever, Mr. Policeman." I saw him grin as he hop on the motorcycle and started to hit the road. Laking gulat ko nang dalhin niya ako sa morgue, ang buong akala ko ay pupunta kami sa Isla Tesoro upang doon tingnan ang bangkay ni Teodore, ngunit nagkamali ako. He removed his leather jacket and put it on my shoulder. I'm only wearing a thin hospital gown so my undies are slightly visible when I'm under the light. "Isuot mo ng maayos ang jacket ko," aniya. Dahil isa akong masunurin na bata, sinunod ko ang kanyang sinabi. Nagmistulang dress ang kanyang jacket dahil mas malaki iyon kesa sa akin. "We're here, bubuksan ko na ang pinto." Tumango ako at hinintay na buksan niya ang pinto ng morgue. Sumalubong sa amin si Junie na mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang cellphone. Nag-usap silang dalawa kaya naman nagpunta ako sa bangkay ni Teodore saka sinuri ang kanyang magkabilang palapuluhan. Mayroon ngang marka na krus ngunit napansin kong may maliit na guhit sa ilalim ng krus, simbolo na ibang tao ang gumawa. Hinanap ko rin kung saan ang saksak sa katawan ni Teodore ngunit wala akong nakita. Nang hawakan ko ang kanyang leeg ay nalaman kong hindi siya sinakal ng huwad na Deathslayer. We have done the same thing but it's totally different.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD