KALAT NA kalat sa buong bayan ang balita tungkol sa pagkamatay ng Gobernador na si Armando Severino. Natagpuan ang Gobernador na walang buhay sa kanyang silid. Hubo't hubad at may marka na krus sa kanyang palapulsuhan. May natagpuan din na itim na rosas na nakasaksak sa kanyang leeg.
Kabi-kabila ang imbestigasyon upang hanapin ang suspek sa krimen. Ang hinihinalang tao na sa nasa likod ng krimen ay ang kanyang makakalaban sa susunod na eleksyon, si Don Márquez. Subali't ang nasabing kandidato ay kasalukuyang wala sa bayan ng Authi.
Tahimik rin ang pamilya ni Armando dahil sa nangyari. Hindi nila nais magbigay ng pahayag sapagkat may nadamay na sibilyan, iyon ay walang iba kundi si Dominique na tadtad ng saksak at ngayon ay nagpapahinga sa hospital.
Nang marinig ang balita ay nagmamadaling nagtungo si Pablo sa Plareord Hospital kung saan sinugod ang kanyang kaibigan. Dumeretso siya sa isang private room at naabutan niya na kinakausap ng kapulisan si Dominique.
"Ano pa ang natatandaan mo nang gabing mangyari ang krimen?" tanong ni SPO2 Panelo Sarsuela.
Naluluhang binaling ni Dominique ang tingin kay Pablo na nakatayo sa pinto. Her hands started to tremble in fear as she nervously bit her thumbs.
"You don't have to be afraid, Miss Yza. Pangangalagaan ka namin mula sa taong pumatay kay Mr. Severino. We are just asking for you to cooperate. Nang mapadali ang imbestigasyon."
"Natatakot po ako. Dahil baka sundan ako ng lalaki at ako ang patayin niya. I'm scared... I do not want to die!" She covered her face with her hands and began to cry dramatically. Nagkatinginan naman ang mga pulis at iisa lang ang tumatakbo sa kanilang isipan. Iyon ay ang hayaan na munang magpahinga ang nag-iisang witness dahil hindi pa ito handa upang magsalita.
Nagpaalam sila kay Dominique na ngayon ay walang imik habang nakakulong sa mga bisig ni Pablo. Pablo was so worried about Dominique but the latter was secretly celebrating her success because she was able to kill the Governor without a problem. Kampante siyang walang nakakaalam ng kanyang ginawa. But she was wrong, Pablo can read her thoughts and he knew that she killed Armando.
Walang lakas ng loob si Pablo na isiwalat ang kanyang nalalaman dahil kung siya si Dominique ay gagawin niya rin iyon upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang lalawigan. Hindi naman siya bulag at bingi upang hindi makita ang kalagayan ng mga taong naninirahan sa Authi.
Kumawala si Dominique mula sa pagkakayakap ni Pablo saka inayos ang nagulo niyang buhok. Pablo worriedly looked at her face then wiped away her tears. This gesture melt Dominique's heart. Uhaw na uhaw siya sa pagmamahal at atensyon kaya mga simpleng bagay tulad nito ay nagpapabilis na ng t***k ng kanyang puso.
"What exactly happened that night, Dominique? And why are they calling you Yza?" magkasunod na tanong ni Pablo subali't wala siyang nakuhang sagot sa dalaga. He sighed and messed his hair but he was astonished after hearing her soft giggles.
"Nothing happened that night, Pablo. Kaya naman wala kang makukuhang sagot sa akin."
Pablo's eyes widened in shocked when Dominique stood up from the hospital bed and walked straight to the bathroom like she was totally fine. Hindi niya alintana ang mga saksak na kanyang natamo. Dahil sa gulat ay hindi nakagalaw si Pablo sa kanyang kinauupuan saka hinintay ang dalaga na lumabas. Pablo quickly went to her side and carried her back to bed when she finally stepped out of the bathroom.
Hiniga niya ng maayos si Dominique bago hilain ang kumot at tinakip sa katawan ng huli sapagkat tanging hospital gown lang ang kanyang suot.
"By the way, Pablo. Can you get some of my clothes? Hindi ako sanay magsuot ng kulay puti, I loathe this color. Bibigay ko sayo ang susi ng bahay. Maliit lang naman ang tinutuluyan ko kaya makikita mo agad ang silid. There's a luggage under my bed, you can open it freely to get some clothes, undies, and my other personal necessities. Sa tingin ko kasi ay matatagalan ako sa hospital na ito."
Nakatitig lang si Pablo sa mukha ni Dominique. Hindi dahil sa kanyang mga sinasabi kundi sa kagandahan niyang taglay. He can still see the her halo but he's confused, why doesn't she have a wings? Natitiyak niyang anghel ang kanyang kaharap.
"Hey, I'm talking to you. I am not going to repeat what I've said. Bahala ka jan," kunwa'y nagtatampong sabi ni Dominique. Pablo had no choice but to left her for awhile.
Nang umalis si Pablo ay may isang hindi inaasahang bisita ang dumating. Isang babae na may mataray na mukha. Pinukol niya si Dominique ng masamang tingin habang siya ay papasok at tila nais niyang gumawa ng eskandalo.
"Are you Dominique? My brother's friend?" malamig niyang tanong habang nakataas ang mga kilay.
"Yes, my name is Dominique. Saka sinong kapatid ang tinutukoy mo?"
The woman heaved a problematic sigh and crossed her arms while holding her head up high.
"Layuan mo si Pablo, Dominique. I don't trust you and my brother has many ambitions in life. Hindi nakakatulong ang isang kagaya mo."
Dominique couldn't help but to show her evil grin. Ayaw niya sa mga taong mahilig manghusga kahit wala namang alam. Subali't hanggang doon lang siya, ayaw niyang magsalita dahil nakakatandang kapatid pa rin siya ng lalaking tinuturing niyang matalik na kaibigan.
"It is up to Pablo if he wanted to leave me. You can judge me all you want, if that what makes you happy."
Nagtalukbong siya ng kumot saka pinikit ang kanyang mga mata. She used her power to push her out of the room. Nag tanging naririnig niya ay ang malakas na hiyaw sa labi ng babae habang papalabas sa pinto. Her screams sounded heavenly so Dominique fell into a deep slumber.
GALIT NA galit si Paulene habang nagdadabog na lumabas sa hospital. Naiinis pa rin siya dahil sa naging pag-uusap nila ni Dominique. Akala niya ay ibang babae ang tinutukoy ni Pablo na naghahanap ng club o kaya bar na mapapasukan, subali't si Dominique pala ang babaeng iyon.
She don't want Pablo to be a mess, just like her. So she decided to take him away from Dominique because she knows that she won't do any good for her brother.
Alam niya kung anong klaseng babae ang nasa ganoong linya ng trabaho... iyon ay dahil gano'n din siya. Some of them were just after the bag. Gusto lang nilang sumabit sa mayaman upang makaalis sa miserableng pamumuhay. Marami siyang kilala na pagkatapos makabingwit ng mayamang parokyano ay umalis na upang magtungo sa ibang bansa at doon mamuhay ng masaya.
Paulene was envious because no one seems to find her attractive. Kaya siya umalis dahil walang pumipili sa kanya. Nang narinig niya ang balita na maraming nagnais na makasama si Dominique kahit sa isang gabi ay nainggit siya. That's another reason why she don't want her near Pablo, she is dirty.
She do not want to judge her but it is the hypocrisy speaking.
"Uy, Paulene!"
Natigil ang dalaga sa paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses. Hindi siya humarap o gumalaw sapagkat natatakot siya sa maaaring gawin sa kanya ng lalaki. Hindi niya maiwasang mapatalon sa gulat nang hinaklit ng lalaki ang kanyang braso saka siya niyakap mula sa likuran. Nanigas ang katawan niya at hindi siya nakapagsalita, malakas ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa kaba. She couldn't even think straight because her mind is clouded with hazy thoughts.
"Chill, I'm not going to hurt you. Itatanong ko lang kung saan ang gago mong kapatid. Simula nang makilala niya ang magandang babae na iyon ay hindi na siya sumama sa amin. Can you please tell him that we need to talk... don't worry, this time it isn't about you."
Nagpanting ang tenga ni Paulene dahil sa kanyang narinig. Naglakas loob siyang itulak ang binata saka sinampal nang malakas.
"Louis! Tigilan mo na ang kapatid ko! Why can't you just leave us alone?" she said in a shaky voice. Nakatitig lang ang binata sa kanyang mukha at ngumisi. Ngunit biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya nang makitang lumalaban ng tingin si Paulene. He took a step forward and pulled her hair, he kissed her roughly until he can taste her blood. Nang bitawan niya ang dalaga ay nakatulala ito at lumuluha.
"Alam mo na ang mangyayari kapag hindi mo ginawa ang nais ko, Paulene. You're a good girl, right? Ako na nga lang ang nagtitiis sa iyo tapos hindi mo pa ako mapagbigyan." He then laughed loudly while walking away. Paulene's knees trembled in anxiousness, she fell on the ground while sobbing. She let out a frustrated sigh and hugged herself because no one will be there to comfort her.
HINDI PA man ako nakakarating sa bahay ni Dominique ay mapansin ko nang bukas ang pinto kaya nagmamadali akong tumakbo papasok sa loob upang tingnan kung sino ang nanloob at kung may nakuha ba silang gamit. Subali't walang kahit na sino sa loob, maayos din ang mga gamit ni Dominique. Nakapagtataka lang dahil may mga paper bag na nagkalat sa sala at may mga tatak ng mamahaling brand.
Isa-isa kong kinuha ang mga paper bag saka dinala sa kanyang silid at inikot ang kanyang bahay upang malaman kung doon pa ang nagbigay ng mga gamit. Ngunit wala talagang tao, ni bakas na may dumaan dito. Pumasok na lang ako sa kanyang silid saka kumuha ng damit na maisusuot niya. Sumilip ako sa baba ng kama saka hinila ang kanyang pulang maleta. I gently opened it and I was surprised to see that all of her clothes are red and black. Ni wala akong makita na ibang kulay. Pati na rin ang kanyang bra at panty ay kulay pula at itim.
Napapailing na kumuha ako ng dalawang dress at dalawang pares ng underwear saka nilagay sa aking bag na dala. Kumuha rin ako ng sabon at shampoo, pati na rin ang kanyang kolorete sa mukha ay dinala ko dahil baka hanapin niya.
"Why does she needs this anyway? Maganda naman siya kahit wala siyang make up," bulong ko sa aking sarili habang sinasara ang kanyang maleta at binalik sa ilalim ng kanyang higaan.
I check her belongings again after going back to the hospital only to find out that she is not there.
Hinahanap din siya ng mga kapulisan.