DOMINIQUE WENT to the place where no one could see her. She needed some time to think and to relax after killing that old man. She's not the good and cheerful angel anymore. She is becoming an evil day by day and she already accepted it. She wanted to be a priestess and only Deyja could help her. Kaya kailangan niyang pumatay upang makuha ang nais niya.
While she was standing on the cliff and looking at the dark pit, a stranger come up to her and pulled her.
"Miss, huwag kang magpapakamatay! Madami pa ang magagandang dahilan para mabuhay sa mundong ito!"
"What!?" naguguluhang tanong ni Dominique habang hinihila ang kanyang kamay saka pilit na lumalayo sa lalaki.
However, the guy keeps on pulling her away from the edge while redundantly saying that her life was precious.
"Hindi ako magpapakamatay, ano ba? Let go of my hand, asshole!"
The stranger decided to let go of her hand but he is still on guard. Doon napansin ni Dominique na pulis pala ang lalaking kaharap niya. She sighed heavily before putting her hands together and lifted it to show him.
"Cuff me. Hindi na ako tatakas."
Dahil sa kanyang sinabi ay nanlaki ang mga mata ng lalaki. He didn't know if he's lucky or just stupid because he didn't realize that the woman in front of him was a criminal.
"Bakit naman kita lalagyan ng posas kung wala kang ginagawang masama?"
Dominique was about to answer when another police officer came and approached her.
"Ma'am Yza! Kanina pa po kayo hinahanap. We need to go back to the hospital."
She nodded her head and walked after him without looking back at the stranger that she just met. Samantalang ang binata ay nakatitig lang sa likod ni Dominique at umaasa na kahit isang beses ay lumingon siya, subali't bigo siyang makamit ang kanyang nais.
"Her name is Yza," he whispered softly. His lips curved into a sweet smile as he dreamily hope to meet her again in the future.
Dominique and the police officer went back to the hospital. When Dominique opened the door, she saw Pablo worriedly paced back and forth inside the room while biting his lips. Batid niyang nag-aalala sa kanya ang binata kaya natuwa siya. She ran to him and pinched his shoulder lightly to get his attention.
"Hey, I'm here. Why are you so worried? Buhay pa naman ako."
Nag-isang linya ang kilay ni Pablo habang nakatingin sa mukha ng dalagang kaharap. She was standing elegantly and talking to him casually. He didn't trace a hint of pain in her voice as she speak. Mukha namang maayos na ang lagay niya kaya napagtanto niya na maaari niya nang ihatid pauwi ang dalaga.
LATER THAT evening, Dominique and Pablo went out on a date. Pablo treat her in a fine dining restaurant because she recovered so fast. Maligaya silang kumain, pagkatapos ay nanuod ng sine, at naglakad pauwi dahil ginabi silang dalawa at wala nang masakyan. Natapos na rin kasi ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ni Armando Severino kaya wala nang nangungulit kay Dominique.
They are holding each other's hand while walking on the sidewalk. Walang nagsasalita ngunit kontento na sila sa presensya ng isa't isa. Nakahanap ng kapatid si Dominique sa katauhan ni Pablo kaya naman komportable siya sa lalaki, kahit na ang tingin ng iba ay may namamagitan sa kanila... lalo na ang nakakatandang kapatid ng binata na si Paulene.
"Baka pagalitan ka nanaman ng ate mo kapag nalaman niyang magkasama tayong dalawa," sabi ni Dominique upang basagin ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.
Pablo sighed softly and pulled her closer so he could mess her hair using his other hand.
"Hayaan mo na siyang magalit. Gano'n talaga si Ate Paulene kasi wala siyang kaibigan." Natawa si Pablo pagkatapos niyang magsalita. Naikwento kasi ni Dominique sa binata ang nangyari dahil ayaw niyang marinig pa iyon ni Pabli sa bibig ng kanyang kapatid. Natigilan si Pablo nang mapansin na hindi manlang tumawa si Dominique sa kanyang sinabi.
He secretly shake his head in disbelief. Nahihirapan siyang patawanin ang dalaga. He can feel that she is happy but she does not smile. Ano kaya ang makakapagpabalik ng ngiti sa labi niya?
"Malapit na tayo sa bahay niyo. Hanggang dito na lang, Pablo. Ako na lang ang uuwi, kaya ko na ang sarili ko."
Agad na tumutol si Pablo.
"No, I won't let you go by yourself. Maraming tumatambay sa eskinita at baka ikaw ang pagdiskitahan nila," aniya. Dominique can clearly see the worry in his eyes and it made her happy. The fact that someone worries about her means that she was not alone in this world. So right at that moment, Dominique promised to herself to keep Pablo safe in any way that she can.
"Dito ka lang pala, toto! Kanina pa kita hinihintay sa bahay!"
Napabitaw sila sa kamay ng isa't isa nang marinig ang galit na boses ni Paulene. Nakasuot siya ng lumang daster habang may hawak na mahabang stick. Ang buhok niya ay may curlers at facial mask pa siya. Nagmukha tuloy siyang matandang dalaga na laging mainit ang ulo.
"Uwi na, toto! Bakit ba sama ka nang sama sa babaeng 'yan?" Tinuro niya ako gamit ang stick saka napailing bago sapilitan hinila si Pablo paalis sa aking tabi.
"Aray naman, Ate Paulene. Dahan naman, baka mapigtas ang braso ko. Uwuwi na nga ako, eh," nagrereklamong sabi niya at nakasimangot na naglakad palayo. Hindi na siya nag-abalang lumingon kay Dominique sapagkat batid niyang ikakagalit nanaman ito ng kanyang kapatid na nakabantay sa bawat galaw niya.
"Dominique, I already told you to stay away from my brother," she said with an accent. Dominique couldn't help but to scoff because of her irritated face.
"Aba! At ikaw pa ang may ganang magalit! Layuan mo si Pablo. He has so many dreams and you're gonna ruin him, kaya lumayo ka na habang maaga pa. Sana naman ay maliwanag na sa iyo ang mga sinabi ko."
Paulene raised her left brown and rolled her eyes before turning around to left.
Nais sampalin ni Dominique ang ate ni Pablo dahil sa inis na kanyang nararamdaman. Wala naman siyang ginagawang masama subali't ramdam na ramdam niya ang pagkadisgusto ng babae para sa kanya. Kung maaari lang na layuan si Pablo ay gagawin niya. But she couldn't stay away from him because he's the only person that could understand her.
Bagsak ang balikat na umuwi siya sa barong-barong. Pagkabukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanyang paningin ang seryosong mukha ni Deyja. She instantly panicked but remained calm just to show the goddess that she was not afraid.
SURPRISE WAS visible in Dominique's eyes as she saw me standing behind the door and just looking at her with a straight face. I know that she was not expecting me to be here at this moment.
"So you've been hiding in this den just to avoid me?" I asked her in a stern voice.
"Hindi naman kita pinagtataguan," aniya. Nilampasan niya ako upang umiwas sa mapanuri kong titig ngunit hindi nakaligtas sa aking pang amoy ang takot na kanyang nararamdaman.
"Talagang ayaw ko lang sa malaking bahay na iyon. Sobrang tahimik na tanging paghinga ko lang ang aking naririnig. I wanted to be surrounded by people, Deyja."
Mukha naman siyang seryoso sa kanyang sinabi ngunit batid kong may malalim na dahilan kaya ayaw niya doon. Hindi ko na binanggit ang anumang bagay na tungkol sa pagtira niya sa aking mansión. I decided to sat on the old wooden chair to rest for a moment. Subali't hindi pa man sumasayad ang pwet ko sa upuan ay nasira na ito.
"Iyan na lang ang upuan ko nasira pa," bulong niya na umabot sa aking pandinig.
"Then why don't you buy a new chair?"
Dominique raised the receipt that she was holding and show it right to my face
"See how expensive it is to live in this world? Halos wala na akong pambili ng pagkain dahil kahit sira-sira ang bahay na ito ay magastos pa rin sa kuryente."
I rolled my eyes in irritation because of her ignorance. Hindi naman mahal ang mga bilihin, sadyang naloloko lang siya ng mga tao at wala pa rin siyang kaalam-alam. So naive and innocent. Hinablot ko ang mga resibo mula sa kanyang pagkakahawak at napailing nang makita ang presyo ng kanyang pinamili. Ang isang piraso ng itlog ay nagkakahalaga ng sampong piso. She bought ten eggs so it cost her a hundred.
Ang ibang bilihin ay naging doble ang presyo.
"Why is your face like that." Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Agad na humarap ako sa salamin na nakasabit sa tuktok ng maliit na estante ay napailing ako.
I look so stressed because of this thing that I'm holding. Magkasalubong ang mga kilay ko at nanlilisik ang aking mga mata. I hate it when I'm like this.
"Pumasok ka na lang sa iyong silid, Dominique. I brought some gifts and you will like it. Iyon lang naman ang ipinunta ko rito. Please, go back to that mansion. You are safer there. Hindi kita mapapahintulutang tumira sa magulo, maliit, at masangsang na bahay na ito na isang ihip lang ng hangin ay matitibag na."
I saw how she rolled her eyes but I choose to ignore her. Tumalikod na lang ako at bumalik sa'king tahanan.