Chapter 45 Malaki ang ngiti ko nang bumangon ako mula sa higaan. Mahigpit na nakayakap ang anak ko sa bewang ko habang ang bibig nito ay maliit na nakaawang at ang buhok niyang may kahabaan ay tumatabong sa kanyang mata. Mabilis ko itong hinalikan sa pisngi, ilong at sa labi. Unti-unti nang lumalaki ang anak ko at natatakot akong dumating ang araw na hanapin niya ang tunay niyang ama sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa araw na ‘yon. Malaki na ang anak ko at ramdam ko na naghahanap din siya ng ama. Alam kong hindi sapat na may kinikilala siyang ama ngayon dahil sa bawat araw na lilipas ay unti-unti na siyang maghahanap sa ’kin. “I love you, Bless,” wika ko at tumayo na para maghanda sa kusina. Naging mahaba ang araw kahapon para sa amin ni Gelo. Sinabi ko sa kanya ang lah

