Chapter 7 Gabi na at nangangalay na ang buong katawan ko. Maski ang likod ko ay ang sakit na dahil sa kakaabot ng bayad at sukli sa mga customer kaninang umaga. Nakakangalay at nakakapagod din pala kahit magaan na gawain lang. Paano pa kaya ang hirap ni Mama. Sa ’min siya pa ang naglalaba, nagluluto at naglilinis sa bahay. Akala ko ay nag-iinarte lang siya no’n pero ngayon, ako na mismo ang nakakaranas ngayon. Inunat ko ang buong katawan ko. Medyo umuumbok na ang tyan ko. Ilang weeks na rin siya ngayon. Kailangan ko pa mas lalong sipagan sa pagtratrabaho para kapag lumabas na si baby ay meron na akong panggastos sa kanya. At least masasabi ko sa lahat na nagbuntis ako’t nanganak na hindi umasa sa kahit anong tulong ng magulang ko. Papatunayan ko rin sa kanilang lahat na hindi masisi

