Chapter 20.1 Habang abala ang lahat sa pag-aayos ng mga requirements nila ay ako, heto, nakaupo at hinihimas ang malaki kong tyan. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang nagpa-ultrasound ako at nalaman ko na lalaki ang magiging anak ko. Nakakatuwa lang dahil mas excited pa sila sa ’kin na bumili ng mga gamit ng baby. Katulad na lang ni JC na nag-order agad sa online at ginastos ang allowance na binibigay sa kanya ni Nanay tuwing linggo samantalang si Gelo naman ay nag-uumpisa nang mamili ng puting mga lampin, pati na rin ng new baby clothes. Sa totoo lang, nakakatuwa sila—lahat sila dahil sa mga dinadala nilang nakaraan, heto sila ngayon at may patutunguhan na ang buhay nila. Si Kuya Dan naman ay wala ngayon dito. Ang balita ko ay pumunta siya sa isang agency sa Manila para mag-app

