NAPASANDAL siya sa dingding na kawayan at saka kinapa niya ang dibdib. Taas baba ang kabog nito pero hindi niya maiwasan mapangiti nang malaman na hindi pala nobya ni Uno ‘yong doktora kundi kapatid. “Tapos na! Nadikit na lahat ng chichirya! Maglalaro na kami!” Parang nabunutan ng tinik si Aleyah dahil sa sigaw na iyon—isang palusot para makaalis sa nakakailang na sitwasyon. Sa di kalayuan, may isang lalaking taga-roon ang lumapit, bitbit ang mahabang kawayan na siyang ginamit sa paglambitin ng mga supot ng chichirya. “Miss, sisimulan na ba ang palaro?” tanong nito. Hindi naman siya ang may hawak ng programa, pero dahil sa gulat at gusto na ring umiwas, mabilis siyang tumango. “Oo, simulan n’yo na,” mabilis niyang sagot, kahit alam niyang wala siya sa posisyon para mag-utos. Bago p

