Kabanata - 20

2217 Words

Pagkatapos kumain, nagsimula na ang palaro para sa mga bata. Masayang nagtatawanan ang mga ito habang nagtatakbuhan, dala ng simpleng saya ng piyesta. Si Aleyah ay nakaupo sa gilid, may hawak na puto na kinakain nang paunti-unti habang mahigpit siyang hinahawakan sa laylayan ng shorts ng nakababatang kapatid ni Charm. Tila ba ayaw siyang bitiwan ng bata, parang natatakot na muli itong mawala. Samantala, karga-karga naman niya ang bunso ni Charm na kanina pa iyak nang iyak. Pinapatahan niya ito, marahang inuugoy sa kanyang mga bisig, habang si Charm ay abala sa pagtulong. Nakataas si Charm sa bangkito, nag-aayos ng mga chichirya sa tali at isinabit ito sa kahoy na ilalambitin para sa laro ng mga bata. Habang abala si Aleyah sa pag-aalaga ng mga bata, napansin niyang may dumating na presen

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD