MAKALIPAS ang ilang minuto, muling sumilip ang isa sa mga staff. “Charm, pinapatawag ka ulit ng manager. Make-up ka na raw. Ihahanda ka na.” Napatigil ako, napatitig kay Charm na bigla na lang parang lantang gulay. Kita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata niya, pero wala na siyang nagawa kundi tumango. Tumayo siya, mabigat ang bawat hakbang papasok ng dressing room. Para bang nilalagyan siya ng tanikala sa leeg at unti-unting hinihila papunta sa bitayan. “Charm…” mahina kong tawag, pero hindi na siya lumingon. Bumuntong-hininga ako at kinuyom ang kamao ko. Gusto kong sundan siya, gusto kong pigilan siya. Pero bago pa man ako makagalaw, dumating na ang sunod-sunod na mga customer. “Miss, pwedeng pa-order?” tawag ng isang lalaking may kalakihan ang tiyan. Agad akong napalingon mab

