TUMATAMA ang sinag ng araw sa kanyang mukha nang magising siya. Ang manipis na kurtina sa maliit na bintana’y hinahawi ng malamlam na ihip ng hangin, kaya’t kahit banayad ang sikat ng araw, ramdam niya ang init sa balat. Kumurap siya, pilit tinatanggal ang antok, at unti-unting bumangon. Pinilit niyang iusad ang kanyang paa. Ngunit bago pa man siya makalakad ng maayos, napangiwi siya sa hapdi. “Araay ko,” mariin niyang kinagat ang labi. Isang maling hakbang lang ay agad siyang nadapa, at kasabay nito’y nahawi niya ang lampara sa gilid. Natapon ang laman nitong gas, kumalat sa sahig, nagbigay ng nakakakilabot na amoy. Napalunok siya, halos hindi makahinga. Kung may sindi lang iyon, baka abo na siya sa isang kisapmata. “Hala!” bulalas niya. Iyon naman ang pagbukas ng pinto at pumasok s

