Madilim ang paligid, tanging lampara ng ilang kapitbahay ang nagbibigay ng liwanag sa kalsada. Walang jeep, walang tricycle, pero ‘yong may mag kantahan doon sa tindahan ni aling Todeng. Sa bawat hakbang niya, parang lumulundag ang puso niya sa kaba. Hindi niya alam kung nasaan si Dos, kung bigla ba itong susulpot mula sa dilim. Pero kahit manghina siya, kahit madapa, hindi siya titigil. Kailangan niyang makatakas. Nakalayo nga si Aleyah, ngunit habang humahakbang siya ay lalo lang siyang nalilito. Dilim ang bumabalot sa paligid, tanging liwanag ng buwan at ilang lampara na nagmumula sa malalayong bahay ang nagsisilbing gabay niya. Hindi niya alam kung saan kalsada, saan ang tamang daan palabas. Basta’t tumatakbo siya nang tumatakbo, parang hinahabol ng sariling kaba. Hanggang sa may na

