NAGMULAT nang marahan si Aleyah, pumikit at muling dumilat dahil hindi pamilyar ang paligid. Malambot ang kutson, malamlam ang liwanag ng lampshade, at may halimuyak ng mamahaling pabango na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Dahan-dahan siyang bumangon ngunit agad siyang napadaing nang maramdamang mahapdi ang hiyas niya pati ang kanyang puwetan ay tila binabagtas pa rin ng init ng kahapon. Para bang may nakabara, isang matigas na sensasyon ‘yong parang buto ng mais na naiwan sa loob niya. Napahawak siya sa tiyan niya at mabilis na bumalik ang alalahanin ng kanyang pagbubuntis. Pinilit niyang idilat nang maayos ang mga mata, at sa gilid ng kama ay naroon ang isang babaeng nakaupo na parang kanina pa siya binabantayan. Maganda, maputi, elegante, halatang galing sa mayamang pamilya. Pe

