HAPON na nang makarating si Aleyah sa boarding house nila ni Charm. Napagod siya sa biyahe lalo’t napatrapik sa Maynila. Buti nga at may pera pa siyang nakatago sa bag niya at mabuti na lang dinala rin ng kambal ang bag niya sa mansion. Ngunit paglapit pa lang niya sa pinto, agad siyang kinutuban. Bukas ito, bahagyang nakasandal, na para bang walang paki-alam kung sino ang makapasok. Kinabahan siya, mabilis na binuksan ang pinto, at agad siyang sinalubong ng tanawin na nagpabagsak ng lahat ng lakas niya. Nandoon si Charm nakasalampak ang mukha sa unan at iyak nang iyak habang hawak niya nang mariin ang tiyan. Halos hindi na humihinga sa paghikbi. “Charm? Bakit? Ano’ng nangyari?” Napalingon si Charm, at nang makita siya ay lalo itong napaiyak. Kaagad siyang lumapit at inalalayan ito p

