DAMN IT! Malakas na sigaw ni Uno sabay hampas ng baso sa sahig. Nagtilamsikan ang laman at nagkadurug-durog ang bubog sa tiles. “Isang buwan na! Isang buwan na kayong naghanap pero wala pa ring resulta! Ano bang ginagawa n’yo, ha? naglulustay lang ako ng pera sa inyo?” Nakatungo lang ang mga tauhan niya, at parang mga asong nagkasala. Isa sa kanila ang naglakas-loob magsalita. “Kinausap na rin po namin yung bakla sa club, pati si Mama Sang. Sabi nila, wala raw silang alam. Ang alam lang daw nila, magkasama si Charm at si Aleyah. May nagsabi rin sa barangay… oo, magkasama raw talaga sila, pero pagkatapos no’n, hindi na raw sila nakita.” “Sinuyod na po namin lahat ng club, boss. Wala po talaga si Aleyah… pati sa mga dating lugar na pinupuntahan niya. Wala po.” “Wala?!” mariin niyang

