NAPAIGTAD ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Laking gulat ko pagharap ko ay si Uno. Kaagad niyang akong niyakap nang mahigpit at sobra-sobra ang pag-aalala niya sa akin. “U—Uno…” “We’ve been searching for you for so long, baby.” Kita ko ang paglandas ng luha ni Uno. Umiyak na rin ako lalo na nang hawakan niya ang tiyan ko. “Sweetheart…” Paglingon ko ay si Dos. Napamaang ako dahil nandito rin siya. Kaagad niya akong inagaw mula kay Uno at niyakap niya rin ako nang mahigpit. Hindi lang basta yakap dahil narinig kong nanginig siya. ‘yon pala ay humagolhol siya ng iyak sa balikat ko. “Akala ko hindi na kita makikita pa. One month without you was f*cking hell! Parang isang dekada kitang hindi nakita, Aleyah.” Niyakap ko rin siya nang mahigpit pero biglang sumakit

