Kylus' POV Habang nakaupo ako sa swivel chair ng opisina, pumasok si Nikki na may dala pang kape. Kaswal siyang umupo sa harap ko, nag-aalangan pero may ngiting hindi ko gusto—alam kong may alam siya. "Kamusta, nabalitaan ko nagkausap kayo ni Fin," sabi niya habang nakatitig sa akin na parang nag-aabang ng reaksyon. Napabuntong-hininga ako, hinilot ang sentido, at pilit na pinakalma ang sarili. "Balita nga?" tugon ko, sinusubukang magpakalman kahit pa parang binubuksan niya ulit ang sugat na pilit kong tinatakpan. "Hindi naman 'balita' lang," sabi niya na may pilyang ngiti. "Sikat ka na nga raw sa hallway scene. Ang init ng balita, pati security nakunan kayo." Napairap ako. "I don't care," sagot ko nang malamig. "Wala akong pinagsisisihan." Napatigil si Nikki, kita ko ang bahagyang p

