Kylus' POV Pagkarating ko sa mansion, agad akong sinalubong ni Mama sa may sala. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. "Are you okay? Sinampal ka daw ni Fin," sabi niya habang tinitignan ang pisngi kong bahagyang namumula pa rin. Napabuntong-hininga ako, pilit na nagpipigil ng ngiti. "News travels fast, huh?" "Anak, seryoso ako. Hindi ka ba nasaktan?" Hinawakan niya ang mukha ko, parang inaalam kung may sugat o kung kailangan pa ng yelo. Umiling ako. "No need to worry, Ma. Hindi naman gano'n kasakit." Pero kahit pa sabihin kong okay lang ako, ramdam ko pa rin ang latay ng sampal ni Fin—hindi lang sa pisngi ko kundi pati na rin sa ego ko. Pati puso ko, parang sinampal na rin. "I guess I deserved it," dagdag ko nang mapait ang ngiti. Napaawang ang labi ni Mama. "What? Bakit mo naman

