Kylus POV Maaga pa lang, gising na ako. Kahit hindi pa tumutunog ang alarm, hindi na rin ako nakatulog nang maayos. Ewan ko ba, pero simula nang matanggap ko ang email ni Fin kagabi, parang hindi mapakali ang utak ko. Pagmulat ng mata ko, dumiretso agad ang tingin ko sa laptop sa bedside table. Naalala ko ang mga detalyeng sinend niya—oras, address, pati instructions para sa meeting namin sa Cebu. Napabuntong-hininga ako. "Focus, Kylus," sabi ko sa sarili ko habang pinilit bumangon mula sa kama. "Business trip lang 'to." Pagpasok ko sa banyo, binuksan ko agad ang shower. Ramdam ko ang malamig na tubig na dumaloy sa katawan ko, pero kahit ganoon, hindi nawala ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit may halong kaba at excitement sa loob ko. Matapos maligo, nagsuot ako

