Kylus' POV Nakatayo lang ako roon, pawis na pawis at halos malunod sa desperasyon habang nakatingin kay Fin na wala nang ibang ipinapakita kundi lamig sa kanyang mga mata. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko, at bawat paghinga ko ay parang tinik na bumabaon sa lalamunan. Hindi ko matanggap na ganito na lang matatapos ang lahat—hindi ko siya pwedeng mawala sa akin. "Fin, please..." nangangatog ang boses ko, pero wala na akong pakialam. "You have to believe me, it's not true! I never cheated on you!" Nanginginig ang mga kamay kong inabot siya, pero umatras siya, at ang sakit na nakaukit sa kanyang mukha ay parang kutsilyong sumasaksak sa puso ko. "You think you can just say that and expect me to believe you?" matalim ang tono ni Fin, bawat salita niya ay tumatagos sa akin. "You l

