Kylus' POV Pagpasok ko pa lang sa bahay, ramdam ko na ang bigat ng hangin. Tahimik ang paligid, pero alam kong hinihintay lang ng mga magulang ko ang pagdating ko. Hindi ko na napigilan ang malalim na buntong-hininga bago ko isinara ang pinto. Nakaharap sa akin si Mom at Dad, parehong may mabibigat na tingin. Nakaupo sila sa sofa, at ramdam ko ang pag-aalala sa mga mukha nila. Hindi ko na kailangang magsalita—alam nilang may bumabagabag sa akin. "Kylus..." Malumanay pero puno ng hinanakit ang tinig ni Mom. "Ano ba itong nangyayari? Totoo ba ang sinabi ni Fin?" Pumikit ako, pinipigil ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Napailing ako bago marahang nagsalita. "In the first place, kayo ang nagpasok sa akin sa akademyang 'yun, Mom." Nanginginig ang boses ko, pinipigilan ang emosyon. "But I

