Ang nakaraan... Ngunit bago ko pa man ipaliwanag, binanggit ni Fin ang isang pangalan—Avriel. At doon ko naramdaman ang pinakamabigat na dagok sa lahat. “Avriel told me! She said that the academy you're a part of teaches... intimate things!” Hindi ko na kayang magsalita. Ang pangalan na iyon—Avriel—ang dahilan ng lahat ng ito, ngunit hindi ko alam kung bakit. “Intimate academy?” Ang utak ko’y nagsimula nang maguluhan. Anong klaseng pangyayari ito? Saan ko nanggaling iyon? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Ang bawat mukha ng mga bisita, ng mga magulang ko, ay puno ng katanungan. Pumailanlang ang katahimikan. Hindi ko kayang ipaliwanag ang sarili ko sa mga salitang iyon. Hindi ko kayang ipakita sa kanila kung gaano kasakit na nararamdaman ko. Hindi ko rin kayang pabulaana

