**Kylus POV** Tumingin ako kay Fin habang nakaupo siya sa passenger seat ng kotse ko. Tahimik lang siya, nakatitig sa labas ng bintana, pero kita ko ang tensyon sa kanyang panga, ang lalim ng kanyang paghinga. Alam kong marami siyang iniisip, pero hindi niya masabi. “Fin…” mahina kong tawag sa kanya. Hindi siya agad sumagot. “Kylus,” sagot niya sa wakas, hindi pa rin lumilingon. “Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.” Hininto ko ang kotse sa gilid ng daan at humarap sa kanya. “Sabihin mo sa’kin,” pakiusap ko. Dahan-dahang huminga siya nang malalim bago bumaling sa akin. “Si Hiroshi… Hindi ko akalaing magagawa niya ‘to.” Napahawak siya sa sentido niya na tila iniinda ang sakit ng katotohanan. “Akala ko… kaibigan ko siya. Pero bakit? Bakit niya tayo ginulo?” Hinaw

