Happy Chinese New Year sa mga singkit!! Kylus' POV Bigla akong napatigil nang may pamilyar na postura akong nakita sa di kalayuan. It’s been a year, pero ang mga galaw na iyon, ang porma ng katawan na parang kahit hindi ko pa siya makita ng buo, parang alam ko na kung sino siya. "Ikaw ba 'yan, Fin?" bulong ko sa aking sarili, kahit parang hindi ko matanggap na siya nga iyon. Hindi ko na naisip kung ano ang magiging reaksyon ko, basta tumayo ako mula sa stage at nagsimulang maglakad palapit sa kanya. Nang makalapit ako, mabilis kong hinawakan ang wrist niya at pinaikot siya. Nang humarap siya sa akin, napatigil ako, nagulat. "What the freak are you doi—" sabi niya, at pagkakita sa aking mukha, “Kylus?!” Ang gulat sa boses ni Fin at ang bigla niyang pag-pulang mukha ay nagdulot sa aking

