Kylus POV Habang nagkakape kami ni Nikki, abala siya sa pang-aasar sa akin tungkol kay Fin. "So ano na, Kuya Kylus? One year na, pero mukha ka pa ring brokenhearted. Bitter ka pa rin ba o move on na?" pabirong sabi ni Nikki habang nilalagyan ng asukal ang kanyang kape. Napailing na lang ako. "Move on? Sa dami ng ginagawa ko, wala na akong oras para sa love life." "Yeah, right. Pero ikaw yung muntik ng magwala kanina nang makita mo si Ate Fin," pangungutya niya sabay tawa. Napabuntong-hininga na lang ako at uminom ng kape, pilit na tinataboy sa isip ko ang mga nangyari kanina. Bigla namang nag-ring ang phone ko, at nang tingnan ko ay ang secretary ko pala. Sinagot ko ito. "Sir, reminder lang po na may meeting kayo in 20 minutes," paalala nito. Namilog ang mga mata ko at muntik kong

