KABANATA 4

2064 Words
Natigilan sa paglagok ng wine si Tristan ng mamataan niyang tumayo si Maddy mula sa kina-uupuan nito at lumipat malapit sa kanya. Marahan niyang naibaba ang glass of wine na hawak. Kapag kuwa'y palipat-lipat sa mga kaibigan ang tingin upang humingi ng saklolo. Nakuha naman ng mga ito kung ano ang gusto niyang iparating, subalit tanging kibit balikat lang ang iginanti ng apat. "I think, lasing na ako, Tristan pwede bang ihatid mo ako sa bahay ko.", anito na bahagyang idinikit ang mukha sa balikat ni Tristan. "Don't worry ihahatid naman kita" ,si Chris. "No! I want Tristan", giit nito. "I'm sorry but i can't", may kuan ahm.. si Tristan ng di mag-kandatuto sa sasabihin. "Excuse me miss? are you flirting with my boyfriend? ",anang boses mula sa kanilang likuran. Silang lahat ay nabigla, at sabay-sabay pang lumingon kung saan nanggaling ang naturang boses. Curiosity, ang nakikita niya sa mukha ng apat habang nakatingin sa bagong dating. Samantala, siya naman ay hindi pa rin makapaniwala. "Aren't you happy to see me?", nakangiting pahayag nito sa kanya. kung kaya't lalo pa itong gumanda. Bigla siyang tumayo at mahigpit na niyakap si Miaka. Hindi na niya napigilan ang sarili ng magkaharap na silang dalawa. Si maddy ay nag ngingit-ngit sa galit habang nakatingin sa kanila. Kung kaya't minabuti nitong magpaalam na lang sa kanila. Nagpresinta si chris na ihatid si Maddy subalit mariin itong tumanggi kesyo, kaya naman daw nito. "Ahem..", si wisley, kung kaya't kumalas na siya sa pagkakayap. "Pakilala mo naman kami bro", si chris. Ipinakilala niya sa mga kaibigan si Miaka. Namangha nga ang mga ito ng marinig ang pangalan nito. At ipinaliwanag ng dalaga kung bakit siya umustang girlfriend ni Tristan, Katatapos lang daw nito mag perform ng may kakilala pala itong naroon at inimbitahan ito sa mesa ng naturang kaibigan, Hindi naman kalayuan sa mesa na inukupa nila. Abot tanaw kasi nito mula roon na panay ang lapit ni maddy kay Tristan at nakikita nitong nahihirapan sa pag-iwas ang kaibigan. Kung kaya't minabuti nitong lapitan na lang at iyon nga ang naisip nito. "I think this is not the right place to talk about", panimula ni Tristan. Tango lang ang iginanti ni Miaka. Kapag kuwa'y nagpaalam na muna sila ni Miaka sa mga kaibigan niya. Panigurado pagkatapos nito maraming tuksuhan ang mangyayari. Hawak-hawak niya ang isang kamay ni miaka habang nilalakbay nila ang daan patungong office niya. At ng makarating sila ay pareho silang naupo sa sofa. "Ganda ng office mo ah, big time kana pala.",panimula nito. "Thank you, hindi naman.",aniya na medyo naiilang pa. "Ang tagal nating hindi nagkita",seryosong pahayag nito. "Oo nga eh" kumusta ka naman ba? aniya. "Heto lumalaban sa hamon ng buhay. "What do you mean?" ,takang tanong niya. "Heto, as you can see rumaraket para mabuhay, nalugi ang daddy sa negosyong pinasok niya noon. "God, why didn't you tell me?",aniya sa malungkot na tinig. "I tried, kaya lang panay naman ang iwas mo sa akin.Hindi naman ako manhid that time, alam kong iniiwasan mo ako, sa hindi ko naman malaman na dahilan. "I'm sorry,. i'm really, really sorry.", aniya pagkuwa'y niyakap si Miaka. "It's okay, matagal na iyon.Kaya nga minabuti ko nalang na sumama kay tita sa Canada para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral ko, pasensiya ka na nga pala noon hindi na ako nakapagpaalam saiyo. Minabuti ko na lang kasi na hindi na magpaalam sa pag- aakalang iiwasan mo pa rin ako. "I'm sorry mia", "Ano ka ba matagal na iyon . kinalimutan ko na", nakangiting pahayag nito. At marami pa silang bagay na pinag usapan. Kung ano ang naging buhay nito noon sa canada, Nakapagtapos naman daw ito sa kursong nurse. Subalit, hindi pa ito kumukuha ng examination para sa board exam nito, dahil na rin sa hirap pa ito sa buhay. Kung kaya't rumaraket muna ito sa ngayon, para makapag-ipon Bumalik ito ng pilipinas ng pumanaw na ang tiyahin nito. "Pinuntahan kita", aniya kapag kuwa'y yumuko. "Huh? "Sabi ng katulong niyo umalis kana raw papuntang Canada. " I didn't know", malungkot na pahayag nito. Biglang tumunog ang cellphone ni Miaka. Kung kaya't naputol ang kanilang pag-uusap. "Hello Rain? God, i almost forgot! okay, don't worry tomorrow i'll be there. anito sa kabilang linya. Habang siya naman ay nakikinig lang. Napaisip tuloy siya na hindi pa rin pala nagkahiwalay ang dalawa, o di kaya'y mag asawa na ang mga ito. Sa isiping iyon halos manghina na naman siya. Maya maya'y pinatay na nito ang phone at humarap uli sa kanya. "Si Rain",anitong nakangiti. "Still together huh",seryosong pahayag niya. Ngunit sa halip na sumagot ay nakangiti lang si Miaka. Kung kaya't doon niya napatunayan na totoo ang hinala niya. Aminado siya kung gaano kasakit noon, ay ganoon pa rin ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Kung kaya't minabuti na lang niyang manahimik. Isa lang ang napatunayan niya, hanggang ngayon mahal na mahal pa rin niya si Miaka. "Maiba ako, sino pala iyong babae kanina na kulang na lang ay hahalikan ka na. ",anito. "Si Maddy, kanina ko lang din nakilala, paano ba naman iyong si Chris dinala sa table namin. Laking pasasalamat ko nga at dumating ka.",aniya na bahagya pang ngumiti pagkuwa'y tumayo at nagtungo sa mesa at doon naupo ng sa ganoon ay malayo ang distansiya nila. Tango lang ang iginanti ni Miaka. "Ang parents mo pala kumusta na? aniya. "Well, okay lang naman sila, medyo nasanay na rin sa simpleng buhay. kibit balikat na pahayag nito. Matagal tagal rin ang ginugol nilang oras sa pagku-kwentuhan. Halos lahat ay katatawanan. Sapagkat, naging topic nila ang kabataan nila. Maya maya'y nag desisyon na si Miaka na umuwi na. "Tris, uwi na ako medyo malalim na kasi ang gabi", "Okay, i'll drive you home", aniya na bahagya pang sinilip ang relo. "No, nakakahiya naman saiyo. kaya ko naman umuwi mag-isa.",nakangiting pahayag nito. "Sira ka ba? paano kung may mangyari saiyo sa daan kababae mo pa namang tao.",aniya sa galit na tono. "Okay, sige na nga, baka naman may magalit sa akin niyan.", Sa halip na sumagot ay tini-titigan lang ni Tristan ang magandang mukha nito. Namayani sa kanila ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang binaybay nila ang daan patungo sa bahay nila Miaka. "Halos wala pa rin ipinagbago",aniya ng makababa sila ng sasakyan. "Tanging ang bahay na lang talaga ang natira sa amin", malungkot nitong pahayag . At muli niyang niyakap si miaka. Gumanti rin ito ng yakap sa kanya. "Thank you Tris", "For what?" , "For being my friend", "Sige na nga pumasok ka na ang dami pang kadramahan eh", aniya na bahagya pang ginulo ang buhok nito. "Mauna ka na munang umalis",anito. "Pasok na kasi",aniya habang nakasandal sa kotse niya. "Okay,good night. take care sa pag uwi.", anito na papasok na ng gate. "Thanks, good night!!", aniya na kumaway pa. Bubuksan na sana ni Tristan ang pinto ng kotse niya kaya lang ay natigilan siya. "Tris?", Lumingon siya rito, at nabigla sya sa ginawa ni miaka. Hinalikan siya nito sa labi. Nabigla siya sa ginawa nito, hanggang sa hindi niya namalayan na nakapasok na pala si miaka sa loob ng gate. At siya naman ay naiwan pa ring tulala. At ng makabalik sa reyalidad ay mabilis siyang sumakay sa kotse at pinaandar ang makina nito. Napag desisyunan niya na sa bar na lang muna siya mananatili doon na lang muna sya matutulog sa office niya. Habang binaybay niya ang daan pabalik sa bar ay hindi mawala wala sa isip niya ang paghalik ni miaka sa kanya. "God! ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya", aniya na hindi napigil ang mangiti, para lang siyang sira nagsasalita mag-isa. Pagdating niya sa bar dumiretso agad siya sa office niya at inihagis ang kanyang phone sa sofa, hinubad ang suot na t-shirt at maong pants . Tanging boxer shorts at panloob nito ang kanyang suot at dumiretso na sa banyo para mag shower. Nakapikit lang siya habang bumubuhos ang malamig na tubig sa kanyang katawan na dulot ng shower. Pabigla-bigla bumabalik sa kanyang ala-ala ang eksina na ginawa ni miaka kanina.Napangiti na naman siya, kinikilig nga siya. Matapos niyang magbihis ay humiga siya sa sofa.Isang simpleng white t-shirt ang suot niya pang itaas, at pang ibaba naman ay pajama.Hanggang sa makatulog siya. Samantala, si miaka naman ay nahihiya sa kanyang ginawa kay Tristan kung kaya't pagkatapos ng ginawa niya dali-dali siyang pumasok ng gate at iniwan na si Tristan sa labas, na halatang nabigla sa ginawa niya. Hindi naman niya pinag-sisihan ang ginawa niyang iyon, High school pa lang kasi sila noon ay matagal na siyang may gusto sa binata, kaya nga lang parang wala naman itong gusto sa kanya. Umabot pa nga sa punto na nagpanggap siyang nobyo niya si Rain para lang malaman ang magiging reaction ng kaibigan, subalit bigo siya ng sabihin nitong masaya naman ito para sa kanya. At mula noon,umiiwas na ito sa kanya, siguro dahil may boyfriend na siya sa pag-aakala nito, at baka magalit kapag magkasama sila palagi. Iyon marahil ang nasa isip nito. Kaya siguro, kusa na lang itong umiwas. Minsan pa nga, niyaya niya ito na maglakad-lakad lang sana, kasi nga may sasabihin siya. Sasabihin niya sana sa binata kung ano ang tunay niyang nararamdaman, na hindi naman talaga sila mag-nobyo ni Rain. Kaya lang, ang sagot nito sa kanya ay may idi-date raw ito. At pagkatapos, iniwan na siya nito. At iyon ang unang beses na iniyakan niya si Tristan labis siyang nasaktan. Marami pa sana siyang sasabihin sa kaibigan na naghihirap na sila, gusto niya ng karamay noong time na iyon, ito lang naman kasi ang tanging nagpapagaan ng kalooban niya, ang sumbungan niya sa lahat ng problema. Subalit unti-unti na itong lumalayo sa kanya. Dapat nga sana magkatabi sila ng upuan sa loob ng class room nila, kaya lang lumipat ito ng inu-upuan sa may likuran ito pum-westo. Hinayaan na lang niya si Tristan, Dahil na rin siguro sa girlfriend nito kung kaya iniiwasan siya. Hanggang sa napag desisyunan niyang sumama na lang sa tita niya na sa canada na lang magpatuloy ng pag-aaral. Hindi na rin siya nagpaalam kay Tristan, kasi nga todo iwas naman sa kanya iyong tao kung kaya't ipana-asikaso na lang niya sa mommy niya ang kailangan niya sa school para makapag transfer sa canada. Ilang taon ang nakalipas nakapagtapos nga siya sa kursong nurse, marami rin siyang naging kaibigan doon. May mga canadian pa nga siyang manliligaw, kaya lang ay hindi siya interesado sa mga ito. At ng pumanaw ang kanyang tiyahin dahil sa sakit nito sa puso. Kaya naman nag desisyon siyang bumalik ng pilipinas. Una niyang hinanap si Tristan, ng makarating siya sa Pilipinas. Napaka-swerte niya at ang boyfriend ng kaibigan niya ay assistant nito. Matagal tagal na rin niyang sinusubay-bayan si Tristan, wala na nga siyang pinag-kaiba sa isang stalker. Pabalik-balik siya sa bar nito para lang masilayan ang binata, gusto niyang lapitan si Tristan kaya lang ay pinangungunahan siya ng hiya, at takot na baka iiwasan siya nitong muli. Kung kaya kuntento na siyang pagmasdan ito mula sa malayo. Kaya nga lang, hindi niya madalas nakikita ang binata dahil na rin sa palagi naman itong nag mumuk-mok sa loob office nito. Nalaman niya iyon lahat dahil sa ikinuwento nga ng kaibigan niyang si Nicole. siyempre, secret lang nila ni Nicole iyon. kumukuha rin kasi ito ng impormasyon sa pamamagitan ng boyfriend nito na si Marco. Minsan pa nga sumbong pa sa kanya ng kaibigan niya, napagdudahan pa tuloy ito na may gusto ito kay Tristan dahil sa interesado itong malaman ang buhay ng boss nito, kaya lang ay hindi pa rin nila pinagtapat kay Marco ang totoo. Kaya nga ng magka-problema ang mga ito sa banda, na tutugtog sana sa bar ng binata, na hindi naman natuloy ay mabilis siyang nag presinta. Ano pa't naging miyembro naman siya ng banda noon sa school nila. At ng makita niya itong may babaeng umaaligid hindi na niya natiis na lapitan ang binata, kahit pa naroroon ang mga kaibigan nito lakas loob siyang lumapit. Hanggang sa makatulogan ni Miaka ang pagbabalik tanaw sa nakaraan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD