KABANATA 5

2293 Words
Kinabukasan ay maagang nagising si Tristan. Maaga rin siyang umalis ng bar at pauwi siya sa kanilang bahay. "Son! where have you been?", bungad ng kanyang ina ng makita siya. Kasalukuyan kasi itong nasa kusina at tinutulungan ang katulong sa pag-aasikaso ng agahan. Kumuha muna siya ng malamig na tubig sa ref saka nagsalin sa baso kapag kuwa'y lumagok. "Doon sa bar ma, pasensiya na hindi ako nakatawag masyadong busy", aniya pagkuwa'y lumapit sa ina at niyakap ito mula sa likuran habang nagluluto. Ganoon maglambing si Tristan sa ina. Kaya naman, imbes na magalit ito, iiling-iling lang itong nakangiti. Bunso si Tristan sa kanilang dalawang magkakapatid. Ang panganay ay si Joana, hiwalay ito sa asawa kung kaya't dito na rin sa kanila nakatira, isa itong manager sa bangko, kaya si Raffy ay may sariling katulong na nagbabantay. "Sa susunod na araw birthday mo na. Do you have any plans?",anito kapag kuwa'y tumingin sa kanya. "Actually, gusto ko sana na magpunta sa isang beach ressort kasama ang barkada, doon na lang din mag ce-celebrate, iyon bang simpleng handaan lang. "Hindi papayag ang daddy mo, alam mo naman na marami siyang kasosyo sa negosyo. "Sabi ko nga ma eh", aniya na lumagok pa ng tubig sa baso. "Good morning ma", bati ni Joana sa ina. kaba-baba lang nito sa hagdan. Saka naman ito bumaling sa kanya at matamis na ngumiti. "Hey there li'l bro, how's your business? anito na umakbay pa sa kanya. "Ahm, good. so far, hindi pa naman nalugi ate.", biro pa niya rito. "Well, good to hear that. Anyway, can you do me a favor Tris? anito sa malambing na tono. "What is that?", "Pwede bang samahan mo si Raffy sa mall gusto niya kasing bumili ng mga bagong toys. "Wow! ako talaga ate?" ,aniya na bahagya pang tinuro ang sarili."no way", "Please li'l bro, mag a-out of town si mommy mamaya. Alam mo naman ang trabaho ko diba? please?",lambing pa rin nito sa kanya. "Ayaw",tanggi niya. "Paano na iyan ma, kawawa naman ang anak ko.Wala pa naman ang katulong niya pinagpahinga ko kasi may lagnat.", anito kapag kuwa'y bumaling sa ina. "Sige na nga payag na ako." , aniya . "I love you li'l bro",anito at niyakap siya. Hindi na nakaimik ang kanilang ina, nakangiti itong nakatingin sa kanilang dalawa. Pagkaraan ng ilang oras ay nakarating na sila sa mall ni Raffy. Naaaliw siyang pagmasdan ang pamangkin habang kuha lang ito ng kuha ng mga laruan. "Tito, I'm starving", malungkot na saad nito na bahagya pang bumulong sa kanya. Bahagya niyang tiningnan ang relong suot mag a-alas dose na pala hindi man lang niya namalayan dahil sa sobrang aliw siya katitingin sa pamangkin. "Okay baby, just wait me here okay? I just have to pay this", tukoy niya sa mga laruan. Tumango lang si Raffy, pagkuwa'y naupo sa upuan na naroroon. "Be good okay?", aniya saka nag simula ng humakbang papunta sa cashier. "Yes tito", pahabol pa nito sa kanya. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakabalik na rin siya, nagtataka pa siya ng mamataan niyang may kausap si Raffy, at labis siyang nabigla kung sino ang kausap nito sa tabi. "Tito",anito ng makita siya. Saka naman dahan-dahang nag-angat ng tingin si Miaka.At nanlaki ang mga mata niya ng makita si Tristan. "Miaka", you're here? may ginawa bang kalokohan itong pamangkin ko?",nag-aalalang pahayag niya. "No! actually, tinabihan ko siya Tristan kasi wala siyang kasama akala ko kasi nawawala. Hindi naman pala, sabi nga niya hinihintay niya ang tito niya. Hindi ko naman inaasahan na ikaw pala ang tito na sinasabi niya.", anito na medyo nakayuko. "Tita, why don't you join us, come on let's eat over there",anito na hawak-hawak ang isang kamay ni Miaka habang may tinuturo. "Sorry baby, but.. "Let's go", putol ni Tristan sa sasabihin ni Miaka. Kapag kuwa'y nagpa-tiuna ng humakbang patungo sa itinuro ni Raffy na kakainan nila. Walang nagawa si Miaka, Gusto niya mang tumanggi ay sumunod rin siya paano ba naman kasi hawak-hawak pa rin ni Raffy ang kamay niya. Ng maka- order na sila ng kakainin ay aliw na aliw siyang pinagmasdan si Raffy, magana kasi itong kumakain. Marahil ay gutom na gutom, habang siya naman ay hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya. "Kumain ka na", ani Tristan habang ngumunguya ng pagkain. "Si-sige",aniya na medyo naiilang. Kung hindi niya lang sana ginawa ang kalokohang iyon, marahil ay hindi ganito ka awkward ang sitwasyon sa kanila. Naiilang tuloy siyang tingnan ang mukha nito. "God,",aniya na tinapik pa ng bahagya ang noo ng maisip ang kalokohan niya. "What's wrong?", kunot noong turan ni Tristan pagkuwa'y ibinaba ang hawak na kutsara at tinidor. "Nothing", bulalas niya kapag kuwa'y yumuko habang may tinutusok sa pagkain. Habang si Tristan naman ay pinipilit pa rin ang maging pormal. God knows, kung gaano siya kasaya ngayong araw ng magtagpo sila ni Miaka. Kaya nga lang ay hindi siya nagpapahalata. Laking tuwa pa nga niya ng mag invite rito si Raffy ng lunch, kung kaya't hindi na niya hinayaan pang makatanggi si Miaka, pinutol niya kaagad ang sasabihin nito. Gusto man niyang tanungin ito kung bakit siya nito hinalikan, subalit pinangungunahan na naman siya ng takot at hiya. Kaya nga, dinadaan na lang niya sa ka pormalan ang lahat ng hindi rin ito mailang sa kanya. "Ikaw lang ba mag-isa?",aniya ng pareho na silang makatapos sa pagkain. "Actually, dalawa kami ni Rain kaya nga lang nauna na siyang umuwi kasi tinawagan siya ng boss niya.", Kumirot ang puso niya sa sinabing iyon ni Miaka. Kahit kailan talaga ang laking hadlang ni Rain sa kanya. "Ang sarap lang batukan ng lokong iyon iniwan ka ba namang mag-isa.",aniya sa galit na tono. "It's okay, naiintidihan ko naman siya".nakangiti nitong sabi . Hindi na siya umimik pa. Naawa siya rito.Parang gusto niyang durugin si Rain kapag nakita niya sa sobrang galit na nararamdaman niya ngayon. "Ahm..Tris, tungkol nga pala doon sa ano, iyong alam mo na", anito na mababakas sa mukha nito ang hiya. "Naintindihan ko huwag mo ng isipin iyon Miaka, alam kong lasing ka rin noong time na iyon.",bulalas niya. "Kasi Tris.. "I told you it's okay", nakangiti niyang pahayag. Nakangiti man ay kabaliktaran iyon sa nararamdaman niya, ayaw niya kasing marinig ang sasabihin nito .Ayaw niyang marinig ang sasabihin nito na humingi ng tawad. Dahil sa nagkamali ito ng halikan siya at nabigla sa ginawa gayong may boyfriend naman ito.In short,ayaw niyang masaktan. "Thank you Tris, mahinang wika nito. Nginitian niya lang si Miaka. Ang totoo ay gustong-gusto niya itong yakapin kaya lang ay hindi niya magawa. Hanggang kailan kaya siya magiging ganito? sa isip-isip niya. "Miaka, kayo ba ni Rain ay mag-asawa na? Tanong niya, kung kaya't nabigla si Miaka. Muntikan pang mailuwa niyo ang ininom na juice, marahil sa pagkabigla nito sa tanong niya. "Hi-hindi naman",anito. na kinakalma ang sarili. "You okay?" nag-aalala niyang pahayag. "O-okay lang ako", Tango lang ang ginanti niya rito. Kung ganoon ay mag boyfriend lang sila. Sa isip-isip niya. Kung kaya, bigla siyang nabuhayan ng loob. Maya-mayay nagpaalam na si Miaka sa kanila. Nalungkot si Raffy ng magpaalam ito, kaya lang natuwa naman ng nangako si Miaka na dadalawin ang bata sa bahay nila kapag wala itong ginagawa. Naging malapit na agad ang dalawa sa isa't isa. Gusto pa sana niyang ihatid si Miaka kaya lang tumanggi ang dalaga, dahil may kikitain pa raw ito. Nang makarating na sila sa kanilang bahay ay pinasan niya si Raffy, sapagka't nakatulog ito sa kotse, marahil ay sa sobrang pagod. At ng makarating na sila sa silid nito dahan-dahan niyang inihiga ang bata sa kama, nakangiti siya habang minamasdan ang inosenteng mukha nito habang tulog. Saka hinalikan niya ito sa noo. kapag kuwa'y kumilos na siya para bumaba. "Son! tawag ng kanyang ama habang pababa si Tristan sa hagdan. "Dad", aniya kapag kuwa'y niyakap ang ama. Palagi kasing busy ang kanyang ama, kung kaya't bihira lang din silang magkita. "Si Raffy?", anito na luminga-linga pa. "Hayun, nakatulog galing kami sa mall bumili ng mga toys niya, marahil ay napagod. "Ang batang iyon talaga. Sumunod ka sa akin doon sa study room.", anito na nagpatiuna ng maglakad Nakaupo ang ama ni Tristan ng datnan niya ito sa study room. Kaya naman naupo na rin siya. "Kumusta ka naman ba?",anito na humigop pa ng kape. "Okay lang naman dad", "Ang business mo?", "Okay rin naman dad, actually,mas marami ang mga costumers namin ngayon kaysa nong mga nakaraang mga araw.",wika niya. "What if ipaubaya mo na lang muna kay marco ang bar, at subukan mong pumasok sa company natin?", seryosong pahayag nito. "Dad?", "Son! you're not getting any younger, subukan mo lang, ilalagay kita sa mataas na posisyon. "I know dad, kaya lang hindi pa ako ready", "Hanggang kailan ka ba magiging ready?",kunot noong tanong nito. Hindi siya nakaimik sa tinuran ng ama. Kung siya lang din ang masusunod wala talaga siyang balak na pumasok sa company na iyon. "Pag-isipan mong mabuti son, matanda na ako, gusto ko bihasa ka na sa pasikut-sikot ng negosyo natin, bago man lang ako mag-retiro. "Okay dad, i'll think of it",tipid niyang sabi. "Don't take it too long", anito. Sa halip na sumagot ay tango lang ang iginanti ni Tristan sa ama. Mahabang oras din ang ginugol ng mag-ama sa pag-uusap. Aminado siyang nami-miss niya ang ganito, medyo matagal na panahon na rin na hindi sila nag- ku-kwentuhan. Palagi naman kasing busy sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya ang kanyang ama. Makaraan ang ilang oras ay sabay na silang lumabas ng study room, gusto kasi nitong magpahinga na muna. Samantalang siya naman ay tinawagan ang kaibigang si Wisley. "Bro, where are you?", "Nandito lang sa tabi-tabi bro, may kailangan ka?",anito sa kabilang linya. "Busy ka ba?", "May sinusundan ako ngayon, tatawagan na lang kita mamaya",anito pagkuwa'y nawala na ito sa kabilang linya. Nag-iwan na lang siya ng mensahe dito na puntahan siya sa bar. Bandang hapon ay nakauwi na si Joana galing trabaho, nadatnan sila nito sa sala na nanunuod lang ng tv. "Mommy's home",wika nito. Saka naman patakbong tumungo si Raffy rito at yumakap. "How's your day with tito?",anito na kinarga pa ang bata. "I had fun mommy",nakangiting pahayag ni Raffy. Habang siya naman ay nakatuon lang ang tanaw sa tv. "Thanks li'l bro.", "You are very welcome my dear sister",aniya na kunwa'y umirap pa. Nakangiti lang si Joana habang nakatingin sa kanya. Mga bandang ala sais ay nagpaalam na rin siya sa mga ito. Habang binaybay ni Tristan ang daan patungo sa bar ay may nadaanan siyang mga nagkukumpulang tao, kaya naman dahil sa kuryosidad ay huminto siya, at bumaba mula sa kotse. Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya si Miaka na kumakanta at may kasama ito na hindi naman pamilyar sa kanya. Kitang kita niya ang mga taong naroroon na may inilalagay na pera sa isang kahon o di kaya ay barya. Hindi niya maunawaan ang nararamdam kung kaya't hindi niya namalayan ang sarili na nakalapit na pala rito at hinila ang dalaga palayo. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng nakakita sa kanila ang kanya ay galit siya ng oras na iyon. "Are you out of your mind?",asik niya ng sila na lang dalawa. "Tristan?",kunot noong turan nito. "What do you think you're doing huh?",ganoon ka na ba naghirap para pati ganoong raket pinapasok mo!", "It's not like that", paliwanag nito. "Then what?",walang kwenta talaga iyang boyfriend mo kahit kailan, hinahayaan ka niya sa mga ganitong bagay. Damn that man!", "Tristan, watch your mouth",hindi kana nakakatuwa ah",anito na galit na rin. "Okay, I'm sorry.", mahinahon niyang sabi. "now, explain".,tipid niyang wika. "Actually, i was about to go to your bar, kaya lang may nakita akong matandang babae na nakaupo doon tsaka nagpapalimos, naawa ako sa kanya, Kaya naman, iyon ang naisip kong paraan para makatulong sa kanya.",anito saka yumuko. Hindi niya akalaing ganito pala kabait ang dalaga. Kung kaya labis pa siyang humanga rito. "Okay, naintindihan ko na.",aniya kapag kuwa'y masuyong niyakap si Miaka."ipakilala mo na lang sa akin si lola. I'm really, really sorry. "nakangiti niyang pahayag. "It's okay",nakangiti na rin nitong saad. Dinala siya ni Miaka sa matandang babae na tinutukoy nito. Nadatnan nila itong nakaupo sa tabi, na tanging dyaryo lang ang sapin at katabi nito ay ang kahon na pinaglagyan ng mga barya. Masyado na itong matanda para sa ganoong sitwasyon. Ipinakilala siya ni Miaka sa matanda. Bilang tanda ng paggalang ay kinuha niya ang isang kamay nito at nagmano. "Pasensiya na po kayo la, hindi ko kasi alam.",aniya na bahagya pang kinamot ang batok. "Okay lang hijo, ma suwerte ka sa nobya mo at napakabait na bata", nakangiting pahayag nito. Nagkatinginan lang silang dalawa ni Miaka. "Ah, lola kasi.. hin--",si Miaka. "Huwag mo na siyang pakawalan hijo, bukod sa maganda na, ang bait pa.Wala ka ng hahanapin pa", sigunda pa nito. "lola nagkakamali po ka--" , " si Miaka . "Hayaan mo lola hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.", aniya na matamis na nakangiti sa matanda. Habang si Miaka naman ay pinandilatan si Tristan ng mata. Inalalayan nilang makatayo ang matanda, pagkatapos ay dumukot si Tristan sa kanyang wallet at may limang libong inabot sa matanda. Hindi pa sana nito tatanggapin ang tulong ng binata kaya lang ay ipinagpilitan nito. Kung kaya, napilitan ang matanda na tanggapin. Nag abot rin siya ng business card dito kung sakaling kailanganin nito ng tulong ay madali lang siyang matawagan. Tamang-tama naman ng may dumating at nagpakilalang apo nito, at inalalayan ang matanda. Doon lang sila napalagay, at di nagtagal ay nagpaalam na rin. "Sakay na", aniya ng makalapit na sila sa kotse niya.Bahagya pa niyang binuksan ang pinto ng kotse niya. "Saan?", takang tanong nito. "Hindi ba sabi mo sa akin, papunta ka sana ng bar?", "Ah,o-nga ano? okay", tipid nitong ganti kapag kuwa'y sumakay na rin sa kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD