"Sit down", alok niya sa dalaga ng makarating na sila ng bar.
Kasalukuyan silang nasa opisina niya. Agad naman naupo ang dalaga.
"Don't worry, lalabas din tayo mamaya. "nakangiti niyang pahayag dito.
"Okay,"tipid nitong ganti.
Nagkatitigan lang silang dalawa sa isa't isa. Tunog ng kanyang cellphone ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila.
"Hi Tristan", anito sa kabilang linya.
Napakunot ang noo niya, Boses babae ito, pagtingin niya sa screen ng kanyang phone ay hindi naman naka rehistro ang numero nito.
"Who are you?", aniya.
"It's me, Maddy",
Bahagya siyang nag-isip kapag kuwa'y sumagi rin sa isipan niya niya ang naturang babae.
"Maddy, It's you. So how are you?", nakangiti niyang pahayag.
"I'm good, aren't you busy tonight?",malambing nitong wika.
"Busy? hmm.. hindi naman.", aniya na kay Miaka ang tingin.May nabuo kasi siyang kapilyuhan sa kanyang isip
"Great! see you.",anito pagkuwa'y nawala na ito sa kabilang linya.
Hindi na siya nagtaka pa kung bakit nakuha nito ang cellphone number niya. Knowing chris, kahinaan nito ay babae.
Nahuli niyang masama ang tingin ni Miaka sa kanya.
"Si Maddy",aniya na itinaas pa ang cellphone na hawak.
"I know", narinig ko". tipid nitong ganti.
"Nagugutom ka na?", nakangiti niyang pahayag.
"Hindi pa naman", nakabusangot nitong sabi.
Kumunot ang noo ni Tristan, paano naman kasi parang galit ang tono ni Miaka. Tipid lang din itong magsalita. Okay naman sila kanina bago pa man sila makarating sa bar.
"Galit ka pa rin ba?",kunot noong tanong niya.
"hindi naman",
"Come on, Mia. galit ka eh", aniya na tumabi sa pagkakaupo sa dalaga.
"Hindi nga",anito sa galit na tono.
"Talaga? bakit ka ganyan?" seryosong pahayag niya.
"Wala nga nga ang kulit mo!", anito.
Umakto si Miaka na tatayo ngunit mabilis niya itong napigil.
"Where do you think you're going?", seryoso niyang pahayag.
"Lalabas na ako",wika pa nito.
"Walang lalabas", si Wisley ng bumukas ang pinto.
Naiilang pa ito sa sitwasyon nila, nadatnan kasi nitong hinawakan niya ang kamay ni Miaka.
"I'm sorry, kunwari'y wala akong nakita. Lalabas na lang ako",
Agad naman niyang binitiwan ang kamay ni Miaka, pagkarinig sa tinuran ng kaibigan. Sinamaan lang niya ito ng tingin.
"Bro, umayos ka wala kaming ginagawang masama",
Ngumiti lang ito sa kanila at kumaway saka lumabas na rin.
"Tara kain tayo", aniya na nauna ng tumayo at inilahad ang isang kamay kay Miaka para alalayan ang dalaga, na kasalukuyan pang nakaupo. Saka lang tumayo ang dalaga.
"Hindi ka pa rin nagbago, gusto mo tinuturing kang prinsesa.",Iiling-iling at nakangiti niyang sabi.
"Sobra ka naman", anito ng nakangiti na saka siya tinapik sa balikat.
Pagkaraan ay lumabas na sila. Nakita rin naman agad nila si Wisley. Wala pa naman gaanong tao na naroroon. Saka Nagpahatid na rin sila ng pagkain.
Matapos nilang kumain ay isa-isa namang nag si-datingan ang barkada niya, unang dumating si Ashley ,kasunod naman nito ay si Chris na may kasamang magandang babae na kulang na lang ay maghubad, sa ikli ng suot nitong damit. At ang pang huli ay si Brian. Sinasabayan nila ang kumakantang Rock Band. Tanging si Brian lang ang walang imik nakangiti lang ito habang nanunuod.
"Hello guys! bati ni Maddy sa kanila. Bigla na lang itong sumulpot.
"Hey, join us here.", si Chris.
"Okay, thanks", nakangiti nitong saad.
Naupo si Maddy katabi ni Tristan kung kaya napapagitnaan ni Miaka at maddy ang binata.
Habang si Miaka naman ay panay ang irap sa bagong dating dikit kasi ito ng dikit sa binata. Nagpakilala pa naman siya bilang nobya nito, para tuloy siyang napahiya. Mula ng dumating si Maddy ay parang hindi na siya pansin ng binata. Samantala, kung makalapit sa kanya kanina ay para na siyang hahalikan nito.
Kaya ang ginawa niya ay panay ang paglagok niya ng alak. Sa alak niya ibinuhos ang sama ng kanyang loob, at ng hindi nakatiis ay pabagsak niyang ibinaba ang wine glass na hawak. Dahilan kung kaya't napatingin si Brian sa kanya. Habang ang iba naman ay nakatuon sa Rock Band ang pansin. Si Tristan naman ay panay ang pakikipag-bulungan kay Maddy.
" Mia, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Brian sa kanya.
"O-oo okay, lang ako",nakangiting pahayag niya.
"Well, dahan-dahan ka lang mukhang nakakarami kana",nakangiti nitong wika. Kung kaya lalo pa itong naging singkit.
Tango lang ang iginanti ni Miaka sa binatang Doctor. Aminado siyang medyo lasing na nga siya, hindi niya lang pinapahalata.
"Tristan, pwede bang samahan mo muna ako sa Comfort room please?",maarteng turan ni Maddy.
"Hey, Maddy, baka nakakalimutan mong may girlfriend itong kaibigan namin at nasa tabi pa niya.", saway ni Ashley na bahagya pang lumingon sa kanya.
Saka lang ulit lumingon si Tristan sa kanya. Mukhang hindi na nga siya napansin nito.
"Magpapasama lang naman ako", maktol nito, medyo lasing na rin.
"Ako na lang sasama sa iyo", si Chris.
"Bro,grabe ka naman, ako na lang sasama sa kanya."si Wisley.
"Itigil niyo na nga iyan, may babae naman ah, bakit kailangan pang lalaki sumama sa kanya sa Comfort room?", sita ni Ashley.
"Oo, nga naman bro",ani Wisley na bahagya pang tinapik si Chris sa balikat.
"Babe, pwede bang samahan mo muna si maddy sa Comfort room",ani wisley sa kasamang babae.
Tumango naman ito, saka tumayo. Walang nagawa si Maddy, nag umpisa na rin itong humakbang papuntang Comfort room.
Habang nasa Comfort room ang dalawang babae, si Miaka naman ay panay pa rin ang tungga ng alak.
"Tama na iyan", ani Tristan na inagaw ang basong hawak niya.
"Ano ba, akin na nga iyan",inis niyang sabi.
"Malalasing ka niyan",ani Tristan.
"Pakialam mo?", aniyang masama ang tingin sa binata.
"Hey, ano ba iyan LQ?",si Wisley.
"Bro, mukhang galit iyang si Mia",ani Chris.
"I think, alam ko na kung anong dahilan.",nakangiting pahayag ni Brian.
Napakunot noo si Tristan sa tinuran ni Brian.
"Anyway, Miaka matagal ka na naming kilala, sa pangalan nga lang, dahil na rin sa kwento nitong kaibigan namin.", Umpisa ni chris
"Ganoon ba? hindi naman siguro masama ang kwento niya sa inyo? hindi nga ba?", saad ni Miaka.
"Ah, oo Miaka na-ikwento na kita sa kanila noon pa man, alam mo na close tayo noon..", nakangiting pahayag ni Tristan.
"Naku! hindi, sobrang paghanga nga ang kwento niya sa amin eh", sigunda ni Wisley.
"Paghanga sa ugali siyempre", O-oo tama iyon nga.",si Tristan na sinamaan ng tingin si Wisley.
"Yes, exactly! anito na nakipag hamon ng titigan kay Tristan. Saka pasimpleng ngumiti.
"Kaya nga nakilala ka namin sa mga salita niya. ",si Ashley na ngumiti na rin.
"Ang tagal niyo rin hindi nagkita ah, kaya tuloy tong si Tristan ay..", ani Wisley.
"Bro, ano ba", saway ni Tristan.
"Kaya nga tong kaibigan namin ay sobrang saya niya ng magkita kayong muli. madalas ka niyang ikinuwento sa amin noon eh", tanggol ni Brian.
"Ganoon ba? mabuti naman pala kung ganoon", saad ng dalaga.
Saka naman bumuntong hininga lang si Tristan. Kahit papano'y may nakahinga siya ng maluwag.
Makaraa'y nagbalik na rin sina Maddy at ng isang babae na kasama ni Chris. Naging magkasundo naman agad ang dalawang babae, liban kay Miaka. Hindi naman kasi masakyan ng dalaga ang kaartehan ng dalawang babae.
At ng hindi makatiis si Miaka na pagmasdan si Tristan at Maddy na halos maghalikan na. kaya naman, nagpasya na rin siyang umuwi na lang.
"I have to go",aniya ng makatayo.
Napalingon sa kanya ang lahat.
"Mia, maaga pa umupo ka muna.",yaya ni Ashley.
Habang si Tristan naman ay nakatitig lang sa kanya.
"Bye mia", nakangising pahayag ni Maddy sa kanya.
"Hindi na, salamat. maaga pa ako bukas eh, mauna na ako sa inyo ha."pagsisinungaling niya.
Ang totoo ay gusto niya lang talagang makaiwas sa nararamdamang selos. Akmang tatayo na si Tristan ng pigilin ito ni Maddy, hinawakan ito ni Maddy sa balikat.
"Where are you going?" wika nito.
"Ihahatid ko lang siya", seryosong pahayag ng binata.
"Hindi na Tristan, kaya ko ng mag-isa.
"No! ihahatid na kita", pilit pa rin ng binata.
"Hindi na kailangan, magpapasundo na lang ako kay Rain",
Kumunot ang noo ng binata.
Nagsinungaling siya rito.Dahil ang totoo ay wala naman talagang susundo sa kanya.
"Excuse me guys, I'm going to answer this call." ani brian na bahagya pang itinaas ang phone. Kung kaya't nagmamadali itong lumabas.
"Have fun guys!",nakangiting pahayag ni Miaka.!
Habang tumango at kumaway na rin si Chris, Ashley, Wisley, at kasama ni Chris na babae. Si Tristan ay nakatitig pa rin sa kanya habang hawak2x pa rin ito ni Maddy.
Pagkaraan ay humakbang na rin si Miaka paalis ng bar. Habang naglalakad siya ay hindi niya napigilan ang mapaiyak.Sobra siyang nasaktan ng makita si Tristan at si Maddy na ganoon ka sweet sa isa't isa. Naupo muna siya sa bakanteng upuan na naroroon sa labas ng bar. At doon niya ibinuhos ang sama ng loob na kanina pa niya pinipigilan.
"Are you crying?",
Napaangat ang tingin niya, saka niya lang pinahid ang luha sa mga mata ng makita kung sino ang nakatayo sa harap niya.
"Brian?"ah, nag re-relax muna ako dito sandali ang sarap kasi ng hangin eh",
Nakangiti itong tumabi sa kanya.
"Come on, alam kong umiiyak ka", anito na nakatuon ang tanaw sa langit.
Kitang- kita ang mga bituin sa langit dahil sa liwanag na dala ng buwan ng oras na iyon. Sariwa rin ang simoy ng hangin.
Napatitig siya sa tinuran ni Brian.
"Masyado ka kasing halata", anito na bahagya pang tumingin sa kanya.
"What do you mean?" kunot noong tanong niya.
"My god Miaka! alam kong nagseselos ka kay Maddy",
Nabigla man sa tinuran nito ay sumuko na rin siya.
"Ganoon na ba talaga ako ka-obvious?",
"Not really," kibit balikat nito." ako lang siguro ang nakakahalata, knowing Tristan torpe na manhid pa ang mokong na iyon", nakangiting pahayag nito.
"Torpe?" ulit niya.
"Sobra",hands up ako sa taong iyon pagdating sa katorpehan."
"Paano mo nasabing torpe siya?"
"Well, basi na rin sa nakikita ko.
"May nagugustuhan na pala siya",malungkot niyang pahayag.
"Oo naman! ikaw ba kailan mo siya minahal?"tanong nito sa kanya.
"Mangako ka muna na hindi mo sasabihin sa kanya."
"I swear," anito na itinaas pa ang isang kamay habang nakatingin sa kanya.
At ikinuwento nga niya kay Brian ang lahat-lahat. Kung kaya't tumangu-tango ang binata.
"Wow! hindi ako makapaniwala",nakangiting pahayag nito.
"Iyong pangako mo, tuparin mo ha"
"I promise",nakangiting wika nito.
"Mabuti naman kung ganoon",nakangiti niyang pahayag.
"Paano ba iyan, hindi ka yata natiis ng prince charming mo", ani Brian na kasalukuyang nakatingin kay Tristan habang palinga-lingang tumatakbo.
"Bro", sigaw nito na kumaway pa dahilan para makuha nito ang atensyon ng binata.
Habol ang hininga nito ng makalapit sa kanila.
"Akala ko nakalayo ka na", anito kay Miaka na medyo hinihingal pa.
"Bakit ka ba tumatakbo? hinihingal ka tuloy."nag-aalalang pahayag ni Miaka.
Habang si Brian naman ay nakangiti at pailing-iling lang habang nakatingin sa kanila.
"Oo nga naman bro, bakit ka nga ba tumatakbo? anito na nakakaloko ang ngiti.
"Ah,ano-kasi..", di mag-kandatutong pahayag nito.
"Kasi hinahabol mo ako?",anang dalaga habang si Tristan naman ay hindi nakaimik.
"Sige na nga, balik na ako doon sa loob. Maiwan ko na kayo",paalam nito sa kanila.
Nang sila na lang dalawa ay namayani sa kanila ang katahimikan.
"Bakit mo naman sila iniwan doon? lalo na si Maddy."ani Miaka ng nakayuko.
"Nag-aalala kasi ako, medyo lasing ka kasi kanina.",anang binata.
"Okay naman na ako, kaya ko na. Bumalik ka na doon sa loob.
"Ano ba iyan, pagkatapos kitang habulin tapos pababalikin mo lang ako .Nakakapagod kaya", reklamo nito.
"Paano naman si Maddy?
"What about Maddy?", kunot noong pahayag nito.
"Nagkaka-mabutihan na kayo,.tapos iniwan mo lang ng dahil sa akin",
"My god Mia!, kung tutuusin nga, girlfriend kita sa paningin niya, ikaw kaya tong nagpakilala sa kanya na girlfriend ko.
Tumango lang si Miaka sa tinuran nito, kung ganoon naman pala ay sinundan siya nito dahil na rin sa nagpakilala siyang girlfriend nito ng nagdaang gabi, pangit naman kasing isipin kung hayaan siya nitong mag-isa, habang ang fake boyfriend niya, may kasamang iba. At baka ay ayaw lang nitong mapahiya siya. Napaniwala pa naman nila si Maddy noong oras na iyon. Pero hayun kung makakapit kay Tristan kanina ay wagas. Hindi man lang nito ginalang na naroon din siya, at iisiping girlfriend siya ng binata. Ito namang si Tristan ay parang nag-e-enjoy lang din, halos hindi na nga siya nito pansin.
"Iyong tungkol nga pala doon, pwede ko naman sabihin sa kanya ang totoo na hindi nga tayo totoong.."
Naputol ni Miaka ang sasabihin ng bigla na lang siyang halikan ni Tristan. Napapikit siya sa halik nito, hanggang sa namalayan niya ang sariling tinutugunan na pala niya ang halik ng binata.