KABANATA 7

2181 Words
"Happy birthday li'l bro!!", malakas na sigaw ni Joana kinaumagan ng sugurin siya nito sa kanyang silid.Napamulat si Tristan, sa ginawang iyon ni Joana.Hila-hila kasi nito ang kumot niya. "Thank you", aniyang hinila rin pabalik ang kumot niya saka tinakpan ang buong mukha. "Gising na kasi", anitong hinila pabalik ang kumot. "Okay sige na, just give me a short time ate, susunod ako." "Okay", anito saka nagsimula ng humakbang paalis ng silid niya. Ilang minuto na ang nakakaraan mula ng makaalis si Joana, ay nananatili pa ring nakahiga sa kanyang kama si Tristan. Nakatingala lamang siya sa kisame ng kanyang silid. Napaisip tuloy siya sa ginawa niyang paghalik kay Miaka. Pagkatapos kasi ng mga pangyayari ay nagkailangan sila. Nang ihatid niya ang dalaga ay wala silang imikan na dalawa. Dala na rin siguro ng nainom niyang alak kung kaya't nagkalakas loob siyang halikan ang dalaga. Bahagya pa siyang napangiti sa iisiping It's a tie. Kasi, nang unay si Miaka ang unang humalik sa kanya kung kaya't nabigla siya. At kagabi nga ay siya naman ang humalik sa dalaga. Kaya nga lang hindi niya inasahang tugunan iyon ng dalaga. 'Di nagtagal ay bumaba na rin si Tristan. Nadatnan niyang kumakain ang buong pamilya niya. Binati siya ng mga ito saka naupo na rin. "Invite all your friends tonight, may salu-salo tayo dito sa bahay mamaya",anang kanyang ama. "Yes dad", tipid niyang ganti. "Good morning tito, good morning tita",nakangiting pahayag ni Chris .Kapapasok lang nito at kasunod nito ay si Wisley. Bumeso ang dalawang binata sa matandang babae at kay Joana. Kapag kuwa'y bumaling sa kanya ang dalawa at sinugod siya ng yakap. "Happy birthday bro." si Chris. "Happy birthday bro, pa kiss nga." si Wisley na umakto pang hahalikan siya. "Thank you sa inyo Bro." alam ko naman na guwapo ako bro, hindi mo na kailangan pang humalik pa.Nababakla ka na naman eh." biro pa niya. Nagkatawanan lang sila. Pati ang mga magulang niya ay Iiling-iling na nakikinig sa kanila. "O siya, maupo na kayong dalawa at baka lumamig ang pagkain." wika ng kanyang ina. Agad namang naupo ang dalawa. 'Di nagtagal ay dumating ang dalawang sina Brian at Ashley na may dalang regalo. At may dalang isang malaking kahon na sa tingin niya ay cake ang laman. Naupo na rin ang dalawa gaya ng nauna ay bumeso rin ang mga ito sa kanyang ina at kay Joana. Saka bumati sa kanyang ama. Binati naman siya ng dalawa. Saka inabot sa kanya ang regalo.Laking pasasalamat niya rito sa apat. "Nakakaiyak naman, nakakainggit lang. Sana may ganyan din akong kaibigan ano?" si Joana. "Bakit, wala nga ba?" si Ashley. "Wala eh." malungkot nitong pahayag. "Hayaan mo Joana , bibilhan kita ng mga kaibigang tulad namin", si Wisley. "Sira ka talaga Wisley" anitong nakangiti. Nagkatawanan na naman sila. Ang saya lang ng agahan nila. Puno ng tawanan at asaran. Habang ang dalawang matanda ay tawa lang ng tawa habang nakikinig sa kanila. Kinagabihan nga ng mag umpisa na ang party ay ipinakilala siya ng kanyang ama sa mga kaibigan at kasosyo nito sa negosyo. "Nasa tamang edad kana hijo, kailan mo ba balak na pumasok sa kompanya ng papa mo?" wika ng isa sa mga kasosyo ng ama niya. "Actually, pinag-iisipan ko na ang bagay na iyan sir" nakangiti niyang pahayag. "Aba'y, mabuti naman pala kung ganoon. Wala ka na palang po-problemahin dito Ramon." anito kapag kuwa'y bumaling sa kanyang ama. "Oo naman, Roberto. Masunurin at mabait ang batang ito." wika naman ng kanyang ama. "Anyway, may apo ako na irereto saiyo. Natitiyak kung bagay kayong dalawa, maganda ang apo ko at guwapo ka naman. Isang araw ipapakilala kita sa kanya. "Sige po sir walang problema sa"kin iyon", aniya na bahagya pang tiningnan ang relong suot. Mag-aala syete na ng gabi, ngunit wala pa ring tawag mula kay Marco. Inutusan niya si Marco na sunduin si Miaka sa bahay nito. "Ahm..Dad, sir, I'm so sorry, pwede bang iwan ko muna kayo. Naghihintay kasi ang mga kaibigan ko. "Sige lang hijo." nakangiting pahayag ni Roberto. "Okay son, have fun." Mabilis siyang humakbang at nagtungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya. "O, bro bakit parang balisa ka yata?" puna ni Chris sa kanya. "Wala naman." aniya kapag kuwa'y lumagok ng wine. Sakto naman hinawakan niya ang kanyang cellphone ng tumawag si Marco. Hindi niya masyadong narinig ang mga sinasabi nito sa kabilang linya dahil sa maingay. Kaya, nagpasya siyang lumabas. Ngunit, hindi pa man siya tuluyang nakalabas, may namataan siyang pamilyar na tao mula sa kanyang nakaraan. May kasama itong magandang babae, ngunit ang nakakapagtaka ang babaeng iyon ay hindi si Miaka. Nagulat pa siya sa ginawa nitong paghalik sa naturang babae. Kuyom ni Tristan ang mga kamao habang palapit sa mga ito. At waLang pag-aalinlangang sinugod ng suntok ang lalaki. "What the!" Nanlaki ang mga mata nito ng makita siya. "Tristan?" Duguan ang bibig nito. "You son of a b***h!" aniyang galit na galit. "Ano bang ginawa ko sa'yo para sugurin mo ako ng suntok?" anito na galit na rin. Habang ang kasama nitong babae ay takot na takot. "Tinatanong mo pa kung bakit? ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" "What? i'm just kissing my girlfriend. You? what the hell are you doing huh! "Exactly! how about Miaka? diba girlfriend mo rin siya? ang lakas din naman ng loob mong lokohin siya!" Susugurin pa sana niya si Rain ng may pumigil sa kanya. "Tristan" pigil nito sa kanya. "Miaka" tanging sambit niya ng makita ang dalaga. Kasunod nito ay si Marco. Mabilis itong nakalapit sa kanya ng makita ang eksina. Hawak na nito ang kanyang braso upang pigilin siya. "What happened?" kunot noong taong ni Miaka. Nabigla pa si Miaka ng makita si Rain. "Mia" tawag ni Rain sa dalaga. "What are you doing here?" baling nito kay Rain. "I was just invited by Joana. Sinugod ba naman ako ng lalaking ito, when he saw me kissing Vivian." Ngayon naman ay nasa kanya nakatingin si Miaka. "Okay fine! nagalit ako ng makita ko ang gagong ito kahalikan ang babaeng iyan, alam ko naman kasi na ikaw ang girlfriend niya, pero ibang babae ang kasama niya. "Girlfriend ?" takang tanong ni Rain, pagkuwa'y nilingon si Miaka. "hindi mo man lang ba sinabi sa kanya na kapatid mo ako? "kapatid?" lalong kumunot ang noo ni Tristan sa narinig. "Tristan, let me explain", wika ni Miaka. "After all this years, malaman-laman ko lang na magkapatid kayo?" paasik nito. "I'm sorry Tristan binalak ko naman sanang--" Pero mukhang wala ng narinig si Tristan dahil sa sobrang pagkahiya at pagkabigla, at galit na nararamdaman. Tuloy-tuloy lang siya sa paghakbang. Wala siyang pakialam sa mga nakakasalubong niya, parang wala siya sa kanyang katinuan ng oras na iyon.Pagkatapos ng mahabang panahon ay ito lang pala ang maririnig niya na ang taong pinag seselosan niya ng sobra ay kapatid pala ng taong mahal na mahal niya. Para siyang pinag-kaisahan ng mga ito. "Tristan, please hayaan mong magpaliwanag ako." ani Miaka habang nakasunod lang sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad saka nilingon ang dalaga. "Masaya ka na?" pinaniwala mo akong boyfriend mo siya no'ng high school pa tayo." "I'm sorry Tris, gusto ko lang naman kasi malaman kung ano ang magiging reaksiyon mo noong time na iyon eh". "Reaksiyon? ano ba kasi ang iniisip mo?" aniya sa galit na tono. Napayuko lang si Miaka sa tinuran niya. Humihikbi ang dalaga. "Hindi mo alam kung paano akong nagdusa sa loob ng mahabang panahon. Tapos ganyan lang pala ang maririnig ko?!" bahagya pang tumulo ang luha ni Tristan. "Tristan, please.. "Kapatid ko si Rain sa ama. Anak siya ng papa ko sa ibang babae. Inilihim ko ito sa school dati, dahil na rin sa kagustuhan ni papa. "Sana noon mo pa iyan sinabi." "Tris" "Just leave me alone", "Pero, Tris.. "Please." Walang nagawa si Miaka. Kailangan niyang makalayo sa lugar na iyon. Nagmamadali siyang humakbang, nakayuko lamang siya habang naglalakad. Hanggang sa mabangga ang ulo niya sa kung anong matigas. Pag-angat niya ng tingin ay nag-aalalang mukha ni Brian ang nakita niya. "Are you okay?" "O-okay lang ako." bahagya pa niyang hinawakan ang kanyang ulo. "Sorry, hindi ko sinasadya Mia. "Medyo matigas ang dibdib mo,pero okay lang talaga ako Brian." "Are you crying?" anito ng makitang pinahid niya ang kanyang luha."halika sumama ka sa akin" yaya nito sa kanya saka hinawakan ang kamay niya. Dinala siya ni Brian sa isang restaurant. "Malamang ay hindi ka pa kumakain kaya dito na lang kita dinala." nakangiting pahayag nito. "Tara sa loob." Sumunod na rin siya sa binata. Pagkatapos nilang um-order ay sabay na silang kumain. "Hindi ka pa rin ba kumakain?" pagkuwa'y wika niya. "Actually, sinabayan lang kitang kumain pangit naman kasing tingnan kung mag isa kang kumakain habang magkasama tayo." anito na bahagya pang kumuha ng table napkin tsaka pinahid sa bibig. "Ang bait mo no?" nakangiti niyang pahayag. "Not really, Bakit ka nga ba umiiyak kanina?" seryosong pahayag nito. Kinuwento nga niya sa binata ang nangyari kanina. "Intindihin mo na lang si Tristan, nagpapalipas lang iyon. Alam kong hindi dapat eh, pero sa ikagagaan ng loob mo sige na nga sasabihin ko na." "Anong ibig mong sabihin?" "God, patawarin ako ni Tristan. Si Tristan kasi, matagal ng may gusto saiyo. Hindi nga lang niya masabi kasi nga torpe ang loko. "Hindi ko maintindihan, paanong?" Ikinuwento lahat ni Brian ang nalalaman niya sa buhay ni Tristan noon. Lalo pa tuloy napaiyak si Miaka ng marinig ang kwento ng binata. "Sa tingin ko kailangan niyo talagang mag usap na dalawa." "Salamat Brian", "Ilihim mo na lang sa kanya kunwari ay wala kang nalalaman." "Okay, maraming salamat talaga." Habang si Tristan naman ay nagbalik kung saan niya iniwan ang mga kaibigan niya. "Gusto kong uminom ng marami ngayon" seryosong pahayag niya pagkuwa'y pabagsak na umupo. "Sige lang bro, just enjoy the night" si Wisley. "May problema ba?" si Ashley. "Nakakainis lang eh, bakit kailangan pa niya akong pagsinungalingan?" "Sino ba ang tinutukoy mo si Brian? kaya ba wala siya rito? " si Wisley. "Ano ba bro, magseryoso ka nga sa panahong ito." saway ni Ashley. "Nga pala, si Brian nasaan pala?" ani Chris habang pa linga-linga sa paligid. "Nagmamadali iyong lumabas, tinawagan ng secretary niya." wika ni Ashley. Makaraan ay nakarami na ng inom si Tristan kung kaya medyo nalasing na rin siya. Saka naman biglang dumating si Brian. "Bro, where have you been?" ani Chris. "Mahabang istorya." anito kapag kuwa'y nagsalin ng alak para sa sarili. "Mahulaan ko, may ka date ka ano?" si Wisley. "Sira! ano bang ganap dito?" "Hayan, kulang na lang ubusin niya lahat ng inumin na makikita niya." ani Wisley na ang tinutukoy ay si Tristan. Habang si Brian naman ay Iiling-iling itong pinagmasdan. "Sobra ka naman bro, Gusto ko lang naman makalimutan ang gabing ito."anito na halatang lasing na nga. "Ano ba kasing meron sa gabing ito at gusto mong kalimutan? Gusto mo yatang kalimutan ang birthday mo bro", si Ashley. "Biruin niyo, sa mahabang panahon labis akong nagdusa. Dahil lang sa buong akala ko ay masaya na si Miaka sa piling ng iba. Iyon naman pala, malaman laman ko na lang na ang lalaking pinag seselosan ko noon half brother niya." aniyang nagsalin pa uli ng alak. "Saklap niyan bro." si Wisley. "Hindi ko alam kung anong dahilan at bakit niya sinabing sila na noon. Kung hindi ba nangyari ang ganoon sa tingin niyo magiging kami?" "Honestly bro, sa tingin ko hindi rin. Bukod kasi sa torpe ka, ang manhid mo pa." si Brian na tinapik pa ang balikat niya. "Doctor Brian Lee! sobra ka naman." si Wisley. "Sinasabi ko lang ang totoo, kaya Tristan Park umayos ka, kung ayaw mong mawala ang babaeng mahal mo sa pangalawang pagkakataon." ani Brian pagkuwa'y sinalinan siya nito ng alak sa kanyang baso. Park ang surname niya dahil sa hindi purong pinoy ang kanyang ama.Ang lolo niya ay koreano at ang lola naman niya ay purong pinay. Napaisip siya sa tinuran ni Brian. Malamang nga ay tama ito, hindi rin magiging sila kasi nga hindi niya masabi-sabi sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman. Kaya lang ay paano naman nito nasabing manhid siya? Gulong-gulo na talaga ang isip niya may bahagi ng kanyang isip na nagsasaya dahil sa nalaman niyang si Rain ay kapatid pala ni Miaka. Samantalang, ang isang bahagi naman ng kanyang pag-iisip ay panghihinayang at galit. Panghihinayang, dahil sa mga panahong nasayang. At galit dahil kung hindi sinabi ng dalaga na may nobyo na ito noon malamang ay hindi niya ito iniwasan, at marahil ay nagtagal pa ang pagsasama nila bilang magkaibigan. Iniwasan niya ito dahil sa gusto niya rin na marealize ng dalaga na siya ang tamang lalaki para rito. Tipong hahanapin nito kapag hindi na sila palaging magkasama.At sa kasamaang palad ay hindi naman nangyari, kaya't napatunayan niyang wala talagang pag-asa ang pag-ibig niya.Tapos ngayon, malaman-laman niya lang pala na magkapatid ang dalawa sa ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD