Sobrang sakit ng ulo ni Tristan kinaumagahan ng siya ay magising. Hindi na niya natatandaan kung ano ang mga pangyayari kagabi sa sobrang kalasingan. Kasalukuyan pa rin siyang nakahiga sa kanyang kama. Maya-maya'y may kumatok sa kanyang pinto.
"Sir Tristan, ready na po ang agahan niyo", wika nito.
Parang pamilyar sa kanya ang boses nito. Kaya lang iwinaglit niya kaagad sa kanyang isipan. Imposible naman kasing mangyari. Siguro nakakuha ng bagong katulong ang ate niya, sa isip-isip niya.
"Wala akong gana. Iligpit mo na lang. " sagot niya rito.
"Pero sir, mainit pa po iyong soup siguradong makakabuti ito sa hang over niyo. " wika pa nito.
Dahil nakukulitan na rin siya rito agad niya itong pinag-buksan ng pinto.
"Good morning sir! " masiglang bati nito ng mapagbuksan niya ng pinto.
"Anong kalokohan 'to? " kunot noong turan niya.
Hindi nakaimik si Miaka, bagkus ay parang natutulala itong nakatingin sa kanya.
"Hey! tawag niya uli sa dalaga. Saka lang ito natauhan.
"So-sorry, sir hindi ko kasi alam na ganyan pala ang makikita ng mga katulong niyo kapag umaga. Maiwan ko na po kayo. " anito pagkuwa'y nagmamadaling bumaba.
Saka lang niya naintindihan ang ibig sabihin nito ng marealize niyang naka boxer shorts lang siya. Ni pang- itaas ay wala siyang suot. Iiling iling si Tristan ng magbalik sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa side table at tinawagan ang kaibigang si Ashley.
"Bro, mas maaga ka yatang nagising kay sa inaasahan ko." wika nito sa kabilang linya.
"Ano ba ang nangyari kagabi? "aniya.
"Pagkatapos mo kasing mag- drama kagabi dahil sa kalasingan, nakatulog ka sa mesa ng nakadapa. At may magandang babae ang dumating, na alalang-alala sa kalagayan mo.
"Babae? sinong babae? "takang tanong niya.
"Perhaps, nagkita na kayo?"
"Sandali nga, hindi ko talaga naiintidihan."
"Si Miaka, siya 'yong tinutukoy ko. Dumating siya kagabi.
"Nakita ko nga siya, ngayong umaga dito sa ba-- teka nga, may kinalaman ba kayo rito?
"Wala kaming kinalaman diyan bro, ang alam ko lang ay nagkausap sila ni Joana kagabi.
"Si ate?
"Yup, siya na lang ang tanungin mo bro. I have to go, mali-late na ako. I have an appointment today with Mr. Takashi.
"Sige bro." kapagkuwa'y malalim ang kanyang buntong hininga.
Pagkatapos maligo ni Tristan ay dali-dali siyang nagbihis at bumaba ng kanyang silid. Naabutan niya si Miaka sa sala nakaupo.
"Ipaliwanag mo nga sa akin bakit ka nandito? " seryosong pahayag niya.
"Kumain ka muna saka na lang tayo mag usap pagkatapos",
"Wala akong gana, halika doon tayo sa hardin mag-usap.", Seryoso niyang sabi. Kapagkuwa'y nagpatiuna na siyang maglakad agad namang sumunod si Miaka sa kanya.
"Look, Tristan I'm so sorry", anito
Niyakap siya ni Miaka habang nakatalikod. God knows kung gaano niya ka gusto ang ginawa nitong pagyakap sa kanya sa ganoong posisyon. Kaya lang ay minabuti pa rin niyang hindi kumilos.
"Nagawa ko lang naman iyon, kasi ..
"Kasi ano?", aniya na humarap na sa dalaga. Nabigla pa ito ng magkalapit ang kanilang mga mukha ng humarap siya rito. Agad naman itong yumuko.
" Gusto ko lang naman kasi, malaman kung ano ang magiging reaksiyon mo kapag nagka boyfriend na ako",
" Naging masaya ka naman ba sa pagsisinungaling mo?", wala pa ring ekspresiyon ang mukha niya.
Hindi ito kumibo, sa halip ay naupo ito sa upuang naroroon.
"Okay lang kung hindi mo pa ako mapatawad, naintindihan ko naman, Kasalanan ko." Oo-nga pala, ipinagluto kita ng soaf initin mo na lang mamaya. Nakapasok nga pala ako dito dahil kay Joana. Nakaalis na pala mga magulang mo ng magising ako, kaya naman nagpaalam ako kay Joana na ipagluto ka ng soaf para sa hang over. Sabi naman niya ako ng bahala saiyo. Nagmamadali kasi siyang umalis kasi late na raw siya.
Tango lang ang iginanti ni Tristan sa dalaga. Hindi man lang siya kumibo. Namayani sa kanila ang katahimikan.
Samantala, si Miaka naman ay nagpipigil na mapaiyak dahil sa nakikitang anyo ng kaharap, ni walang ekspresiyon sa mukha nito. Ni hindi man lang ito kumikilos mula sa kinatatayuan. Marahil ay ganoon na lang kalaki ang galit nito sa kanya.
Kagabi, pagkatapos nilang mag -usap ni Brian ay agad niyang hinanap si Tristan. Kaya lang, lasing na ito ng maabutan niya. Hindi na siya sumabay pabalik kay Brian dahil na rin sa gulong-gulo na rin ang isip niya no'n at minabuting magpaiwan sa restaurant kaya lang ay napag isip- isip niyang kailangan niyang bumalik para kausapin ng masinsinan ang binata. At ganoon na nga ang naabutan niyang eksina Kasama nito ang mga kaibigan, Nakadapa na ito sa mesa habang ang apat na kaibigan nito ay patuloy lang sa pag-uusap. Kaya naman nilapitan niya ang mga ito at sinubukang gisingin si Tristan.
"If i were you Mia, hayaan mo na lang muna siya diyan. Ganyan talaga iyan kapag nalasing ang hirap gisingin." wika ni Ashley.
" Bakit kayo, hindi naman nalasing ng ganito?" aniya.
"Paanong hindi malalasing iyan eh, Halos siya lang yata ang nakaubos ng drinks sa mesa namin." sigunda naman ni Brian.
Dumukot siya sa kanyang hand bag at kinuha ang powder na naroroon at inilagay sa kamay niya kapagkuwa'y pinahid sa mukha ng binata.
"Wow! sana ganyan din ang maging next girlfriend ko." ani Chris.
Habang ang tatlo naman ay nakatingin lang sa kanya at nakangiti.
"Bakit naman kasi hinayaan niyo siyang malasing ng ganito?" aniya na di sinasadyang maluha.
"Teka, huwag mo naman iyakan iyang kaibigan namin Mia, buhay pa iyan nakatulog lang." biro pa ni Wisley.
"Maya-maya'y nag desisyon ang mga ito na iakyat na si Tristan sa silid nito. Si Chris at Wisley ang nagtulungan na iakyat ito sa taas, habang si Ashley naman at Brian ay nanatili kasama niya.
"Mia?" ani Joana na nakalapit na sa kanya.
"Joana!" aniya na bigla pang tumayo at bineso ang bagong dating. Kinuha nito ang isang silya at tumabi sa kanya. Magkakilala na sila ni Joana noon pa man. Bukod sa magkaibigan sila ni Tristan ay naging kasamahan din ito ng kapatid niyang si Rain sa trabaho. Nagkumustahan at nagkwentuhan sila nito hanggang sa nalaman nito mula kay Brian ang lihim niyang pagtingin kay Tristan. Siguro, ay dahil na rin sa lasing na ito kaya hindi na napigil ang sarili.
"Wow! Wow! hindi ako makapaniwala." Nasisiyahang pahayag ni Joana.
"Teka lang Joana, secret lang natin ito pwede ba?", wika niya
"Matatawag ba naman na secret iyan kung nandito kami? hello? naririnig po namin kayo.", si Ashley.
Agad naman itong sinaway ni Joana. Halatang lasing na rin ito.
"Oo naman, sige lang ipagpatuloy mo girl. Alam mo bang ni minsan wala pang pinapakilalang girlfriend si Tristan sa amin. " sigunda ni Joana.
"Oo nga naman, paano ba naman kasi torpe ang mokong mong kapatid", sabat ni Wisley na kababalik lang.
"Torpe nga ba talaga o may hinihintay lang siyang dumating?. "Si Brian na bahagya nakatingin sa kanya.
" Well..anyway, Si Chris?" takang tanong ni Joana.
" Ewan, nakasunod lang sa'kin iyon kanina. Nakakita na naman siguro ng babae."
"Ang lokong iyon talaga. Sobrang mahilig sa babae." nakangiting pahayag ni Joana. "
"Anyway, dito ka na muna matulog bakante naman ang guest room namin. Saka malalim na ang gabi, huwag ka ng umuwi Mia, ng sa ganoon ma enjoy natin ang gabi.
"Naku, huwag na. Nakakahiya naman sa inyo Joana. Lalo na kay tito at tita." tanggi niya.
"It's okay Mia, kapag nakita ka ng mga iyon, matutuwa pa nga ang mga iyon". nakangiting pahayag nito.
"Okay sige na nga."
At heto nga siya sa harap ng gwapong nilalang na ito.
"Wala ka man lang bang sasabihin? sumbatan mo ako kung gusto mo, magalit ka sa akin", aniya sa binata.
Maya-maya'y tumunog ang cellphone nito. Nahulaan na niya basi sa naririnig niyang pangalan na sinambit nito. Nakangiti pa ito habang kausap ang babae, samatalang siya ay kulang na lang ang lumuhod para masilayan ang mga ngiting ganoon ng binata. Samantalang, sa babaeng iyon kay dali nitong bumigay.
Dahil sa selos na nararamdaman niya, mabilis niya itong iniwan. Kuyom-kuyom niya ang mga kamao habang paalis ng hardin. Hindi na rin siya nag abalang magpaalam pa rito.
Samantalang si Tristan naman ay Nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang dalagang umalis ng walang paalam. Ang totoo, hindi talaga si Maddy ang kausap niyang iyon. May naglalaro kasi sa kanyang isipan kanina kung kaya't umakto siyang si Maddy ang kausap. Ang totoo ay si Marco ang tumawag para tanungin kong pupunta siya ng bar.
Nagtungo siya sa kusina pagkatapos, para tikman ang luto ng mahal niya.
Napahanga siya sa ginawang soaf nito para sa kanya. Dahil sa nagustuhan niya ang lasa ay naparami ang higop niya. Kung kaya't pawisan siya matapos kumain. Nagkusa siyang hugasan ang kanyang pinagkainan.Dahil ganado siya ng oras na iyon.
"Naku sir, ako na pong gagawa niyan", anang katulong nila.
"Okay lang manang, ako ng gagawa nito." nakangiti niyang sabi.
"Pero sir"
"Manang, sabi na ako ng bahala", nakangiti niyang sabi.
Iiling-iling na pinagmasdan siya ng katulong nila. Naninibago kasi ito sa pinapakita niya.
Ang totoo, hindi na siya galit kay Miaka. Kailan man ay hindi niya magawang magalit sa dalaga.
Samantala, si Miaka naman ay nagtungo sa bestfriend niyang si Nicole. Kasalukuyan siyang nasa kwarto nito nakikihiga.
"May problema ka ano?" pag-aalala ang mababakas sa mukha nito habang magkaharap silang nakahiga.
Ikinuwento nga niya ang mga pangyayari sa kaibigang matalik. Pinapagaan nito ang kalooban niya. At ng maging okay siya ay nagpaalam siya sa kaibigan dahil kinailangan niya pang kausapin ang kapatid na si Rain.
Kasalukuyan siyang nasa sala ng bahay nito habang hinihintay ang kapatid. halos magka-edad lang sila ni Rain. Matanda nga lang siya ng tatlong buwan rito. Paano naman kasi ang kanyang ama ay natukso. Secretary noon ng kanyang ama ang mama ni Rain kung kaya't palaging magkasama ang mga ito sa trabaho. At doo'y natukso ang kanyang ama, Maganda at sexy ang mama ni Rain at dalaga lang ito ng pumatol sa kanyang ama.
"Rain, I'm so sorry", aniya ng makitang pababa ng hagdan ang kapatid. Napaiyak siya ng makita ang bibig nitong may pasa.
"Hayan, tuloy. bakit kasi hindi mo pa inamin sa kanya ang totoo. ", anito.
"Okay ka lang ba?" aniya na hinawakan pa ng bahagya ang sugat nito.
"Aray! sigaw nito.
"Naku! Sorry.. Napaiyak na talaga siya ng tuluyan.
"Ano ba, okay lang naman ako Mia. Ang liit lang naman nito malayo sa bituka. Matindi tong kapatid mo, huwag ka ng umiyak okay?", nakangiti itong inapuhap ang kanyang likod.
"Sigurado ka?"
"Oo naman, ang lakas ko kaya." biro pa nito saka siya niyakap.
"Sorry talaga Rain." aniya na hinigpitan pa ang yakap sa kapatid.
" Okay lang Mia, sa susunod huwag ka ng magsisinungaling. Para naman akong mamamatay sa yakap mo na iyan eh", angal nito.
"Sira! huwag kang magsasalita ng ganyan", saway niya rito
"Oo na po."
"Salamat Rain, akala ko talaga galit ka sa akin",
"Hindi mangyayari iyon",anito.
"Maiba ako, nag away ba kayo ng girlfriend mo?" tanong niya.
"No'ng una nagalit siya, ng magtagal napaliwanagan din. huwag ka ng mag alala. okay lang kami. Paano naman si Tristan?
"Hayun, galit pa rin siya sa akin eh, pinuntahan ko sa kanila kaya lang wala namang kibo.
"Aba't! gago ang mokong na iyon ah, mapuntahan nga sa kanila ng maturuan ng leksyon. Hindi ako papayag na ginaganyan ka." anito na umakto pang tatayo.
Natawa lang si Miaka, alam naman niyang hindi rin tutuhanin ng kapatid niya.
"Okay, anito na bumalik sa pagkakaupo. Hayaan mo na muna, kung sa akin nangyari iyon magagalit rin ako. Mawawala rin ang galit niya.
"Oo nga eh, naintindihan ko naman", Galit ka ba sa kanya?",
"Hindi naman, actually, nagustuhan ko nga ang ginawa niya, mas kampante nga ako kung maging kayo.", nakangiting pahayag nito.
"At bakit?" takang tanong niya.
"Isipin mo nga, sinuntok niya ako dahil sa kaalamang niloloko kita. dahil sa pag-aakalang boyfriend mo ako. Ibig sabihin lang no'n importante ka sa kanya. At pinahahalagahan ka niya. Kaya safe ka sa kanya kung sakaling maging kayo.
"Paano naman maging kami, eh may gusto nang iba iyon", malungkot niyang sabi.
"Alam mo Mia, pagdating sa pag-ibig ang slow mo, nakakainis batukan kita diyan eh", nakangiti nitong sabi.
"What do you mean?", kunot noong tanong niya.
" Ewan ko sa'yo. Umalis ka na nga." taboy nito sa kanya..
Saka naman nagkatawanan ang magkapatid. Kahit naman papaano'y ang turingan nila sa isa't isa'y buo talaga silang magkapatid.